Katrina Halili is a no-show at premiere night of her film Dalaw

IMAGE 0


Controversial actress Katrina Halili was not able to attend the premiere of the horror-suspense film Dalaw last night, June 1, at SM Megamall. (Inset) The "hairy ghost" which appeared during the confrontation scene of Glydel Mercado and Tonton Gutierrez.


Maraming fans ang naghintay sa pagdating ni Katrina Halili sa premiere ng horror-suspense film na Dalaw kagabi, June 1, sa Cinema 10 ng SM Megamall, Mandaluyong City. Pero gaya ng inaasahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media na dumalo ay hindi dumating ang aktres sa pagbubukas ng pelikulang pinagbibidahan niya.

Understandable naman ang hindi pagsipot ni Katrina sa premiere night ng Dalaw, kagaya ng mga naunang events na hindi niya dinaluhan, kabilang na ang presscon ng pelikula. Mainit pa kasi ang kontrobersiya tungkol sa pagkalat ng sex video ng aktres at ng cosmetic surgeon na si Hayden Kho, na umabot na nga sa Senado.

Dahil may pagdinig na tungkol dito kaya iniiwasan lang ng mga abugado ni Katrina na pag-usapan ang anumang bagay na maaaring makaapekto sa kaso. Hindi pa rin handa ang aktres na humarap sa media at sagutin ang mga katanungan nila.

Hindi man nakadalo si Katrina ay naging matagumpay pa rin ang premiere night ng Dalaw, na mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan at iprinodyus ng Pixel8 Entertainment Productions. Dumalo ang ibang cast members gaya nina Glydel Mercado (kasama ang anak nila ni Tonton Gutierrez, na hindi nakarating), Kristel Fulgar, Matet de Leon, Mon Confiado, Katrina "Hopia" Legaspi, Basty Alcances, at ang baguhang si Cristine Patrimonio—anak ng basketball great na si Alvin Patrimonio, na may cameo role din sa pelikula.

Bukod sa cast, dumating din at nagbigay ng suporta sina Jenine Desiderio, Richard Quan, John Apacible, at Carlo Maceda (kasama ang bago niyang non-showbiz girlfriend, na siya raw ipinalit niya kay Aleck Bovick).

Base sa reaksiyon ng mga taong nanood ng Dalaw, nagtagumpay ang pelikula sa intensiyon nitong manakot dahil na rin sa sigawan tuwing may nakakatakot o nakakagulat na mga eksena. Marami rin ang pumuri sa pagganap ng child actress na si Kristel Fulgar, na siyang gumanap bilang multong si Estella, na "dumadalaw" sa mga kapwa niya dalaginding na dinadatnan ng kanilang pinakaunang regla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAUNTED HOUSE? Bukod sa nakakatakot na mga eksena sa pelikula, may nakakapanindig-balahibo rin palang pangyayari sa shooting ng Dalaw. Sa end credits ng pelikula ay ipinakita ang actual take ng confrontation scene nina Glydel at Tonton, kung saan may sumilip na tila buhok ng tao sa may pintuan.

Ayon kay Direk Joven, hindi raw nila ito napansin during the actual take. Ang nakakita raw ng tinatawag nilang "hairy ghost" ay ang editor ng Dalaw na si Rocky Ko nang ini-edit na niya ang pelikula.

Kinunan ang naturang eksena sa isang abandoned house sa Dalahican, Cavite.

"Actually, hindi ko gusto ang nangyayari," sabi ni Direk Joven. "Location hunting pa lang, ayoko dun [sa bahay]. Ayoko ngang pumasok nung una. Noong ini-inquire 'yan, ayaw nila na magpa-shoot, wala raw puwedeng mag-shoot. Hindi pa daw siya nagagamit sa kahit anong shooting.

"So, nag-ikot-ikot na kami sa buong Cavite, tapos hanggang sa sinabi na, sige, puwede na raw mag-shoot. So, ang Dalaw, ito yung first time na may nakapag-shoot sa bahay."

Dagdag na kuwento pa ng direktor, "May isang bata dun, e, anak ng caretaker. Ang kuwento niya, meron daw palaging humahabol sa kanya, nangangalabit na batang lalake. Tapos, yung isang wardrobe [staff] namin, ayaw niyang pumasok. Hindi ko alam kung bakit."

Ang Dalaw ay magsisimulang mapanood sa Miyerkules, June 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN