Richard Gutierrez holds thanksgiving Mass for his "second life"

IMAGE 0


"Talagang milagro ang nangyari. I consider this as my second life kasi kung makikita ninyo ang kotse ko... Nagulat nga ako nang makita ko ang kotse ko, hindi ko akalain na ganoon ang hitsura ng kotse ko after," says Richard Gutierrez.


Isang misa ng pasasalamat para kay Richard Gutierrez ang ginanap kagabi, May 28, sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City. Nagpamisa si Richard at ang kanyang pamilya bilang pasasalamat daw sa Diyos dahil nakaligtas siya sa vehicular accident na nangyari sa Silang, Cavite, noong nakaraang Biyernes, May 22.

Si Richard ang nagmamaneho noon ng kanyang Nissan GTR sports car, kung saan nakasakay rin ang kanyang personal assistant na si Nomar Pardo at ang bodyguard niyang si Jorge Mascora. Nakaligtas man si Richard at si Jorge ay nasawi naman sa aksidente si Nomar.

Galing noon si Richard sa cinema plug para sa upcoming project niya sa GMA-7, ang Pinoy remake ng hit Koreanovela na Full House.

Dumalo sa thanksgiving mass ang mga magulang at mga kapatid ni Richard, pati na ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.

Nang matapos ang 7 p.m. mass, nagpaunlak si Richard na magpa-interview sa mga imbitadong entertainment press sa St. Luke's function room ng simbahan.

Hindi matapus-tapos ang pasasalamat ni Richard sa lahat ng mga tumulong at nagdasal para sa kanyang kaligtasan.

"Maraming salamat sa pagpunta ninyo dito. I appreciate it from the bottom of my heart. Sa lahat ng nagdasal para sa kaligtasan ko, thank you so much. Sa lahat ng mga kaibigan ko, sa lahat ng katrabaho ko, sa pamilya ko... At siyempre, sa GMA 7, sa ABS CBN, to all the media people here, thank you so much. Pati sa fans ko, sa supporters ko na walang sawa sa pagsuporta sa akin, maraming salamat sa inyo.

"I also wanna thank God, The Almighty, The Most High, for saving me," sambit ni Richard.

Pinasalamatan din ng aktor ang staff ng GMA-7 na nagligtas sa kanya, sa lahat ng executives ng Kapuso network, sa mga duktor ng Tagaytay Medical Hospital at Asian Hospital, at sa mga nag-asikaso sa kanya nang mabangga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Sa lahat ng nagpadala ng flowers, thank you so much. Nagbibigay inspirasyon sa akin 'yon tuwing pagdilat ko sa umaga, kung gaano karaming tao ang nagmamahal sa akin. Thank you so much. I deeply appreciate your concern and prayers."

SECOND LIFE. Itinuturing ni Richard na isang milagro ang pagkakaligtas niya sa aksidente.

"I'm doing very well," aniya. "Kasama ko ang pamilya ko ngayon sa lahat ng pagsubok at, siyempre, mga kaibigan ko, mga supporter ko, at sa lahat ng tao na nagmamahal sa akin, gusto kong magpasalamat sa kanila dahil sila talaga ang nag-uplift ng spirit ko dahil I was feeling okay physically.

"Physically, I was okay. But spiritually and emotionally, medyo down ako for the past few days. Pero ngayon, masasabi ko na I've recovered and I'm very happy that I'm still alive, at meron pa talaga akong purpose na dapat gawin dito sa mundo, and I wanna thank God for saving me.

"Talagang milagro ang nangyari. I consider this as my second life kasi kung makikita ninyo ang kotse ko... Nagulat nga ako nang makita ko ang kotse ko, hindi ko akalain na ganoon ang hitsura ng kotse ko after," lahad ng aktor.

THE TRAGEDY. Inilahad naman ni Richard ang ilang detalye tungkol sa aksidente. Ayon sa kanya, malinaw sa isip niya ang mga pangyayari.

"Pagbaba ko ng kotse, dumaan ako sa bintana at hinahanap ko si Nomar. Ang daming pumapasok sa isip ko, pero I was very thankful I was alive, I was breathing. And the Lord saved me.

"Very clear sa akin ang nangyari sa aksidente dahil the whole time, nakadilat ako. Nakita ko ang lahat ng pangyayari. Until bumaba ako ng kotse through the window, humingi ako ng tulong sa may kalsada, hanggang dumating ang GMA-7. Lahat 'yon, clear sa mind ko.

"Pagbaba ko ng kotse, ang una kong ginawa, hinanap ko ang body ni Nomar. Sigaw ako nang sigaw. Siguro mga five minutes or so. Hinanap ko ang body ni Nomar and hindi ko nakita. And then, George was also helping me. Bumaba rin siya through the window pagkagising niya, at hinanap namin pareho si Nomar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sigaw kami nang sigaw. Hindi ko matanggap na hindi ko siya nakikita. Kasi pagtigil ng kotse, nung aksidente, tinanong ko si George, nasa tabi ko, 'George, okay ka lang?' Sumagot, nasa tabi ko.

"Sabi ko, 'Ikaw, Mar?' Paglingon ko, wala siya. Doon pa lang, naramdaman ko yung shock talaga. 'Nasaan siya? Bakit wala siya sa likod ko? E, kanina nasa likod siya.' Na-shock talaga ako out of siguro... Na-shock ako, bumaba ako ng kotse, hinanap ko siya.

"Everything is very clear to my mind. Up to this day, naiisip ko pa rin kapag mag-isa ako. Pero nangyayari talaga ang mga ganoong aksidente. That's the Lord's will," pahayag ni Richard.

GOODBYE, NOMAR. Ayon pa kay Richard, noong una raw ay nahirapan siyang tanggapin ang nangyari. Pero malaking tulong daw ang pamilya at mga kaibigan niya upang "ma-uplift" ang spirits niya at "makapag-move on."

"Sa simula, mahirap tanggapin dahil araw-araw ko kasama si Nomar. Parang kapatid ko siya. Matagal na siyang nagtatrabaho sa family namin. Ever since I was a kid, nakikita ko siya. Dahil before, kay Tita Pilita [Corrales] rin siya.

"But after that accident, bigla siyang nawala. Siyempre, mahirap, pero nagdasal lang ako nang nagdasal. Ganoon talaga ang buhay, wala tayong magagawa. First time nangyari ito sa akin, so nakakapanibago. I have to be strong. I have to keep praying to the Lord," saad ni Richard.

Sinabi rin ng aktor na mami-miss niya si Nomar.

"Si Nomar, maasikaso, outgoing, at adventurous din 'yon kagaya ko. Kaya kahit saan kami makarating, okey siya. Survivor, kagaya ko. At siguro, more than anything, ang pagiging kaibigan niya sa akin. Yung through ups and downs, nandiyan siya... Laughter, sadness, nandiyan siya para sa akin. Lahat naikukuwento ko sa kanya. Kaibigan ko talaga siya.

"Ipinagdasal ko yung family niya. Ipinagdasal ko yung soul niya at sinabi ko na nami-miss ko siya. Sinabi ko na siya ang the best na kasama. Hindi ko makakalimutan ang mga pinagsamahan namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OVERCOMING TRAUMA. Sa tingin ni Richard, paano mababago ng aksidenteng ito ang buhay niya?

"Hindi ko pa masasabi kasi katatapos lang," sagot niya. "Pero ngayon talagang masasabi ko na, sa spiritual, marami ako natutunan. Spiritually, naging matatag ako at nalaman ko nga yung mga tao na nagmamahal sa akin. Mga kaibigan ko na nasa likod ko, ang pamilya ko. Sila yung nagpatibay sa akin. Maraming learning experience through that."

Ikinuwento rin ni Richard na nag-drive siya agad paglabas niya ng hospital upang ma-conquer niya ang fear of driving na idinulot ng aksidente.

"Medyo ayaw nga ni Mommy [Annabelle Rama], pero kailangan ko kasi mag-drive para ma-conquer ko yung fear at ayokong magpatalo sa trauma. Gusto ko, hindi ako maiilang kapag nagda-drive ako. So, nag-drive ako paglabas ko sa ospital.

"Hindi ako takot, pero may ibang pakiramdam. Alam mo yung pag-upo ko sa harap ng manibela, may ibang pakiramdam. Pero gaya nga ng sabi ko, ayokong matakot," paliwanag niya.

MGA NAULILA. Naiwan ni Nomar Prado ang misis niyang si Loraine at dalawang anak na lima at tatlong taong gulang . Hindi pa malinaw kung paano sila makakaraos sa mga darating na taon—sa mga pangangailangan sa pagkain, bahay, pananamit, edukasyon, at medikal—dahil si Nomar ang tanging naghanapbuhay noon para sa pamilya.

Nakita sa telebisyon ang pagdalaw ni Annabelle Rama sa burol ni Nomar. Dito ay sinabi niyang aakuin niya ang pagpapaaral sa dalawang bata. Ang hindi malinaw ay kung tinanggap na ng asawa ni Nomar ang alok na ito, na mula sa ina ng aktor na siyang nagmamaneho ng kotse sa aksidenteng ikinamatay ni Nomar.

Hindi rin malinaw kung may sama ng loob ang pamilyang Prado kay Richard. Ayon sa GMA-7 Flash Report ng May 26—araw din ng cremation ng mga labi ni Nomar— tanggap na ng mga magulang ni Nomar ang nangyaring aksidente, ngunit labis pang nangungulila ang misis nito. Hindi pa rin nariringgan ng panig niya si Loraine Prado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kagabi si Richard kung may problema ba ang pamilya ni Nomar sa kanya, ang sagot ng binata ay: "Wala kami dapat problema." Hindi na ito nagdetalye pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN