Yasmien Kurdi will no longer sue Baron Geisler

IMAGE 0


"Di naman talaga ako magdedemanda. Blotter lang po yun for security ko. Pero kung may sasabihin siya o walanghiyain niya na naman ako, malamang madedemanda ko talaga siya," says Yasmien Kurdi about her complaints of acts of lasciviousness and unjust vexation against co-star Baron Geisler (inset).


Sa report ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng 24 Oras ngayong gabi, May 27, sinabi ng StarStruck 1st batch runner-up at GMA-7 contract artist na si Yasmien Kurdi na wala na siyang balak pang idemanda ang aktor na si Baron Geisler.

Matatandaang nagsampa ng reklamo si Yasmien noong Lunes, May 25, laban kay Baron ng acts of lasciviousness at unjust vexation sa Philippine National Police Women's and Children's Protection Center sa Camp Crame. Ayon sa isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), "Minanyak si Yasmien. Sinilipan, hinipuan, 'tapos nagbate [masturbated] sa harap niya [si Baron]." (Click here to read related story.)

Sa interview ni Lhar Santiago kay Yasmien, tila nagbago na ng tono ang young actress. Aniya, "Wala naman po akong plano na palakihin pa ito at gawin pa itong malaking issue or something. Sabi ko nga po sa lawyer ko, tigilan na rin po natin. Okey na po 'to, na, nakuha ko po yung seguridad. Yun lang po ang kailangan ko, hindi ko naman kailangan na mag-down pa ng tao."

Sa panayam naman sa legal counsel ni Yasmien na si Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nitong ipinapaubaya na lang niya kay Yasmien kung sasapat na ang public apology ni Baron para hindi na ituloy ang demanda laban sa aktor. "I cannot speak for her with respect to that. We will cross the bridge when the time comes."

Sabi pa ni Yasmien, nag-sorry na sa kanya si Baron. "Nag-sorry na po siya sa text. Pero mas maganda po siguro kung magbibigay po siya ng public apology."

Sinabi pa ni Yasmien na talagang napahiya raw ang pagkatao niya sa ginawa ni Baron sa kanya. Nang tanungin kung handa ba siyang harapin si Baron bukas, May 28, sa taping nila para sa teleserye nilang SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, sumagot ang young actress na kaya naman daw niyang makiharap kay Baron. "Basta after ng take, tantanan na niya 'ko. After ng take, wala. Yung wala nang anything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORT FROM YAYO & OTHER GROUPS. Nakakuha naman ng suporta at paghanga si Yasmien mula sa aktres na si Yayo Aguila, ina ni Patricia Martinez, ang dalagang nagdemanda kay Baron ng sexual harassment at unjust vexation nung nakaraang taon.

"Hindi kami natuwa, honestly. Although natutuwa ako kasi alam niyang ipaglaban ang karapatan niya. Alam niya kung ano ang dapat niyang gawin at ginawa niya," sabi ni Yayo tungkol kay Yasmien.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP na makausap si Yasmien sa pamamagitan ng kanyang Yahoo Messenger (YM) account. Aniya, nagpa-blotter lang muna talaga siya, pero kung magkakamali na naman si Baron, tutuluyan daw niya ito.

"Di naman talaga ako magdedemanda. Blotter lang po yun for security ko. Pero kung may sasabihin siya o walanghiyain niya na naman ako, malamang madedemanda ko talaga siya," ani Yasmien.

Pero kahit ano raw ang mangyari, hindi niya raw babawiin ang ni-report niya sa Camp Crame laban kay Baron. Suportado na rin daw siya ng grupong Gabriela at ng Department of Justice (DOJ) kung itutuloy niya ang laban.

Ayon naman sa mapagkakatiwalaang source ng PEP, malaki raw ang laban ni Yasmien kung itutuloy nito ang kaso laban kay Baron. Bukod sa maraming nakakita ng diumano'y kagaspangan ni Baron ay nai-record pa raw ito on video.

Pagkatapos daw kasi ng eksena nila ni Yasmien ginawa diumano ni Baron ang mahahalay na aksyon at bastos na mga pananalita. Buong production staff at cast daw ang nakakita ng mga ginawa ni Baron.

Kuwento ng PEP source, nakuha pa raw suntukin ni Yasmien si Baron sa sobrang galit nito sa pambabastos sa kanya. "Isa sa ulo at isa sa braso," deskripsyon ng source sa suntok na pinakawalan ni Yasmien. Hindi raw nagawang makaganti ni Baron.

Ayon pa sa source ng PEP, nagkausap na raw kanina lamang sina Yasmien at Baron sa pamamagitan ng tawag mula sa direktor na si Maryo J. de los Reyes. Ang batikang direktor—na personal na tumutulong sa career ngayon ng aktor, ngunit hindi malinaw ito ay bilang co-manager dahil ang aktor ay may kontrata sa Star Magic—ang namagitan kina Yasmien at Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit galit na galit, kontrolado pa rin daw ng young actress ang pananalita nito sa paggalang na rin sa direktor na malapit din naman sa kanya. Kuwento pa ng PEP source, hindi raw makapagsalita si Baron nang sunud-sunod na tanungin ni Yasmien kung bakit nagawa sa kanya ang mga kabastusan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN