Nadine Samonte gets kudos from Direk Mark Reyes for "praning" acting

IMAGE 0


Nadine Samonte expressed admiration for fellow StarStruck alumna Katrina Halili for her gutsy stance on the sex-video controversy. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sa akin nangyari yun, hindi ko yun kakayanin. Baka po umalis na lang ako rito."


Masaya si Nadine Samonte nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa launch cum presscon ng bagong drama series na SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, at banggiting natuwa sa kanya si direktor Mark Reyes dahil sa first taping day pa lang nila last Thursday, May 21, ay mahusay na niyang nai-deliver ang role niya bilang napapraning na Abigail.

"Talaga po? Salamat naman," sabi ni Nadine nang makausap siya after the launch sa Executive Lounge ng GMA Network Center last Friday, lunchtime, May 22. "Nang mabasa ko po ang script na ganoon ang character ko, pinanood ko po yung movie na Uninvited para maihanda ko ang sarili ko sa role. Nakakapanibago dahil first time ko pong gaganap ng ganitong role, pero na-excite ako sa pagsisimula pa lamang ng taping namin, lalo pa at first time po rin namang magkakasama-sama nina Jennylyn [Mercado] at Yasmien [Kurdi], pagkatapos namin sa StarStruck five years ago."

May nabago ba sa kanilang tatlo? "Siguro, kung may nabago sa amin, nag-mature na rin kaming tatlo kaysa noong nagsisimula pa lamang kami after ng StarStruck. Ako po, siguro dahil nabigyan ako ng mga solo projects na medyo mabibigat at kailangan talagang mag-seryoso ako para makasabay sa mga kasama ko, like noong gawin po namin ni Dennis [Trillo] ang Kung Mahawi Man Ang Ulap."

Natutuwa sa kanilang tatlo si Direk Mark dahil para raw silang mga bata na walang ginawa kundi magkuwentuhan at magtawanan sa set. May eksena pa raw na sa halip na matakot sila sa eksenang may rain effect, nagtampisaw sila sa ulan.

"Opo, nakakatakot nga po ang eksenang yun. Pero nang sabihan kami ni Direk Mark na seryoso na kami at magti-take na, behave na po kami," natatawang wika ni Nadine.

ADMIRATION. Since magkakasama silang tatlo nina Jen at Yas, napag-uusapan ba nila ang co-StarStruck alumna nilang si Katrina Halili na nasa gitna ngayon ng controversy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Awang-awa nga po kami sa kanya, pero humahanga kami sa lakas ng loob niya," sagot ni Nadine. "Nang una kong malaman yun, ang daming nagtatanong sa akin, sabi ko hindi ko naman napanood, paano ako magko-comment. Yun po, may nagsabi sa akin na i-download ko raw sa ganoong site. Hindi po ako mahilig mag-Internet pero hinanap ko yung site at nakita ko naman. Malabo ang napanood ko, pero naawa po ako talaga kay Katrina. Lalo po akong walang maisagot, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kung sa akin nangyari yun, hindi ko yun kakayanin. Baka po umalis na lamang ako rito."

NOT LEAVING. Bakit may kumalat noon na isyung lilipat na siya sa ABS-CBN o uuwi na lamang siya sa Germany kung wala na siyang project sa GMA-7?

"Hindo po totoo yun. Paano po ako lilipat o uuwi sa Germany, may two-year contract ako ngayon sa GMA Network at may option po sila to renew my contract for another three years. Totoo pong nag-aaral ako ng photography, pero inihinto ko na muna. Ang balak ko po kasi, kung wala na akong project dito, uuwi na lamang ako sa Coburg, Germany, naroon naman ang lola ko sa daddy ko at gagamitin ko roon ang alam ko sa photography. Sa ngayon po, nag-aaral ako ng German language sa Goethe Institute sa Makati City na puwede ko rin namang magamit dito."

BOYFRIEND. Hindi kaya bago matapos ang contract niya sa GMA-7 ay kasal na rin siya sa almost four years na niyang boyfriend, si Emerson Chua? Natawa si Nadine nang biruin siyang hindi kaya related ang boyfriend niya kay Erick Chua, kaibigan ni Hayden Kho na isa rin sa idinimanda ni Katrina?

"Naku, hindi po, wala po siyang relasyon doon. Isa lamang naman ang sinabi ko kay Emerson, magpapakasal ako sa kanya kapag may sarili na kaming bahay," nakangiting wika ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait po si Emerson, nagma-manage po siya ng upholstery business ng family. Medyo seloso po siya but very understanding sa trabaho ko. Nakakatuwa po siya kapag nanonood kami ng soap ko, lalo na kung may kissing scene, pero asaran lamang kami dahil kapag yun na ang eksenang pinapanood namin, aasarin na niya ako pero tumatawa siya.

"I'm only 21 years old pa lamang noong March at marami pa po kaming gagawing paghahanda ni Emerson. Gusto ko rin po munang matapos bayaran yung condominium unit na binili ko sa Regency sa may Tektite in Pasig City. Nasa fifth floor lamang ako, ayaw ko pong mataas para kung may mangyari, madali lamang kaming makalabas," natatawang wika ni Nadine. "Two years to pay pa po yung unit ko. Ginagawa pa rin yun kaya sa Sta. Rosa, Laguna, pa rin kami umuuwi ni mommy at ng mga kapatid ko."

NADINE FOR EUNICE ROLE? Dahil eight episodes nga lamang ang Suspetsa, may susunod na ba siyang project sa GMA-7? "Wala pa po silang sinasabi sa akin."

May nagsabing bagay sa kanya ang role ni Eunice sa Stairway To Heaven na gagawin ni Dingdong Dantes soon. Hindi siya ang bidang character dahil si Jodie ang bida roon, pero biro sa kanya, sosyal ang role ni Eunice, laging maganda ang suot nitong damit.

"Kahit po anong role, basta may bago akong project, wala pong problema," patapos ni Nadine, na wala pa rin halos tulog dahil 7 a.m. na sila natapos nang umagang 'yon ng taping ng SRO Cinemaserye Presents Suspetsa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN