Paolo Contis won't cast stones at friend Hayden Kho over video scandal

IMAGE 0


After several outings as villain, Paolo Contis plays a good guy in SRO Cinemaserye Presents Suspetsa... but the actor offers a teaser: "Ang sabi nila, meron akong connection sa ibang grupo. So hindi natin alam kung meron pang twist yung bait ko... malamang meron yan."


For a change, mukhang mabait daw ang character na gagampanan ni Paolo Contis bilang isang doctor sa SRO Cinemaserye Presents Suspetsa na mapapanood sa Huwebes, May 28, sa GMA-7.

Magsisilbi rin ang show na tila reunion nila ni Baron Geisler, na dating nakasama niya sa Tabing-Ilog ng ABS-CBN noon.

"Oo... hindi pa nga ako nagti-taping. Itong sina Ryan (Eigenmann) at Baron, ang tagal ko nang hindi nakakatrabaho. Pero ngayon, first time kong makakatrabaho si Victor Aliwalas."

Pero kung titingnan, tila silang lahat na lalaki ay pawang mga nakikilala na bilang mga kontrabida talaga.

"Oo nga, e. Kasi, lahat kami rito suspect sa pagkamatay ni Ryan. Pero ako yung psychiatrist dito ni Nadine Samonte na magiging asawa ko eventually... And sabi nga nila, meron pa akong connection sa ibang grupo. So, hindi natin alam kung meron pang twist yung bait ko... malamang meron 'yan."

Natsa-challenge ba siya ngayon na mabait naman siya this time?

"Ang hirap! Ang hirap!" pabirong sabi niya. "Kaya nga hindi pa ako nagti-taping, hindi pa ako handang maging mabait. Anyway, third week pa naman ang pasok ko, bigla pa lang naman ako papasok."

Masaya si Paolo dahil pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, may tatlong linggo rin daw siyang nabakante. Pero puwedeng sabihin na wala yun kumpara sa ibang artista na inaabot ng ilang buwan bago mabigyan ng kasunod na project.

May nakahanda na rin na primetime series for him, ayaw pa nga lang sabihin ni Paolo kung sa Rosalinda or sa Darna siya makakasama.

GIRLFRIEND'S CONDITION. Kinumusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Paolo ang girlfriend na si Lian Paz na may cyst sa ovary. Ayon kay Paolo, lumiliit naman daw ang cyst, pero sa latest finding ay lumipat daw sa kabilang ovary ni Lian ang cyst, at kahit ang mga doctor ay nagtataka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lumiliit na yung cyst, pero malalaman pa rin natin in two months' time kung kailangan pa ba siyang operahan. Kasi, iba-iba, e. For some reason nga, two days ago, lumipat. Hindi nga namin alam kung bakit nagkaganoon.

"So, kailangan pa ng isang opinion. It's the same procedure kung paano nalaman yung cyst sa right ovary niya, tapos ngayon, naging left. So, sabi ko, hindi kaya baligtad yung monitor niyo? Kaya sabi ko, i-check na lang ulit after a week. Nagulat kami, e."

Sa press conference ng SRO hindi maiwasan na ang topic pa rin ay tungkol sa mga sex video ni Hayden Kho. Ayon kay Paolo, naging kaibigan din daw niya si Katrina Halili. "Nagkatrabaho kami sa Magpakailanman at iba pang show."

HAYDEN'S FRIEND. But we asked Paolo more questions kasi, sa pagkakaalam namin, mas kaibigan niya or mas close siya kay Hayden kaysa kay Katrina.

"Kaibigan ko rin si Hayden... oo... kadikit ko rin si Hayden. Pero siyempre, kapag mga ganyan namang pagkakataon, ang simpatiya mo mapupunta sa babae. I believe siguro... kung ginawa man nila yun, hindi nila ine-expect na may lalabas. It's Katrina's trust and, I believe, mapagkakatiwalaan naman sana si Hayden, pero, kung may nagkalat, yun yung..."

Ayon kay Paolo, hindi naman daw siya nagkakaroon ng chance na mapanood ang video. So, as a friend of Hayden, anong naging reaction niya when he found out?

"Wala naman. May kanya-kanya tayong trip. And I believe, marami nang nambabatikos sa kanya. Ayoko nang pumunta sa position na isa pa asa mambabatikos since wala rin namang maitutulong kung idya-judge ko siya, so huwag na lang. Hindi ko pa rin naman siya nakakausap (Hayden) at kahit si Kat, hindi ko pa rin nakakausap."

Siya ba, may ganoon din siyang trip na mag-video ng intimate moments niya? "Hindi, e... Hindi ko talaga trip yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya afraid na baka one day, may video rin niyang lalabas? "Wala! Ipinanakaw ko na nga ang cell phone ko, kaso, mukhang walang interesado!" natatawa niyang sabi.

"Hindi... hindi ko trip yung mga ganyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN