Hayden Kho's mother blames Katrina Halili and Lolit Solis for sex-video scandal

IMAGE 0


"Alam kong mabait ang anak ko. Bago sila manghusga, tanungin muna nila kasi ang simula po nito. Si Katrina [Halili] ang dahilan," says Irene Kho about her son Hayden (in photo).


Inakusahan ng ina ni Hayden Kho ang aktres na si Katrina Halili na may sinusunod daw na "script" nang lumantad siya kaugnay ng sex video niya kasama ng cosmetic surgeon.

"Ms. Katrina Halili, nabili na 'yang arte mo," pahayag ni Irene Kho sa exclusive interview sa kanya ng TV Patrol World, primetime newscast ng ABS-CBN, kagabi, May 25.

Inakusahan din ni Mrs. Kho ang talent manager na si Lolit Solis na siya diumanong may pakana sa "acting" ni Katrina.

Aniya patukoy kay Lolit, "Alam mo, ang ginagawa mo kay Katrina Halili is scripted. Sinabi mo rin 'yan, huwag ka nang tumanggi... Ang ginawa mo kay Katrina Halili ay ini-script mo—kung kailan iiyak, kung anong aartehan.... Hindi ko alam kung sinong kasabwat."

Ayon kay Mrs. Kho, narinig daw niya mismo ito mula kay Lolit nang imbitahan siya na pumunta sa isang bahay para kumuha ng script noong nakaraang linggo. Nangyari raw ang insidente pagkatapos ng birthday ni Hayden (May 20). Sinabi rin ng ina ni Hayden na narinig daw ng lahat ng naroon ang pag-amin ni Lolit.

Ayon pa kay Mrs. Kho, sinabi rin daw sa kanya ni Lolit na umarte para makuha ang simpatiya ng publiko. "Hindi ako nag-aarte. Hindi ako artista. Nasabi ni Lolit Solis sa akin, no'ng ipinatawag ako na, 'Kailangan umiyak ka.'

"I'm just telling the truth. Na ito ay orchestrated ni Ms. Lolit Solis na very powerful," dagdag ni Mrs. Kho, na may hawak pang crucifix sa harap niya habang ini-interview siya.

Sinasabi rin ni Mrs. Kho, na base sa pag-amin diumano ni Lolit, tinawagan din daw ni Senator Bong Revilla ang talent manager.

"Tinawagan ka din ni kagalang-galang Bong Revilla," saad niya.

Matatandaang si Senator Revilla ang kauna-unahang public figure na nagpahayag ng disgusto kay Hayden dahil sa pagkalat ng sex videos nito kasama ng iba't ibang babae sa Internet. Humingi ng tulong si Katrina, isa sa mga babaeng kasama ni Hayden sa sex video, kay Senator Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Mrs. Kho na nasaktan siya nang idamay siya ni Senator Revilla sa issue at nagbitiw ng mga salita laban sa kanya.

"Nasasaktan lang po ako sa inyo, kagalang-galang na Sen. Ramon Revilla. Kung bakit pati ako 'dinadamay mo dito. Ang sakit mong magsalita. Para bang wala na akong ginawang kabutihan sa aking anak," sabi ni Mrs. Kho.

DRUG ISSUE. Sinisisi rin ni Mrs. Kho si Katrina sa aniya'y drug addiction ni Hayden.

"Ms. Katrina, ikaw ang naglulon sa anak ko sa droga. Alam din namin 'yan at sinabi na namin 'yan sa lawyer," pahayag niya.

Ayon kay Mrs. Kho, wala raw karapatan ang aktres na humingi ng tulong sa iba't ibang organisasyon, kabilang na ang women's group na Gabriela, dahil siya diumano ang nagkaladkad kay Hayden sa kontrobersiyang ito.

"Ang anak ko, katino-tino hanggang matapos siya sa medisina, mabait na bata. Anong ginawa mo? Nilulon mo sa droga! Anong klase kang babae na tatawagin mo ang mga Gabriela, lahat?" sabi ni Mrs. Kho.

Sa hiwalay na panayam ay itinanggi ng legal counsel ni Katrina, na si Atty. Raymund Palad, na nagte-take ng drugs ang aktres at nagtutulak siya ng mga ipinagbabawal na gamot. Hindi rin daw binigyan ni Katrina si Hayden ng illegal drugs.

TAKING ITS TOLL. Nagdesisyon daw si Mrs. Kho na lumantad dahil pagod na raw siya at ang kanyang pamilya at naaapektuhan na raw sila ng sex-video scandal. Sinabi pa niya na dinala raw ang mister niya sa ospital pagkatapos pumutok ng isyu.

"Ako nanginginig," sabi ni Mrs. Kho. "Hindi na ako makatulog dahil ang anak ko pinapaglaruan, bibigyan pa ng kanta. Ang aking anak tinatapakan. Hindi kami artista, hindi kami showbiz. Kami ay taong may private life, simple lang kami."

Ipinagtanggol din ni Mrs. Kho ang anak sa mga nag-aakusa rito. Ayon sa kanya, gaya ng kanyang ibang mga anak, isang disenteng tao si Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam kong mabait ang anak ko. Bago sila manghusga, tanungin muna nila kasi ang simula po nito. Si Katrina ang dahilan," saad niya.

Bagamat inamin niya na nagkamali ang kanyang anak, pero sinabi rin niya na "too much" ang panghuhusga rito.

Idinagdag din ni Mrs. Kho na handa ang kanilang pamilya na harapin ang anumang imbestigasyon na isasagawa ng Senado at ng National Bureau of Investigation (NBI).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN