PART III: Hayden Kho's camp accuses Lolit Solis of scripting the "drama" of Katrina Halili

IMAGE 0


Atty. Lorna Kapunan says that Katrina Halili's public appearances on the issue of her sex videos with Hayden have been scripted: "It was Lolit who was behind these things!"


Inakusahan kamakailan ni Mrs. Irene Kho, ina ng kontrobersyal na si Hayden Kho, ang talent manager na si Lolit Solis bilang may pakana ng diumano'y drama ni Katrina Halili sa mga interview sa telebisyon.

Sa exclusive interview ng TV Patrol World noong Lunes, May 25, sinabi pa niya patukoy kay Lolit, "Alam mo, ang ginagawa mo kay Katrina Halili is scripted. Sinabi mo rin 'yan, huwag ka nang tumanggi... Ang ginawa mo kay Katrina Halili ay ini-script mo—kung kailan iiyak, kung anong aartehan.... Hindi ko alam kung sinong kasabwat."

Dagdag pa nito, "I'm just telling the truth. Na ito ay orchestrated ni Ms. Lolit Solis na very powerful." (Click here to read related article)

Sa kanyang salaysay, sinabi ni Mrs. Kho na narinig niya ito mula kay Lolit nang inanyayahan siyang pumunta sa isang bahay para kumuha ng isang script, isang araw matapos ang May 20 birthday ni Hayden.

"CRY-CRY SCRIPT." Ito rin ang naging pahayag ng abogado ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon sa isang phone interview kahapon, May 26.

Ayon sa abogado, ang "staging" ng mga paglabas ni Katrina sa telebisyon ang dahilan kung bakit galit si Mrs. Kho kay Lolit. Ang tinutukoy ng abogado ay ang mga TV interviews ni Katrina, liban sa coverage ng TV sa pagpunta ng aktres sa Senado at NBI, na tinatayang nakakuha ng simpatiya ng publiko para sa dalaga.

"That is where the staging comes in," sabi ni Atty. Kapunan. "And that is why the mother is very mad because, apparently, Lolit Solis admitted to the mother and several others that she staged-managed this. She's the common manager of Bong Revilla and Katrina Halili who has not been quite successful in her attempt to [direct the] movie-making of these stars. That's what she said, 'Ako ang nag-script n'yan! Kung kelan iiyak, kung ano ang sasabihin,'" pahayag ni Atty. Kapunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang muling tanungin ng PEP editor kung ang dating talent manager ni Hayden nga ang tinutukoy ni Atty. Kapunan sa kanyang sinabi, sinagot nito, "Yeah, that's what... and I was in that meeting, Lolit said it to... We were three lawyers, and [PR man] Reli German was there, Hayden was there, Vicki [Belo] was there, and the mother [of Hayden] was there. And she boasted that she stage-managed everything, including [the TV appearance of] Bong Revilla."

Katulad umano ng pag-utos ni Lolit kay Katrina na umiyak sa harap ng telebisyon, iminungkahi din ng talent manager na gawin ito ng ina ni Hayden sa kanyang paglabas sa media.

Kuwento ni Atty. Kapunan, "Why was the mother there [in the meeting]? The mother was there because she [Lolit] had, I think, she had asked the mother to also do her thing with media—doing the cry-cry, the same cry-cry, script that she made for Katrina."

Pagdiin pa ni Atty. Kapunan, "Mrs. Kho said to me na inutusan daw siya doon. Gusto daw siyang pa-appear ni Lolit na gayahin yung ginawa ni Katrina, 'yong pa cry-cry-cry."

Sa huli, sinabi ni Atty. Kapunan na pumayag magpa-interview si Mrs. Kho upang ipagtanggol ang kanyang anak.

Aniya, "The mother was so mad, that's why yesterday she [Irene] herself wants to go [on] live [television]. So, people were saying na that the mother will always be there for the son. She wanted to do what she wanted to do."

"ON RETAINER." Si Lolit ay dating tumutulong sa career ni Hayden Kho. Sa panayam ng YES! magazine sa veteran talent manager at TV host noong Pebrero ng taong ito, nilinaw niyang ang pag-manage niya kay Hayden ay automatic na magtatapos pag natapos ang relasyon ni Hayden kay Vicki, na siyang malapit talaga kay Lolit. Bagamat hindi siya pormal na manedyer ni Dra. Belo, may official connection si Lolit sa duktora. Ayon kay Atty. Kapunan, "Lolit is on retainer by Dra. Belo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang usap-usapan sa industriya ay nagkagalit na lang sina Lolit at pamilyang Kho nang tinuligsa ng huli si Bong Revilla, na talent at anak-anakan ni Lolit. (Click here to read related story.) Ito naman ay matapos tawaging "pervert of the highest kind" ni Bong si Hayden dahil sa mga sex videos. Si Bong ay nasangkot sa usapin dahil humingi sa kanya ng tulong si Katrina no'ng mga pangalawang linggo ng Mayo.

Click here to read Part IV


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN