Victor Aliwalas seriously learning Filipino for acting roles

IMAGE 0


Model Victor Aliwalas is bent on improving not only his Tagalog but his acting skills as well with workshops and projects which pit him against some of our best young actors today,suchas SRO Cinemaserye Presents Suspetsa.


Model turned actor Victor Aliwalas is slowly building up his name not just in ramp modeling but in show business as well. Kasama si Victor sa bagong season ng SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, kunsaan makakasama niya sa lead cast ang mga young actors na kinikilala na in their generation when it comes to acting-sina Paolo Contis, Ryan Eigenmann and Baron Geisler.

Good thing that he attended acting workshops under Direk Joel Lamangan bago raw niya naumpisahan ang SRO.

"Medyo intense yung training niya, so sana that's gonna prepare me for this. We learned actually a lot of different things in acting. Si Direk Joel, intense talaga siya. So, it's more on... siyempre, professor siya sa UP before acting, di ba? So, it's very educational. Parang galing sa book... yun..."

Sa tingin naman daw ni Victor, pumasa kay Direk Joel ang ipinakita niya sa workshop.

"Okey siya, masaya siya. Siyempre, nervous ako. Pero lahat ng feedback niya, maganda. Siyempre minsan, sabi niya, ulit-ulit, pangit yun. But that's good, it's part of it, it's training."

Victor plays the role of Matt in SRO na mapapanood na ngayong Huwebes ng gabi. Siya ang boyfriend ni Jennylyn Mercado rito.

"Corporate guy. I worked in the office with Jennylyn and Yasmien. I can't really say too much because... it's a bit suspense."

IMPROVING FILIPINO. Kapansin-pansin na mas okey na ang pananalita ng Filipino ni Victor ngayon. Mas diretso, nakakaintindi at nakakapagsalita na siya ng Tagalog words. Partida pa nga kung tutuusin sa ibang mga artistang halos ilang taon na ang pamamalagi sa Pilipinas pero bulol pa rin at hindi pa rin kayang makipag-usap sa Tagalog.

Paano nga ba ang ginawa niya?

"Dapat salita ko Tagalog, reading, puro conversation. Actually, reading the script, lahat yun Tagalog lines. Bulol pa rin, pero siguro mga six months to a year, malapit na," nakangiti niyang sabi. "Before, may tutor ako, pero mahirap ang schedule, although I know that should be my priority. Siguro after this or during this, I will really get lesson para sa next project, diretso talaga ang Tagalog ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Back in the U.S., may alam na ba siyang Tagalog?

"Hindi po... kasi, ang parents ko, puro Tagalog sila, but when they talked to me and my sisters, puro English. Kasi, matigas ang ulo ko dun, ayokong mag-aral. Kasi, lahat ng barkada ko, lahat ng kaibigan ko, puro English. 'Saka hindi masyadong maraming Pinoy dun. Looking back, gusto ko talaga, I wish I learned. Sayang... kung fluent ako sa Tagalog, siguro wala nang limitations dito. Mas magandang acting, mas magandang roles. Pero I mean, things happen for a reason. Para sa akin, masaya ako because I'm getting in touch with my Filipino culture, di ba?"

ALL FILIPINO. Nilinaw rin ni Victor ang maling impression sa kanya ng mga tao that's he's only half-Pinoy.

"I'm full Pinoy talaga. Ang tatay ko, Kapampangan siya. Ang nanay ko, Bicolana siya. Nasa States lang kaya bulol akong mag-Tagalog. Mahirap din kasi kapag nagbakasyon dito. I hear Kapampangan. I hear Bikolano. I hear Tagalog."

Pero natatawang inamin ni Victor na wala rin daw siyang anumang wika na kayang bigkasin or maintindihan.

Napa-"grabe" nang nakangiti si Victor nang tanungin namin siya kung ano ang masasabi niya sa nangyayari sa showbiz career niya since Marimar, heto't isa na siya among the lead actors of SRO.

Aniya, "Grabe... parang hindi totoo talaga! Actually, I was thinking like last week, I had a fight scene with Robin Padilla (Totoy Bato), biro mo, legendary actor siya. And then, I got cast to play kalaban niya, di ba? So, parang lahat hindi totoo. Everybody nagulat sila. Sobrang bilis lahat.

"I've worked with Marian Rivera, Dingdong Dantes, Regine Velasquez, puro sikat talaga. Suwerte ako, the list of the artista I've been able to work with."

Nagpapasalamat naman daw siya na puro magagandang experiences ang nararanasan niya.

"Buti naman, lahat ng tao, mababait sila. Not once did I ever experience [na may] mayabang or suplado. Buti naman, everybody rito, mabait. Pero siyempre, kung salbahe ka, salbahe sila. Kung mabait ka, mabait din sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIMITS TO SEXY ROLES. Victor would love to do action. Naranasan na rin daw niya ang drama. But when it comes to sexy roles, may limitasyon daw siya rito.

"Oo naman! Of course, there will be limitation. Strict talaga ang parents ko," natatawa niyang sabi. "Ako rin, I mean, even when I do my modeling stuff, maarte ako. Everybody knows I'm maarte. I'm a very picky person. Very meticulous. So, everything I do, I make sure it's done tastefully, with class and you know, maganda para sa lahat."

During the press conference of SRO, he also shared his thoughts regarding the sex video of Katrina Halili and Hayden Kho. In a way, nakasama ni Victor si Katrina sa Marimar noon.

"Kahit saan, kawawa naman... I mean, I feel bad talaga about that scenario. Kasi mabait siya. She's very nice and accommodating sa set. Mabuti na lang, people know that it's not naman her fault. So, kawawa naman siya. I feel bad. Sana, she'll be mentally and emotionally strong to get through this."

On Hayden naman, hindi raw niya ito kilala.

"No, hindi ko kilala kung sino siya. Never that I met or see Hayden. I just know about him because of the news, pero, yun lang."

PRIVATE MATTER. Nakita na ba niya ang sex video?

"Hindi po... hindi po... actually, para sa akin, you know what, it's private matter. I mean, if somebody showed it to me, wala akong magagawa. But I'm not gonna go search for it. That's their personal business. My heart goes out for her kasi mahirap talaga yun. If any situation like that happened to me, hindi ko alam if I could make it through that."

Sa huli, tinanong namin si Victor kung ano naman ang masasabi niya sa balitang papasok na rin daw sa showbiz ni Akihiro Sato. Hindi pa man, nakikita na silang dalawa na ang puwedeng maging rival dahil both of them were first known in modeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How does he welcome the idea and are they friends?

"Si Akihiro, minsan-minsan, we see each other sa gym. Sa Gold's sa Makati, pero, yun lang. If ever, nothing wrong with it. Good luck to him, best of luck," sabi niya.

Si Victor naman ang nagtanong, "Magaling na ang Tagalog niya? We'll see... best of luck. Kahit sino. Pero, mahirap talaga itong pag-aartista. Hindi ko alam yun dati. Mas madali pag model. Lakad-lakad... mahirap din, pero, mas mahirap sa pag-artista."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN