Kim Chiu would be sad if love team with Gerald Anderson breaks up

IMAGE 0

Not even Kim Chiu and Gerald Anderson (above) know how their love triangle with Jake Cuenca will end in Tayong Dalawa. But Kim’s real life story is just as compelling. Asked how she would feel if the mother she hasn’t seen for years suddenly shows up, she says: “Hindi ko na rin iniisip yun. Hayaan na natin siya.”


Kahit ang cast daw, hindi raw nila alam kung ano talaga ang mangyayaring ending sa triangle ng dalawang David Garcia at ni Kim bilang si Audrey. Sa ngayon, ikinasal na nga sina Kim at Jake, pero mahaba pa raw ang itatakbo ng kuwento at na-extend na nga ito nang na-extend.

During the question-and-answer portion at 55 Events Place last night, kunsaan ginanap ang thanksgiving party at presscon for the series, tinanong namin si Kim, kung sakali siya ang scriptwriter ng Tayong Dalawa, sino sa dalawang David—Gerald and Jake—ang pipiliin niyang makatuluyan ni Audrey?

Ang sagot ni Kim, "Ang hirap naman nun! Hindi ko alam. Parang ang haba naman kasi ng hair ko," natatawa niyang sabi. "Siguro, magmamadre na lang ako."

Siyempre pa, if that's to happen, ang mag-madre na nga lang si Audrey sa ending, that could not be a good suggestion sa totoong writer ng Tayong Dalawa.

After ng Q and A, tinanong naman namin si Kim kung malulungkot ba siya, if ever nga, na at the end, hindi pala sila ni Gerald ang magkatuluyan sa Tayong Dalawa?

"Medyo malulungkot din naman kasi maraming fans ang may gusto na Kimeralds. Gustong-gusto talaga nila na magkatuluyan ang Kim and Gerald, pero kami rin naman, hindi namin alam kung ano ang mangyayari.

"Kasi, sa Tayong Dalawa, parang ang daming twist na nagaganap. So, hindi mo alam kung kanino mapupunta itong taong ito. Sinong aawayin niya. Sobrang dami talaga na kahit kami, nagugulat sa mga script na dumarating."

GERALD AND SARAH? Aminado si Kim Chiu na nakakaramdam siya ng kaba if ever na magkatotoo nga ang balitang ang ka-love team niya na si Gerald Anderson will soon be paired with Sarah Geronimo. Nangangahulugan siyempre na medyo magkakahiwalay muna sila as a love team.

"Opo, siyempre kinakabahan, kasi hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag magsosolo na ko. Iba rin kasi yung feeling kapag kasama mo si Gerald. E ngayon, kung maging ano man sila ni Sarah... kung maging love team man sila, siyempre, ganyan talaga ang showbiz, walang forever. Yun... masaya naman ako para sa kanilang dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa love team naman daw, most likely ang babae ang mas madaling nakakayanang mag-isa.

"Depende naman po yun, e. Ngayon, hindi ko pa po alam kung ano ang mangyayari. Like now po, wala pa po akong nababalitang ipe-pair rin sa akin," natatawa niyang sabi.

Kung siya ang masusunod, sino ba ang gusto niyang makasama?

"Naku, may ganoon? Kahit sinong partner, okey lang."

DIFFERENT ANSWERS. Magkaiba ang naging tugon nina Kim at Gerald sa tanong kung madalas pa rin ba ang communication nilang dalawa. Ang sagot ni Gerald nang makausap namin ay hindi raw nawawala yun at sa salita niya, even at midnight ay nagkakausap sila. Pero salungat naman yun sa unang tugon ni Kim.

Aniya, "Hayun... hindi kami masyadong nagkakasama sa taping, sa ibang unit siya. Kami kasi ni Jake, kasal na. Kami ang palaging magkasama. Minsan na lang kaming nagkakausap. Kapag nalilipat ako sa unit nila, may tatlong eksena ako ro'n, nagkukuwentuhan kami, ganun..."

We told her na magkaiba ang sagot nila.

Nakangiting sabi ni Kim, "Minsan naman, minsan may time pero hindi naman yung lagi-lagi."

Pati midnight daw, e...

"Ganun ba? Ewan ko," nangingiti niyang sabi.

Anong klaseng relationship nga ba ang meron silang dalawa ngayon?

"Walang yes or no, parang go with the flow kung anuman meron kami, masaya na kami ro'n. At saka, hindi naman namin tinatanong ang isa't isa."

Ayon kay Gerald, wala pa rin daw kasing commitment, na dapat sa kanya manggaling (Kim). So, bakit nga ba hindi niya maibigay ang commitment na yun?

"Ano... parang masyado pang ano para magka-boyfriend, girlfriend. Busy, baka hindi mo naman maasikaso. Baka kapag naging kayo, maghiwalay lang kayo kasi wala kayong time para sa isa't isa."

OTHER WOMEN. Posible bang may takot din siyang napi-feel dahil nali-link si Gerald sa iba pang babae?

"Siyempre, meron din," pag-amin ni Kim. "Pero, hindi naman babaero si Gerald. Sa tingin ko, hindi naman siya babaero. Kapag may gusto siya, yun lang talaga. At saka, kung magka-girlfriend man siya, iisa lang talaga ang mamahalin niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Super special friendship lang ang meron kami ni Gerald. At kaya naman hindi ako naniniwala na meron siya... kasi, hindi naman ganoon yun, e. Hindi naman siya palalabas na tao. Hindi naman siya gimikero na tao. Parang wala sa personality niya yung ganoon."

Tahasan namang sinasabi ni Jake Cuenca kapag tinatanong ito na ang favorite leading lady raw niya ay si Kim.

"Naku naman itong si Cuenca," nakangiting sagot ni Kim. "Cuenca ang tawag ko sa kanya, e. Hayun, niloloko niya kasi ako palagi sa set na 'payat-payat'. Tapos, pinaglalaruan niya ako palagi. Minsan, umuupo siya, iniipit niya ako sa upuan. Tapos sasabihin niya, akala ko unan, yung ganyan," natatawang kuwento ni Kim.

May nagtanong tuloy kung dumating ang puntong magkatotoo na pareho ngang magkagusto even in real life sa kanya sina Gerald at Jake, may pag-asa raw kaya ang huli sa kanya?

"Naku, hindi naman ako gusto niyan! May iba siyang gusto," natatawa pa rin niyang sabi.

Sino pala gusto ni Jake?

"Secret! Tanungin n'yo sa kanya. Hahaha! Pero, okey naman si Jake. Okey naman siya."

Pero ano nga ba ang pakiramdam niya sa tinuran nito na siya ang favorite leading lady since marami-rami na rin naman ang nai-pair rito?

"Ano... masaya. Siyempre, masaya rin. Kasi, masaya kaming nagkakasama. Nagtatawanan kami. Kapag may mga eksena kaming mga medyo titigan nang matagal, parang hindi pa nagka-cut pero kina-cut na namin kasi nakakatawa."

GERALD STILL THE ONE. But on her part, of course, masasabi niyang si Gerald ang favorite leading man niya.

"Oo naman, si Gerald talaga. At saka, alam naman na niya. Kilala na niya ko. Like, 'o, Ge, tulungan mo naman ako. Ano ba ang gagawin ko rito?' ganito, ganyan."

Sa ngayon, hindi maikakaila na sa Kapamilya network, si Kim na yata ang maituturing na pinaka-in demand endorser ngayon. Left and right ang mga TV commercials niya at the same time, masasabing intact pa rin naman ang wholesome image na nagustuhan sa kanya ng mga tao even when she was still at the PBB house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung siya ang tatanungin, ano nga ba ang masasabi niyang mga nabago na sa kanya three years after she joined PBB?

"Sa akin po, natuto na po akong umarte. The way ako manamit siguro, sa lifestyle ko. At sa pag-iisip ko, ganoon..."

Being the breadwinner, ano na ang mga na-accomplish niya?

"Wala pa po, e... ipon lang ako nang ipon ngayon. Pero nakabili na ako ng lupa sa Katipunan. Hopefully, mapatayuan ko na po siya ng bahay ko. Sa mga kapatid ko po, yun po, ako pa rin po ang nagpapaaral sa kanila. Meron na pong naka-graduate sa kanilang isa last year, naka-graduate na siya ng nursing."

Since sa ngayon, nasa Cebu pa raw ang mga kapatid niya, ang plano ni Kim ay doon muna sila, pero 'pag napagawa na niya ang bahay niya, saka niya raw kukunin sila para magkasama-sama na sila.

OWN FAMILY DRAMA. Mabilis naman ang naging sagot niya sa tanong namin kung ano pa sa tingin niya ang kulang sa kanya ngayon...

Aniya, "Pagmamahal! Pagmamahal ng pamilya."

Hindi ba siya mahal ng pamilya niya?

"Siyempre mahal din. Pero, kulang din ang pagmamahal ng nanay, pagmamahal ng tatay na nagsusubaybay sa yo. Kaya yun..."

Ang tatay raw niya ay nasa Mindoro since may sariling pamilya rin ito ro'n. Ang nanay naman niya ay isang open book na rin sa lahat na matagal na niyang hindi nakikita.

Sa kasikatan niya ngayon, wala pa rin bang time na nagparamdam na ang ina sa kanya?

"Ah, hindi pa... at saka, hindi ko na rin iniisip yun. Hayaan na natin siya. Parang wala lang...."

Masu-surprise pa rin ba siya if one day lumitaw na nga ito?

"Feeling ko, hindi na... or, ewan ko. Kung anuman ang gustuhin niya."

Hindi itinanggi ni Kim na hindi maiaalis na may sama ng loob siyang nararamdaman, pero aniya, ayaw niyang nagtatanim ng galit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong magtanim ng galit, kasi siguro... wala naman siyang kasalanan. At saka, sa lahat ng dumarating sa akin ngayon, siguro ito na yung sukli ni God dahil pinagkaitan niya ako ng pamilya. Heto, binigyan naman niya ko ng ganitong chance."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN