Kris Lawrence: "Please, don't judge Katrina."

IMAGE 0


"I'm still so thankful that we're friends. She has my support sa labang ginagawa niya. Stay strong, alam kong kaya niya yun," says Kris Lawrence about Katrina Halili.


Sa eskandalong idinulot ng Hayden Kho-Katrina Halili sex video, apektado ang mga taong malalapit sa panig ng dalawang sangkot. Hindi lamang ang pamilya ng dalawa kundi maging ng mga taong malalapit din sa puso nila. Isa na rito si Kris Lawrence, ang singer na dating na-link kay Katrina.

"I feel hurt for Katrina. I feel bad for her. I feel sorry for her. Parang, sana tama na. Nasasaktan ako para sa kanya, nakakaawa naman yung tao. Kami naman ni Katrina, we're still friends. If she needs anybody to talk to, nandito lang naman ako palagi for her," pahayag ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Suportado rin ni Kris ang ginagawa ngayon ng aktres laban kay Hayden.

"I'm always here for her," ulit niya. "I'm still so thankful that we're friends. She has my support sa labang ginagawa niya. Stay strong, alam kong kaya niya yun."

Nakiusap din si Kris na sana raw ay huwag agad husgahan ng mga tao si Katrina dahil sa nangyari.

"She's a good person. Unfair naman for her na hindi pa ninyo kilala yung tao, hinuhusgahan na agad. To be honest, I don't know what to say. But, please, don't judge Katrina."

Hindi rin naitago ni Kris ang pagkadisgusto niya sa ginawa ni Hayden sa mga nakarelasyon nito, hindi lang kay Katrina kundi sa iba pang babaeng vinideotape nito na wala raw kaalam-alam.

"Hindi ko siya kilala, basta ayoko sa kanya at sa mga ginawa niya," deklara ng singer. "Wala akong pakialam sa kanya... Ang mga babae, we have to respect them, put them to a pedestal, treat them like a queen, take care of them. Hindi sila dapat babuyin or put them sa kahihiyan."

Sinasabi ni Hayden na hindi siya ang nagpakalat ng sex videos. Nag-deny na rin si Erik Chua, dating kaibigan ni Hayden. Pero may mensahe si Kris sa mga taong nagpakalat nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Hindi ninyo dapat ginawa 'yan. Don't degrade women like that. Nakakalungkot na may mga taong katulad nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN