Gee-Ann Abrahan talks about messy breakups with Bodie Cruz and Mickey Perz

IMAGE 0


Gee-Ann Abrahan admits that while both PBB Housemates Bodie Cruz and Mickey Perz became her boyfriends, it was Mickey who broke her heart: "Basta ang masasabi ko lang sobrang sakit yun. Yun ang pinakamatinding sakit na naramdaman ko, ever, grabe!"


Finally, nagsalita na ang Pinoy Big Brother Season 2 housemate na si Gee-Ann Abrahan tungkol sa dalawang lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya. Una ay si Bodie Cruz, at pangalawa (and most recently) ay si Mickey Perz.

Ano ang naramdaman niya nang finally, kahit tapos na, ay inamin ni Bodie na nagkaroon sila ng relasyon? "Nagulat! Pero actually marami naman questions talaga, marami, kasi malabo talaga nung naghiwalay kami."

Sa tingin niya, sino ang mas maraming questions, siya o si Bodie? "Pareho. Feeling ko nung time na kami, marami din kaming itinago from each other. That time was really magulong-magulo talaga."

Masasabi ba ni Gee-Ann na pareho silang nakahinga nang maluwag ni Bodie nang matapos ang relasyon nila? "I can't speak for him, pero ako hindi rin, kasi yung mga tanong ko, yung mga issues, hindi nasagot. Actually up to now, hindi pa din nasagot so parang in time na lang... wala naman akong choice kundi i-let go without knowing the answers."

COMPLICATED. Hindi ba siya nagtanong?

"Kumbaga ako, admittedly nung time na yun nalalabuan ako, so pinabayaan na lang namin siyang [relationship] maglaho kesa mas lalo siyang maging complicated."

Naghiwalay naman sila on good terms? "Good naman pero yun nga, madaming questions."

Gaano katagal umabot ang kanilang relasyon? "Months, sandali lang siya, sa sobrang gulo."

Yung sandaling panahon na yun, was it worth it naman, wala siyang pinagsisihan? "Wala akong pinagsisihan. Marami lang talagang tanong that remain unanswered."

Pero minahal ni Gee-Ann si Bodie? "Oo."

Mahal pa ba niya si Bodie? "Naka-move on na talaga ako, to be honest. It took ano, especially may puzzle talaga, it took a lot, even though I've had relationships before that lasted longer, ito yung mahirap mag-move on compared sa past. Mas mahirap kasi kapag palaisipan, e, kesa alam mo kunwari, niloko ka, alam mong niloko ka, e kailangan mong i-get over yung pain. Ito, question mark, e, maraming what ifs, maraming should've, would've, yung ganu'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARANOID. "Admittedly naman praning akong tao, lalo na yung time na yun, very pessimistic and very doubtful. Sana lang nasagot yung mga doubts ko nang maayos, siguro kung nalinaw namin yung mga bagay-bagay.

"Feeling ko madami din naman siyang hindi sinabi sa akin, madami din naman akong hindi sinabi sa kanya. Kung hindi man natuloy baka at least mas maganda yun, hindi siya naudlot nang ganun."

Is there a second chance o wala na? Mas maganda bang wala na?

"Ako nakikita kong very happy siya and honestly ngayon, hindi talaga kami... walang communication, pero kapag nagkita kami, 'Hello!', ganun pero hindi na kami yung buddy-buddy, unlike before.

"Honestly noon, nung time na yun I felt we have each other talaga, lalo na yung time na yun na very overwhelmed ako sa lahat kasi hindi ko ine-expect lahat ng pangyayari and I wasn't really ready for it and I didn't want it.

"It wasn't part of my plan, everything that happened nung time na yun. If it weren't for all the gulo that came, lahat ng factors, masasabi kong masaya ako nun sa kanya."

UNANSWERED QUESTIONS. "Madami talaga, ganun siya kagulo, feeling ko may miscommunication din talaga, madaming factors, pero one big factor yung miscommunication. Actually when we broke up, we thought... actually hindi kami biglang nag-stop ng communication at first.

"Hindi naman sa gusto pa naming i-try pero I don't know, I'm not sure, as far as I remember parang we were open pa to the possibility na i-try ulit but not at that time, waiting for the time to come baka sakali.

"Bigla na lang din, yun din yung question ko, bakit bigla na lang siyang naglaho? Although nung nag-break kami, ayoko na muna talaga, because madami talaga akong questions na hindi nasasagot hanggang sa eventually naglaho na siyang tuluyan. No communication at all."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan sila naghiwalay ni Bodie na totally walang communication? "When we broke up nagko-communicate pa kami, hindi ko alam kung kailan yung pinakawala na talaga... pero siguro mga third quarter of 2007."

Ngayon, nasa GMA-7 na si Bodie. Sa tingin ni Gee-Ann, kung hindi lumipat si Bodie, baka nagkabalikan sila? "Hindi ko alam."

Ang mensahe ni Gee-Ann para kay Bodie: "Mukha namang very happy siya, kaya happy na din ako. Nung time na yun ang dami kong what ifs, pero sincerely, happy ako. Someday lang, sana masagot yung mga questions."

GEE-ANN ON MICKEY. "Actually mas close talaga kami, from the start mas una ko siyang naging close."

Pero at that time, hindi nanligaw sa kanya si Mickey. "But Mickey never left the picture; he was there from the start, even before Bodie came."

At si Mickey ang naging shoulder to cry on ni Gee-Ann? "Oo. Pareho ko naman talaga silang like noon, e, although mas close talaga ako kay Mickey. Close kaming tatlo, siguro nagkaroon lang ng ibang feelings na involved, siguro he gave way, ewan ko kung nag-uusap sila o nagkaroon sila (Bodie and Mickey) ng usapan formally pero very obvious naman, parang ganun."

Kailan nanligaw si Mickey? "Hindi naman siya formally nanligaw, e, he was always there, actually pareho sila, nung time na yun, mas aggressive lang si Bodie at that time, mas formal siyang nag-declare, and Mickey stepped back although he never left the picture. He was like my best friend."

ANNIVERSARY. So kailan sila naging mag-on ni Mickey?

"Yun din ang tanong namin sa isa't isa, wala kaming formal... yung anniversary namin pinili na lang namin, parang, 'Ano ba, tayo na ba?', parang ganun.

"Tapos sabi ko, 'Bakit tayo, wala tayong anniversary?' Hindi naman namin alam kung kailan kami naging kami, pumili na lang kami ng random number, 12, pero walang month."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So for the record, gaano katagal sila ni Mickey na mag-on? "Over a year? Hindi ko alam, mga months lang siguro, kasi nag-break kami, e, then nagkabalikan kami. Ganun din yung process ng pagkakabalikan namin, e, hindi din namin alam na 'Tayo na ba ulit?' Pero after naming mag-break, mga ilang months kaming hindi nag-uusap at all kasi masakit."

Bakit sila nag-break the first time? "Wala namang third party, never nagkaroon ng third party on both sides."

Sa tanong kung sino ang may kasalanan, deretsahang sinabi ni Gee-Ann, "Siya! And madami siyang na-hurt, not just me, ako yung pinaka, siyempre."

REASON FOR BREAKUP. "Honestly, yung reason niya is when he broke up with me, marami siyang sinabing reasons, hindi ko din maintindihan, nakakawindang, sobrang na-shock talaga ako, marami, e.

"Very complicated yung sitwasyon, I think he was also lost, parang ganun. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niya, kung relasyon o career, naguguluhan siya.

"Basta ang masasabi ko lang sobrang sakit yun. Yun ang pinakamatinding sakit na naramdaman ko, ever, grabe!

"Pinili niya yung career over me... well, hindi naman career but yung sarili niya. Kinailangan niya munang asikasuhin yung sarili niya. The first time na nag-break kami mas minahal niya muna yung sarili niya over me.

"Ilang months kaming hindi nag-uusap, and then yun kasing nangyari noon he was very shocking na after nung breakup, yung immediate response ko was hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. I had to teach myself muna na, 'Hindi, Gee-Ann, sinabi niya 'to, e!'

"It was humanly impossible, yung ginawa niya. Posible bang gawin ng tao 'to? Alam yun ng lahat ng ka-close namin, hindi din sila makapaniwala na ginawa niya yun, tinago kasi naming lahat. E iisipin lang nila baka sinisiraan ko siya."

RECONCILIATION. Paano sila nagkabalikan?

"Nag-usap muna kami months later kasi kahit nagte-text, alam naman niya kasi yung ginawa niya. Hindi ko siya pinapansin. I admit na hindi ko din ma-let go nang ganun, not because sobrang in love pa ako but because hindi ko matanggap yung pangyayari na 'Nangyari ba ito?' I trained myself para tanggapin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasagot ba ang mga questions niya? "Lahat ng santo, nakarating ako ng Manaoag. Ang sinabi niya sa akin yun nga, na he was troubled kaya nagawa niya yun. Eventually mahal ko pa din naman kasi, hindi ako naniniwalang ganun, although the fact na ginawa niya yun and madami siyang nasaktan, yun yung ikinagalit ko."

Paano niya natanggap ulit si Mickey? "Nagbago naman siya, e, and he was actually a very good person. First time ko sa isang relationship na maging very serious. Okay siya, may moments lang talaga na hindi ko maintindihan. Okay naman, although siyempre nabawasan na, may mga doubts na."

Anong month niya tinanggap ulit si Mickey? "Late last year. Maraming problema because of the first breakup, marami kasing taong involved na hindi matanggap yung pagkakamali, maraming kontra pero ipinaglaban naming dalawa. Pati siya sobrang pinrove niya talaga na he deserved the second chance."

SPLIT AGAIN. Pero ang latest development, nito lang weekend ay nag-break ulit sina Gee-Ann at Mickey!

"Desisyon naman naming pareho but then surprised lang ako because akala ko this second pagkakabalikan namin, he was supposed to redeem himself, di ba? Which is actually mali, parang ganun, tapos biglang sumuko na siya. Sinabi niya na hindi na daw sure, hindi na daw tama. Mahirap kasi talaga, kasi aside from the issues between the two of us lang, marami talagang mga factors na involved and marami na ding wounds from the previous."

Mutual ang desisyon nila na maghiwalay ulit. "Nagulat lang ako kasi yung promises, what happened?"

Sa kabila ng lahat, minahal ni Gee-Ann si Mickey. Sa tingin niya, minahal din siya nito?

"Oo. That's why it's hard to get over because hindi ko maintindihan, up to now hindi ko maintindihan yung reason."

Is it safe to say na ang rason ng breakup nila na hindi masabi-sabi ni Gee-Ann ay hindi pa ready si Mickey sa isang seryosong relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We both made it clear na ayaw namin ng relationship na fun lang. It's not that we want to get married, pero kung alam kong ayoko talagang magkaroon ng future with him, hindi ako mag-i-invest kasi wala akong time magsayang ng emotion.

"We are both serious, tama din naman na unahin niya muna siguro yung career niya, wala din naman akong balak na pigilan ang career niya, very supportive naman kami of each other.

"Hindi ko lang siya maintindihan, isang reason yung differences namin. Kasi he didn't grew up here, from the most trivial of things hanggang sa malalaking bagay magkaiba kami ng pananaw. I just felt that he's the type of person who will do everything to reach his goals."

THIRD CHANCE FOR MICKEY? "Hindi na. Nung first time gusto ko siyang jombagin, pero the second time, ako na yung parang, e tinanggap ko, e. Mas masakit yung first. Yung second, choice ko naman na tanggapin siya, ako yun, e. Ngayon masasabi ko na ayoko na. Matindi, nakakaloka! Ang masakit kasi dun, ako pa yung mali, para sa iba may halo siya sa ulo, except yung mga nakapaligid sa amin, alam nila.

"Siyempre hindi naman niya sasabihin na, 'Ay ginago ko 'to.' Sinabi naman niya na iniwan niya ako kasi iniisip ng mga tao... ever since naman in-assume ng mga tao na sa relationship namin, ako yung aalagaan dahil sa reality show kami galing. Feeling ng iba, kung ano yung nakita nila sa loob [ng bahay ni Kuya], ganu'n din yung mangyayari."

In spite of everything, Gee-Ann has this to say about Mickey:

"Si Mickey, ito yung taong pinakaminahal ko. Hindi ko naman magagawa yun kung hindi naging matindi yung pagmamahal ko sa kanya. Kung kasalanan man ang magmahal, inaamin ko, nagkamali ako!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN