Movie Actor of the Year Jericho Rosales almost did a no-show at Star Awards for fear of losing again

IMAGE 0


Jericho Rosales cried at the Metro Manila Filmfest awards night because he was the only one in Baler who didn't go home with a trophy. But winning at the Star Awards has made up for it and he's happy to add his latest prize to his burgeoning collection. "I was just fixing my ledge para sa mga trophies na napanalunan ko dati. I'm gonna have an extra place siguro for this," Jericho said.


Maganda ang takbo ng career ngayon ng aktor na si Jericho Rosales. May mga commercials siyang napapanood ng mga tao ngayon sa telebisyon. And soon ay mapapanood na ulit siya sa isang serye ng ABS-CBN, kung saan ay balik-tambalan sila rito ng dating ka-love team at karelasyon na si Kristine Hermosa.


At sa katatapos lang na 25th Star Awards For Movies na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila noong May 28, si Jericho ang itinanghal na Movie Actor of the Year para sa pelikulang pinagbidahan niya, ang Baler mula sa Viva Films.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jericho pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang award. Ayon sa kanya, sobrang saya niya sa bagong acting trophy na natanggap niya.


"Wala na akong hihilingin pa siguro. Lahat nang dumarating sa akin talagang... I always pray [with] a very appreciative heart. And ahh... this is very overwhelming. I'm just really happy. I was just fixing my ledge para sa mga trophies na napanalunan ko dati. I'm gonna have extra place siguro for this (Best Actor trophy)," sabi ni Jericho.


Sa acceptance speech ni Jericho ay sinabi niya na iniyakan niya ang pagkatalo niya kay Christopher de Leon sa Best Actor category sa nakaraang Metro Manila Film Festival Awards last year. Si Boyet ang nanalo para sa pelikula niyang Magkaibigan.


Kaya raw nasaktan at umiyak si Echo ay dahil ang pelikula niyang Baler ang may pinakamaraming awards na natanggap sa filmfest including Best Actress for Anne Curtis na kapareha niya sa pelikula, samantalang siya ay walang award na naiuwi.


"Honestly I cried, not because feeling ko nadaya ako or something. It's because bigyan ka ng sampung na ano, di ba... I mean, what a challenge, di ba? Ten awards for the film and I was the only one na hindi binigyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Siyempre I was really happy for sir Boyet, you know. And I watched his film... talagang saludo ako sa kanya kahit kelan. But, siyempre, still the human in me, parang ganoon... I went backstage, talagang umiyak ako. And Gab Valenciano went to me and said, 'Pare, relax. You guys get the three-point shot. Kung hindi mo man nakuha yung MVP, you got the three-point shot because Best Picture kayo, di ba? And you're a part of it.'"

ALMOST MISSED IT. Wala palang balak pumunta si Jericho sa Star Awards For Movies dahil sa takot na baka matalo ulit siya.


"Ayoko na kasing ma-brokenhearted ako ulit. Pero sinubukan ko pa rin ngang pumunta since isa ako sa mga nominado and I thank God dahil this time ay ako na ang nanalo."


Kasabihan sa showbiz na 'pag ang isang artista ay suwerte sa kanyang career ay malas naman siya sa kanyang lovelife. Naniniwala ba siya sa kasabihang ito?


"No, that's not true,"sagot ni Jericho.


So, meron siyang lovelife ngayon?

"Wala ngayon but niluluto na," tawa ni Jericho. "Pero hindi ako ang nagluluto, si God ang nagluluto para sa akin."

Sa success na tinatamasa niya ngayon, dapat ay may inspirasyon siya, di ba?

"Meron naman akong inpirasyon, like my family at yung lahat ng mga naniniwala sa akin," pagwawakas ni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN