Cherry Pie Picache is proud of Tayong Dalawa team effort

IMAGE 0


"Ang reason siguro kung bakit ang Tayong Dalawa is really working is because we work as a team. Every time we do a scene, we work as a team. Every time we get the script, we envision agad na 'eto yung pagkakasunud-sunod, pinag-aaralan namin. So, we work for the show. Kaya siguro nagwo-work, kasi nga hindi pangsarili, para sa lahat," says Cherry Pie Picache.


Aminado ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache na ang role niya sa Tayong Dalawa as Marlene Dionisio-Garcia, ang ina ng kambal na David Garcia Jr. (played by Gerald Anderson and Jake Cuenca) ay ang isa sa pinakamalalim at pinakamabigat na role na ginampanan niya in her career.

"In the last two years, the biggest roles that I've done are Isadora sa Iisa Pa Lamang, tapos itong Marlene sa Tayong Dalawa... Very demanding yung roles. As Marlene, mahirap siya emotionally kasi minsan parang api-apihan siya, tapos may times naman na lumalaban siya. Of course, I'm always very grateful sa ABS-CBN, kay Sir Deo [Endrinal] for giving me the role of Marlene sa Tayong Dalawa. I'm grateful naman kasi tuluy-tuloy ang blessings," masayang pahayag ni Cherry Pie nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving presscon ng Tayong Dalawa, na ginanap last May 29 sa 55 Events Place sa Scout Rallos St., Quezon City.

Ang naturang presscon ay isang pasasalamat sa mga press people na tumulong para maging number one at top-rating ang Tayong Dalawa. Ano ang feeling niya na very successful ang kanilang programa?

"We're overwhelmed and we're very, very happy kami sa cast," sambit niya. "Because from the start, we really committed ourselves for this soap. And we're very, very happy now that the audience is now appreciating it, for making us number one. Parang it paid off. And now, as you can see, we're still committing ourselves na lalo pa naming pag-iigihan at saka ang dami pang sobrang kaabang-abang na eksena."

So, ano pa nga ang aabangan sa Tayong Dalawa?

"Ang dami pa. Kahit kami mismong cast, nagugulat kapag ibinibigay na sa amin nang advance ang script. You know some people nga are asking na kung matatapos na ba? From the start pa naman, sinabi na ni Sir Deo na naka-peg na siya ng kung ilang buwan. So, sinusunod namin 'yon. Kaya ang dami-dami pa talagang mangyayari. At sinisigurado ko sa inyo na hindi namin kayo bibiguin sa mga susunod na mangyayari sa Tayong Dalawa," pahayag ni Cherry Pie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa thanksgiving presscon, sinabi ng aktres na halos lahat ng eksena ay mahirap. Pero sa paningin ng mga manonood ay kayang-kaya naman niyang gampanan nang maayos ang kanyang role. Ano ang masasabi niya rito?

"Yun lang ang dating sa inyo, pero mahirap," sagot niya. "We really work hard on each character. And ang reason siguro kung bakit ang Tayong Dalawa is really working is because we work as a team. Every time we do a scene, we work as a team. Every time we get the script, we envision agad na 'eto yung pagkakasunud-sunod, pinag-aaralan namin. So, we work for the show. Kaya siguro nagwo-work, kasi nga hindi pangsarili, para sa lahat."

WONDERFUL RAPPORT. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho sa kapwa niya mga beterano at award-winning na mga artista? May mga sapawan bang nangyayari?

"You know, it's really a wonderful cast. Parang sinasabi nila na baka magkaroon ng sapawan, pero wala, e. We're really a family. We have respect for each other, give and take. As an actor naman, you really don't work on your own lang, e. Dapat may nakukuha ka at may ibinibigay ka."

Kanino siya naging close sa cast?

"Lahat naman naging ka-close ko, e. Nung simula pa man, okay na kami nina Mylene [Dizon], Agot [Isidro]... Kahit yung mga younger generation, sina Alex [Alessandra de Rossi], Kim [Chiu], tsikahan kami nang tsikahan. Parang ang pinaka-nanay naman namin, sina Tita Helen [Gamboa], Tita Gina [PareƱo]. Lahat kami kapag nagsasama, ang saya-saya.

"Nakikita n'yo kami nina Tita Helen, Agot, Tita Gina na nag-aaway-away. Pero kapag wala na sa camera, ay naku, walang humpay ang tsikahan! Pag nagkikita kami, 'Mars [kumare], musta na?' Ganun kaagad," kuwento ni Cherry Pie.

VOICE PROBLEMS. Kapansin-pansin sa Tayong Dalawa na may mga eksenang halos nawawalan na sila ng boses, lalo na pagkatapos ng sunud-sunod na iyakan. Hindi ba siya nahihirapan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, first time kong ma-experience ito," sabi niya. "You know, we really work hard for the show. We tape thrice a week. We tape many scenes in a day. We work almost 24 hours a day. So, kapag nagkakasunud-sunod, di ba, may iyakan, may sigawan, may awayan... Kung minsan yung placement ng voice mo, minsan nauubos. It needs rest, but you cannot rest kasi nga dire-diretso, e."

Hindi ba siya nagkakaroon ng throat problem or infection dahil dito?

"Siyempre masakit," sabi niya. "But thank God, wala naman. Actually, sinasabi nga ng doktor ko, 'Kung gusto mong hindi mamaos, magpahinga ka.' But we can't afford, di ba? So, yun, ano na lang, alaga na lang. Kapag nasa taping at bigatin ang mga eksena, hindi na lang masyadong nagsasalita. Hindi na rin umiinom ng malamig."

TAYONG DALAWA TO CONQUER ASIA. Ano ang feeling na may mga bansa sa Asya na nagpakita ng interes para maipalabas ang Tayong Dalawa, either with subtitle or dubbed?

"Of course, we're very happy," sambit niya. "Maganda yun not only for Tayong Dalawa but for the whole television industry ng Philippines. We know na somehow, we have been importing a few shows from abroad. But there's no better feeling na imbes na tayo ang mag-import, tayo ang magpapadala doon. It just goes to show na we're really at par, yung talent natin, yung shows natin, yung ginagawa natin.

"Di ba, our recent success sa Cannes [Film Festival], and now sa television, na they would like to get the franchise or yung format. So, nakaka-proud as a Filipino artist. Sana magtuluy-tuloy," pagtatapos ni Cherry Pie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN