German Moreno is proud of former protégé Billy Crawford's success abroad

IMAGE 0


Kuya Germs says Billy Crawford's That's Entertainment days helped him get to where he is today. "Marami siyang natutunan dun na alam kong ina-apply niya, like hosting, singing, dancing, and importante sa lahat, yung professionalism sa trabaho."


Sa nakaraang birthday bash ni Billy Crawford sa Felix Bar, Greenbelt 5, Makati City last May 18, nandun si Kuya Germs para maki-celebrate sa itinuturing niyang isa sa pinakamalapit niyang anak-anakan.

Naging bukas na aklat na minsang nagkatampuhan ang dalawa pero nauwi rin sa pagbabati at pag-aayos. Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kuya Germs, binaon na niya nang tuluyan sa limot kung anuman ang pinagkasamaan ng loob nila noon ni Billy.

"Wala na yun, that was the time na bilang magulang, di nawawala yung tampo, pero nung siya ang nagpakita nung pagpapakumbaba, lumambot na ang puso ko.

"Alam ninyo naman ako, pusong mamon, madali akong magpatawad. Si Billy naman nung maliit pa yan, talagang malambing na sa akin 'yan. Tao lang naman ako, bakit di ako puwedeng magpatawad?

"Nandito ako ngayon kasi after nung maayos ang lahat, di naman puwede na di ko batiin si Billy at paunlakan ang isa sa itinuturing kong anak sa industriya."

KUYA GERM'S BIRTHDAY MESSAGE. "Ipagpatuloy niya yung pinapakita niyang talent, he's so talented naman, proven naman yun. Marami siyang natutunan nun sa That's Entertainment na alam kong ina-apply niya, like hosting, singing, dancing, and importante sa lahat, yung professionalism sa trabaho."

"I always pray for him, sana manatili yung tagumpay niya at yung pagiging international artist niya, maalagaan niya dahil sayang naman kung pababayaan niya. I'm always here to support him."

Bukas na ang pakikipagrelasyon ni Billy kay Nikki Gil. Ayon sa Master Showman ay hindi pa pinakikilala nang personal sa kanya ni Billy ang girlfriend pero masaya siya dahil alam niyang masaya ang anak-anakan.

"He's old enough naman para magkaroon ng girlfriend at anuman ang kanyang magiging desisyon rerespetuhin ko yun.

"Kung matulad sa inaasahan nating lahat na maging maligaya sila pareho at kung saka-sakali na mauwi na talaga sa isang malalimang relasyon, mayroon silang mahuhugot para sa kanilang kinabukasan. Huwag silang patatangay sa mga intriga na makakasakit sa bawat isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN