Robin Padilla shoulders some expenses of Totoy Bato

IMAGE 0


"Kapag may idea po akong gustong gawin, at lalampas sa budget, nag-usap na kami na 50-50 ang gastos namin. Pero siyempre, 'yon po ay kung puwede kong gawin at makagaganda lalo sa eksena. Pinag-uusapan din muna namin 'yon ni Direk Mac [Alejandre]," says Robin Padilla about shouldering some of the expenses of his action-drama series Totoy Bato.


Inamin ni Robin Padilla na sumakit talaga ang katawan niya sa pakikipag-boxing sa Thailand boxer na nakalaban niya sa action-drama series niyang Totoy Bato sa GMA-7. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robin sa Maic's Gym Boxing & Fitness sa Marikina City kagabi, May 27.

Kuwento niya, "Hindi po puwedeng hindi kami magkatamaan talaga, kaya nanakit ang likod ko. Pakiramdam ko nga po para akong natrangkaso, pero hindi po ito swine flu, ha? Pagod lang po talaga kasi ang mga eksena na naming kinukunan ngayon, yung nakikipag-boxing na ako.

"May mga eksena rin akong kukunan na mixed martial arts. At ang finale, yung boxing sa Roman Colisseum. May mga footages po akong kinunan noong nagbakasyon kami sa Rome ng family ko, magagamit ko 'yon dito."


OUT OF HIS OWN POCKET. May balitang naglalabas din daw siya ng pera para sa ikagaganda ng show. Totoo ba ito?

"Opo, nakipag-compromise naman po sa akin ang GMA Network," nakangiting sagot ni Robin. "Kapag may idea po akong gustong gawin, at lalampas sa budget, nag-usap na kami na 50-50 ang gastos namin. Pero siyempre, 'yon po ay kung puwede kong gawin at makagaganda lalo sa eksena. Pinag-uusapan din muna namin 'yon ni Direk Mac [Alejandre]."

May eksena raw na lahat ng involved ay naka-motorcycle, apat daw doon ay binili ni Robin dahil may masisira sa motorcycles.

Sa story ngayon, nagka-amnesia si Heather, played by his daughter Queenie, na palalabasin niyang siya ang ama nito. Kumusta naman si Queenie? Humihingi ba ng pointers sa kanya ang anak?

"Every day, tuwing umaga, nag-uusap kami, kinukumusta ko siya. Kung minsan, nagte-text kami. Eighteen na si Queenie, may sarili na siyang buhay. Kaya 'yon, kinukumusta ko na lang siya lagi. Hindi na siya humihingi ng pointers sa akin.

"Masaya ako kapag kaeksena ko siya, hindi naman siya nai-intimidate sa akin kapag magkaeksena kami. Ang bonding kasi naming mag-ama, ang shows namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya nami-miss ang leading lady niya sa Totoy Bato na si Regine Velasquez?

"Bago naman niya tinanggap ang Totoy Bato, ipinaalam na niya ang schedules niya ng concert. Kaya tamang-tama naman na kunwari may shows siya abroad sa story, yun naman yung umalis nga siya para sa concert nila. Alam ko, next week, babalik na rin si Regine," sabi ni Robin.

Si Manny Pacquiao, babalik pa ba sa Totoy Bato?

"Magdi-depend po 'yon kung may available siyang oras. Kasi yung eksena niya, natapos na nang magkaayos na sila ni Coach Fredo [Eddie Garcia]. Ang alam po namin, may gagawin din siyang movie kaya baka maging busy na siya talaga."

Pagkatapos ng Totoy Bato, ano ang susunod niyang project sa GMA-7?

"Gagawa muna kami ni Cesar [Montano] ng movie sa Viva Films," banggit ng action superstar. "Ganoon naman ako. Kapag may natapos akong isang show, hindi ko ito sinusundan agad. Gusto raw ni Boss Vic [del Rosario ng Viva Entertainment] na ibalik ang action movies. Napapanood daw niya ang mga ginawa kong action-drama series sa GMA-7, at para raw pampelikula na ang mga action scenes. Hanggang July 10 na lang ang Totoy Bato. Kaya by August, baka magsimula na kaming mag-shooting sa Viva Films ni Cesar."

REUNION OF PADILLA BROTHERS. May lumabas na write-up na nagkayakapan na ang mga kapatid niyang sina Rommel at Royette at si BB Gandanghari—dating Rustom Padilla—sa birthday party ng kapatid nilang si Rebecca.

"Nagkita na rin naman po kami at nagkayakapan ni Rustom noong nagkita kami sa wake ng anak ng kapatid naming si Rhoda," balita ni Robin. "Wala naman pong issue sa amin yung kay Rustom. Basta kung saan siya maligaya, masaya kami para sa kanya.

"Huwag lang niya kaming bibigyan ng problema!" natatawang habol ng aktor.

KATRINA HALILI. Dahil nakasama ni Robin si Katrina Halili sa pelikulang Sundo, tinanong din siya ng PEP kung ano ang masasabi niya sa kontrobersiyang pinagdadaanan nito ngayon kaugnay ng sex-video scandal nila ni Hayden Kho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Shocking," seryosong sagot ni Robin. "Mabait kasi si Katrina, mahusay pang aktres. Kahit hindi kami masyadong matagal nagkasama sa shooting ng Sundo, naging maganda naman ang pagsasama namin nang mag-shooting kami sa Baguio with Sunshine Dizon at Rhian Ramos.

"Apat po ang anak kong babae, kaya kung ano ang hakbang ng Senado, sana ituloy nila ito, kaawa-awa ang mga babaeng nabibiktima sa kontrobersiyang tulad nito."

ROBIN'S GIRLS. Tatlo ang anak na babae ni Robin kay Liezl: sina Queenie, Kylie, at Zhenzhen (na kasama ng ina at ng only son niyang si Ali sa Australia). Si Camille naman, 19 years old, ay anak ng aktor sa dating aktres na si Leah Orosa.

Hindi ba umuuwi sa Pilipinas si Camille?

"Since umuwi sila rito noon ni Leah, hindi pa ulit sila bumabalik dito. Okey naman sila doon. Tumatawag siya sa akin, kuwentuhan kami at kasunod na nun ang allowance niya!" natatawang sabi ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN