Claudine Barretto would love a Kapuso project but remains loyal Kapamilya

IMAGE 0


Claudine Barretto is flanked by boxing champ and kumpare Manny Pacquiao (left) and husband Raymart Santiago (right) at the victory party Manny threw for his friends and supporters at the Renaissance Hotel in Makati City last Friday, May 22. Manny is holding up a letter from his goddaughter Sabina, Claudine and Raymart's daughter.


Isa na namang victory party para kay Manny Pacquiao and idinaos sa Renaissance Hotel noong Biyernes, May 22. Party na mismo ito ni Pacman—kakokorona lang na IBO (International Boxing Organization) and Ring Magazine Light Welterweight Champion—para sa kanyang mga kaibigan at supporters, at para sa kanyang mga Kapuso colleagues sa GMA-7.

Pero marami ang nagulat nang dumating din sa event ang isang Kapamilya sa katauhan ni Claudine Barretto. Kasama ni Claudine ang kanyang asawang si Raymart Santiago na isa namang Kapuso artist.

Bago pumasok sa hall ng Renaissance, kinabitan pa ng GMA Kapuso button na may imahe ni Manny—since party nga iyon ng boxing champ—si Claudine ni Raymart. Tinanong tuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Claudine kung hindi ba weird ang feeling niya na may nakakabit sa kanyang Kapuso button.

"Ay, oo nga, 'no!" natatawang sagot ni Claudine. "Pero actually, it doesn't really matter kung naka-GMA Kapuso button ako. Nandito naman si kumpareng Manny. At nandito rin naman sina ninong at ninang namin ni Raymart."

Ang tinukoy ni Claudine ay ang GMA Network bosses na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Gilberto Duavit, Jr. at Ms. Wilma Galvante.

"Sina Ninong Gozon, Ninong Duavit at si Ninang Wilma, mga ninong at ninang namin sa kasal ni Raymart. And of course, my husband works here. He's welcome to go to Channel 2 anytime, and I'm welcome also dito sa Kapuso network. Basta sina Ninang Wilma, Ma'am Redgie [Acuña-Magno], Ma'am Avin [Arayata GMA-7 VP for Entertainment TV], bumibisita sila sa bahay. Basta, close ang relationship namin.

"Sina kumpareng Manny naman at kumareng Jinkee, 2004... I mean, 2005, tinawagan siya ni Raymart personally to be the godfather of Sabina. And all the way from Gensan [General Santos City] he came here and all the parties of Manny, nandon kami lagi. Except the one in Gensan kasi I was pregnant then. Actually... every time, meron kaming tickets papuntang Vegas tuwing may fight siya, kaya lang nagkataon lang na we were waiting for Sabina's papers... now we got her visa na and we are so happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Claudine, hindi lang si Sabina ang inaanak na ngayon ni Manny.

"Actually, ninong ni Sabina si Manny. Ninong ulit si Manny at ninang si Jinkee nung first birthday ni Santino. So, ah, every time na nagtatawagan kami, I call Jinkee and she calls me up. Every time na tumatawag ako, kahit na bago mag-fight o kahit ano, sinasagot talaga nila yung telepono."

Sobrang mababait daw ang mag-asawa sa mga anak nila ni Raymart at talagang kinakausap at inaalam lagi ang kalagayan ng mga ito.

"In fact nung pauwi na sina Manny nung last fight, nasa loob na ng eroplano, hindi maibaba yung telepono, kasi kausap yung anak ko. And my daughter always has a card for Manny. Sabina always writes him a card. Sabina would always tell him all the time na, 'You know, you're the best fighter in the whole world.' Sabi pa niya, 'And that Hatton, he's a loser.'

"At talagang tinatago niya [Manny] ang mga letters ng mga inaanak niya. Yun talaga ang maganda kina Jinkee at Manny. Hindi yung mga ninong-ninong lang. Inaalam talaga nila kung ano ang nangyayari sa mga inaanak nila. Lalo na nung nasa Amerika sila," patuloy pa ni Claudine.

WORKING WITH KAPUSO. Since naroon na rin naman si Claudine sa party at kapiling ang mga Kapuso, tinanong na rin ng PEP kung posible bang magkaroon siya ng proyekto sa GMA-7.

"You know, I'd love to. Actually... wala naman akong kontrata sa ABS-CBN and I'm per project. Ang puhunan ko talaga is my loyalty with ABS and sa mga 'ninong' ko, at sa 'dad' ko na sobrang 'dad' ko talaga, not only in show business but sa amin talaga ni Raymart, si Tito Johnny Manahan and Tita Mariolle [Alberto, Star Magic VP]. Loyalty lang talaga."

Wala naman daw problema kung sakaling gumawa nga siya ng proyekto sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, wala naman talagang problem basta magpaalam lang. Akala siguro ng ibang tao hindi puwede. Actually, naka-guest na ako ng ilang beses, like kina Raymart [in Lagot Ka... Isusumbong Kita] and wala naman talaga akong contract."

Pero hindi pa rin naman daw siya pababayaan ng ABS-CBN. Pinag-aaralan lang daw niyang mabuti muna ang mga proyektong ihahain sa kanya.

"ABS, of course, still has plans for a teleserye, but it's taking a long time. Medyo tumatagal kasi nga medyo talagang pinipili ko yung magiging next project ko. Actually, yung Iisa Pa Lamang, I really wanted to give the audience na sana, na would be better pa than Iisa Pa Lamang and also a movie, kasi yung last movie ko is nung 2006."

So makakaasa ba ang kanyang fans ng isang teleserye at pelikula niya soon?

"You know, whatever comes first, whatever is the offer. Kung saan comfortable ako," pagtatapos ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN