Lorna Tolentino is happy now, with no thought of possible suitors, as Daboy's death anniverary nears

IMAGE 0


"Ayokong magsalita nang tapos. Basta happy ako sa ngayon... Malay mo naman. Pero hindi ko iniisip yun right now. Hindi ako naghahanap, kasi I'm happy na sa ngayon," says Lorna Tolentino when asked about entertaining suitors.


Sa June 7 ay first death anniversary na ng yumaong action superstar na si Rudy Fernandez, kaya naman hindi maiwasang itanong sa biyuda nitong si Lorna Tolentino kung ano ang pakiramdam niya na isang taon nang wala ang asawa niyang sumikat sa tawag na "Daboy."

Ayon kay Lorna, natanggap na raw niya ito. Masaya siya dahil nariyan pa rin ang kanyang mga anak na sina Raphe at Renz, gayundin ang kanyang mga kaibigan.

Ano ang plano niya sa first death anniversary ni Rudy?

"We will have a mass. Tapos yung museleo niya ibe-bless," sambit ni Lorna nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa re-launch ng Flawless na ginanap last Sunday, May 24, sa Blue Leaf Pavilion, Park Avenue, McKinley Hills Village, Fort Bonifacio, Taguig City.

Ginalaw na ba niya ang mga gamit ni Rudy?

"Hindi pa," pag-amin ng aktres. "Well, siguro kung kaya ko nang ayusin ang gamit niya, gagawin ko. Hindi ko pipilitin ang sarili ko."

Ngayong mag-iisang taon nang wala si Rudy, ready na ba siyang mag-entertain ulit ng mga manliligaw?

"Hindi. Happy na ako. Happy ako with my family, with my friends na parang pamilya na rin. Happy ako sa industriya natin. Happy ako na nagtatrabaho ako. Happy ako na alam kong nandiyan si Rudy beside me."

So, hindi na ba siya iibig muli?

"Hindi ko masasabi," sagot ni Lorna. "Ayokong magsalita nang tapos. Basta happy ako sa ngayon. My good friend Amy Austria, happy siya ngayon sa asawa niya. After Jay Ilagan, happy na ulit siya. Kaya ayokong magsalita nang tapos. Malay mo naman. Pero hindi ko iniisip yun right now. Hindi ako naghahanap, kasi I'm happy na sa ngayon."

Kung sakaling iibig siyang muli, hindi ba mahirap humanap ng katulad ni Rudy?

"Ah, mahirap talagang mapantayan yun. Hindi talaga mapapantayan si Papa Rudy. Kumbaga, ang importante naman... Malalaman mo naman, e, kung tama para sa iyo. Sa ngayon, hindi pa, wala pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO WORK. Happy nga si Lorna sa buhay niya ngayon pati sa kanyang career, lalo na't nagte-taping na siya para sa kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN, Dahil May Isang Ikaw.

"Mag-start na ulit ako ng taping. Bale naka-isang taping day na ako ng Dahil May Isang Ikaw. This is with Gabby [Concepcion], Kristine [Hermosa], Jericho [Rosales], Karylle," balita niya.

Hindi ba siya nalungkot noong lumipat siya sa ABS-CBN na hindi agad siya nabigyan ng regular show?

"I needed that. Parang ngayon mas malakas na ako, mas kaya ko. Kaya ko na yung sarili ko."

FLAWLESS ENDORSER. Happy rin si Lorna na hanggang ngayon ay endorser pa rin siya ng Flawless aesthetic beauty clinic. Sa re-launch nga ng Flawless ay isa si Lorna sa mga rumampang endorsers on stage along with Yasmien Kurdi, Butch Francisco, and Alyssa Alano.

Hindi naman nakadalo sa naturang event ang iba pang endorsers na kinabibilangan ni Richard Gutierrez, na naaksidente ilang araw bago ang event; at ni Katrina Halili, na mas pinili na sigurong umiwas sa press people dahil sa kinasasangkutan sex-video scandal ngayon. Wala rin sina Judy Ann Santos at Mark Herras.

Nakasama rin ng mga endorsers on stage para magpasalamat ang CEO and managing director ng Flawless na si Rubby Sy with part-owner Dra. Vicki Belo, na kasama ang mga anak niyang sina Cristalle at Quark Henares.

Ano ang feeling ni Lorna sa re-launch ng Flawless?

"Marami sila ngayong ideas like yung tagline na 'Less is More.' Tapos yung kina Yasmien [Kurdi] at Mark [Herras], yung youth. Kumbaga, catering to all levels, to all ages na ang Flawless ngayon."

Ano naman ang nakatoka sa kanyang idea?

"Timeless beauty yung nakalagay sa akin."

Sa re-launch ay ipinakita rin ang bagong television commercial ng Flawless, tampok ang mga endorsers nito na naglalarawan sa konseptong "Less is More." Bukod sa bagong commercial, marami pa raw bagong produkto at services na ilalabas ang Flawless.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN SUPPORT OF VICKI. Samantala, hindi rin nakaligtas sa maiintrigang tanong si Lorna tungkol sa pinag-uusapang Hayden Kho-Katrina Halili video scandal. Bilang endorser ng Flawless at kaibigan ni Dra. Vicki Belo, na part-owner ng Flawless, sa tingin ba niya makakaapekto sa image at business ng Flawless ang kontrobersiyang sangkot ang isa pang Flawless endorser na si Katrina Halili?

"Kung about sa business, hindi ako ang makakasagot niyan; siyempre, ang may-ari," sabi niya. "Pero as an endorser of Flawless, matagal na rin naman yung Flawless. Kanya-kanyang issues yung dumarating sa bawat nag-e-endorse, di ba? I think parang dumadaan lang 'yan. Tapos after a while, mawawala rin naman. So, okay pa rin yung Flawless. Yung negosyo talaga, yung business niya, okay naman sila. Maybe, hindi naman magkakaroon ng commercial if it's not doing good."

As a personal friend ni Vicki, ano ang feeling niya sa pagkakasangkot ng kanyang kaibigan sa eskandalo nina Hayden at Katrina? Paano niya sinusuportahan si Vicki?

"I always ano... Noong isang araw, magkausap kami. Nagkakuwentuhan kami sandali. Siguro yung pagke-care ko sa kanya, yun ang way ko to let her know that I am there for her. Kasi noong mga panahon naman na may trials din ako sa buhay, nandun din si Dra. Belo. Kumbaga, kahit ano pa yung nangyari, kahit ano pa ang sabihin ng iba, mas iisipin ko at mas mararamdaman ko yung pagiging anghel niya sa amin nung time na kailangan namin siya."

Since inamin na rin ng kampo nina Dra. Belo na meron ngang sex video sina Vicki at Hayden, panonoorin niya ba ito kung mabibigyan siya ng chance?

"Bakit? Hindi, hindi... Hindi na rin dapat kasi what is there to see? Sinabi naman na nila na meron, na ganyan. So, tama na, di ba? Siyempre yung curiosity natin, hindi matatanggal. Pero this time, dapat ihinto na yung bagay na hindi mo dapat gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isang babae naman, ano ang feeling niya para sa mga babaeng naging biktima sa naturang sex-video scandal?

"Siyempre, mahirap para sa mga kababaihan, di ba? But siguro kanya-kanya nang dinadaanan 'yan sa buhay e. Ang importante kung paano mo haharapin. And then, kung paano ka babangon. So, yung nangyayari ngayon, I think mature na naman lahat ng mga tao para matanggap yung nangyari. Kasi, actually, dapat irespeto rin natin yung privacy ng bawat isa. Kung ano yung ginagawa mo sa loob ng bahay, sa iyo lang talaga 'yon, e, di ba? Pero since nandiyan na, kailangan na lang siguro yun kung paano mo lalabanan yung sakit na daraanan mo."

Pero sa tingin ba niya, tama ba yung ipinaglalaban ni Katrina ang pagka-agrabyado niya?

"Siyempre naman," mabilis niyang tugon. "Bilang miyembro ng industry, actually yung KAPPT [Kapisanan ng mg Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon], sina Tirso [Cruz III], naglabas na ng statement about that. Yung stand nga ng KAPPT is that parang we will be behind her."

Naging kaibigan rin ba niya si Hayden?

"Si Dra. Belo ang kaibigan ko. Pero kilala ko... Kumbaga, siyempre ipinakilala siya ni Dra. Belo kaya nakakasama namin siya."

Ano comment niya sa umano'y pagiging "pervert" ni Hayden?

"Wala akong maiko-comment kasi lahat naman tayo may kanya-kanyang diperensiya, e. So, ang hirap magsalita. Ayokong mag-judge, husgahan ang isang tao. Dahil lahat nga tayo may mga pagkukulang din sa buhay. Siguro ang pinakamabuti ay yung intindihin natin at kung paano natin matutulungan yung taong may pagkukulang o may pagkakamali sa buhay," pagwawakas ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN