Baron Geisler claims he and Yasmien Kurdi have apologized to each other

IMAGE 0


"To tell you honetly, nag-taping na kami and we did a great job. Everything is good. It was peaceful, the taping was peaceful. Diyan sa ayaw niya raw akong makasama sa eksena, I don't know. Basta ako, gaya ng lagi kong sinasabi before pa, I just wanna work," says Baron Geisler about co-star Yasmien Kurdi (inset).


Sa gitna ng kontrobersiyang dulot ng sex-video scandal ni Dr. Hayden Kho, umagaw din sa atensyon ng publiko ang reklamong acts of lasciviousness at unjust vexation ni Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler last week.

Wala pa mang desisyon hinggil sa sexual-harassment case na isinampa ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patricia Martinez kay Baron noong isang taon, heto't nahaharap na naman sa panibagong reklamo ang aktor. Pero sa kabila nito, sinabi ni Baron sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na handa siyang harapin ang mga reklamong ito laban sa kanya.

"Handa naman ako sa lahat," sabi niya. "Regarding sa reklamo ni Yasmien sa akin, I don't know yet because wala pa namang dumarating [na formal complaint]. So, hangga't wala pang dumarating, wala pa akong masasabi. Basta ako, dasal na lang talaga."

Ayon sa report, nangyari ang pambabastos diumano ni Baron kay Yasmien sa taping ng pinagsasamahan nilang programa, ang SRO Cinemaserye Presents Suspetsa. Ayon kay Baron, wala raw siyang ideya kung ano ang pinagbasehan ng reklamo sa kanya ng young actress.

"Nagkukulitan daw, but I believe both parties 'yan e... Bahala na, hihintayin na lang namin kung ano ang mangyayari. Nagkausap na kami. Nag-sorry ako sa kanya, nag-sorry din siya sa akin," saad ni Baron.

Ayon sa balita, isa raw sa hiling ni Yasmien ay huwag silang magsama ni Baron sa isang eksena. Pero ayon sa aktor, katatapos lang ng taping nila ng young actress at naging maayos naman daw ang itinakbo ng lahat.

"To tell you honestly, nag-taping na kami and we did a great job. Everything is good. It was peaceful, the taping was peaceful. Diyan sa ayaw niya raw akong makasama sa eksena, I don't know. Basta ako, gaya ng lagi kong sinasabi before pa, I just wanna work."

MEETING WILLIAM & YAYO. May lumabas namang balita na nakita raw si Baron at ang mga magulang ni Patricia na sina William at Yayo na nagyakapan at nag-usap sa nakaraang birthday party ng ABS-CBN executive na si Ms. Cory Vidanes. Marami tuloy ang nag-isip kung naayos na ang kasong isinampa ni Patricia laban kay Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey naman kami, wala nang problema," sabi ni Baron. "Nagkataon lang na we're getting drinks, tapos magkakatabi kaming lahat. E, ano pa bang gagawin ko, e, di batiin at respetuhin sila? Ang sa akin naman, basta ako, ginawa ko yung part ko na batiin at respetuhin sila, yun lang."

STILL KAPAMILYA. Marami ang nagulat na kasama si Baron sa Suspetsa ng GMA-7. Akala tuloy ng marami ay lumipat na ng network ang aktor, lalo't may balita na co-manager na ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, si Direk Maryo J. de los Reyes.

"I'm still part of Star Magic, pinahiram lang nila ako sa kabila," paglilinaw ni Baron. "Actually, yung lawyer ko ang nag-asikaso. Pero ang alam ko, Star Magic ako all the way. Yung kay Direk Maryo J, inaayos pa namin yun. Ako, I love ABS, dun na ako lumaki, nandun ang utang na loob ko sa kanila."

BARON'S GIRLFRIEND. Sa nakaraang 25th Star Awards for Movies ay kasama ni Baron ang Fil-Australian girlfriend niya na si Rachel Stephenson. Masayang ikinuwento ng aktor na maayos naman ang relasyon nila.

"We're four months already. We planned this na every two months magkikita kami. It's a long-distance affair na ginagawa namin ng paraan. And so far, it's working naman. We communicate through calls, webcam," banggit ni Baron, na nominated for Best Actor para pagganap niya sa Jay; ngunit tinalo siya ni Jericho Rosales para sa Baler.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN