JC de Vera gets starstruck by leading lady Heart Evangelista

IMAGE 0


"Kaya noong first taping day namin, naiilang pa rin ako sa kanya. Hindi ko siya matingnan nang diretso, na-starstruck talaga ako sa kanya! Until now, parang may gap pa rin kami, starstruck talaga ako sa kanya. Kapag magkaeksena kami, nawawala 'yon. Pero pagkatapos ng take, balik na naman ako sa pagka-starstruck sa kanya," relates JC de Vera about Heart Evangelista, his leading lady in Ngayon at Kailanman.


Sa June 8 na ang pilot telecast ng bagong Sine Novela nina JC de Vera at Heart Evangelista sa GMA-7, ang remake ng Ngayon at Kailanman, na unang ginampanan sa pelikula nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Ang Ngayon at Kailanman ang papalit sa magwawakas nang Paano Ba ang Mangarap? nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC bago ang thanksgiving mass ni Richard Gutierrez and his family sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City kagabi, May 28.

TEAM UP WITH HEART. Bagamat "magkapatid" sila sa talent management na Royale Era Entertainment, ito ang unang pagkakataon na magkatambal sila sa isang proyekto. How true na nagkailangan daw sila ni Heart sa first taping day nila?

"Medyo," sagot ni JC. "Kasi Grade 2 pa lang kami noon ni Heart sa San Agustin College nang una kaming nagkasama, hanggang sa first year high school na nag-artista na siya. Last year lang, sa birthday ni Tito Jun [Lalin, publicist ng Royale Era] kami ulit nagkita.

"Ang laki kasi ng batch namin noon ni Heart at hindi kami nagkaroon ng chance na maging friends. Intimidated ako sa kanya dahil noong Grade 7 na ako hanggang 4th year high school, sikat na sikat na siya noon. Commercial model na siya noon.

"Kaya noong first taping day namin, naiilang pa rin ako sa kanya. Hindi ko siya matingnan nang diretso, na-starstruck talaga ako sa kanya! Until now, parang may gap pa rin kami, starstruck talaga ako sa kanya. Kapag magkaeksena kami, nawawala 'yon. Pero pagkatapos ng take, balik na naman ako sa pagka-starstruck sa kanya. Thankful nga ako na nawawala 'yon pag magti-take na kami dahil kung hindi, nakakahiya, baka hindi ako maka-deliver.

"Pero mabuti ngayon, kapag nagte-taping kami doon sa bahay ni Governor Leviste sa Lipa City, may isang lugar lang doon na puwede kaming tumambay kaya nakakapag-usap kami ni Heart. Nakakatawa, kasi ang pinag-uusapan pa rin namin nung Grade 2 kami," lahad ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si JC kung may kissing scene na sila ni Heart sa Ngayon at Kailanman. Sa pelikula kasi ay maraming ganitong mga eksena sina Sharon at Richard.

"Wala pa po, pero napanood ko po nang buo ang DVD copy ng movie," nakangiting sagot ni JC.

Sa pagsisimula ba muli niyang magtrabaho, sa palagay niya, na-solve na ang problema tungkol sa kanyang career?

"Na-solve na? Hindi pa rin po, pero nagko-concentrate ako sa trabaho ko ngayon. Although, may pressure pa rin sa akin," sabi niya.

YASMIEN & RHIAN. Nahingan namin ng comment si JC tungkol sa insidente sa pagitan ng dating ka-love team niya na si Yasmien Kurdi kay Baron Geisler. Inireklamo ni Yasmien si Baron ng acts of lasciviousness and unjust vexation dahil sa pambabastos diumano ng aktor sa aktres.

"Ayaw ko pong mag-comment kasi hindi ko naman alam ang totoong nangyari," iwas ni JC. "Ayaw ko ring magsalita dahil minsan ko na ring nakasama si Baron sa isang episode ko noon ng Obra."

Napangiti si JC nang ikuwento sa kanya na, ayon kay Mark Herras, kung totoong may nangyaring hindi maganda kina Yasmien at Baron, hindi papayag si Yasmien na hindi makaganti dahil matapang ito at kaya nitong manuntok o manampal kung naapi. Umayon naman si JC dito.

Kumusta naman sila ni Rhian Ramos?

"Hindi po kami nagkikita lately, kasi pareho kaming busy ngayon," sagot ni JC. "Magkasama po kaming dumating sa wake ni Nomar [Prado, ang personal assistant ni Richard Gutierrez na namatay sa car accident]. Kasi nag-usap po kaming sabay na pupunta doon. Ganoon pa rin po naman, very close friends pa rin po kami ni Rhian."

Bago natapos ang thanksgiving mass, nakita na naming magkatabi sa loob ng simbahan sina JC at Rhian with TJ Trinidad and Epy Quizon, na mga kasama ni Rhian sa Zorro. Pero hindi na namin sila nakita sa dinner with the guests after the mass sa isang function room sa katabing building ng Christ the King Church.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN