13-year-old girl accuses Aljur Abrenica of committing lascivious acts

IMAGE 0


Young actor Aljur Abrenica faces an acts-of-lasciviousness complaint filed against him by a 13-year-old girl he reportedly met in Puerto Galera last April.


Nahaharap sa reklamong acts of lasciviousness ang young actor na si Aljur Abrenica. Ang reklamo ay isinampa ng isang 13-year-old na dalagita sa National Bureau of Investigation (NBI) kanina, June 2.

Ayon sa report ng 24 Oras kanina, nakasaad sa affidavit ng dalagita ang pambabastos diumano sa kanya ni Aljur, 19, noong Holy Week sa Puerto Galera, kung saan sila nagkakilala.

Ayon naman sa affidavit ng ina ng nagrereklamo, labis daw silang nasaktan sa mga batikos sa kanyang anak pagkatapos itinanggi noong una ni Aljur na kilala niya ang dalagita.

Nakatakdang i-subpoena si Aljur bukas, June 3, para bigyan siya ng pagkakataon na sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Wala pa naman daw natatanggap na kopya ng reklamo ang kampo ni Aljur. Pero tiniyak ng Artist Center, ang talent arm ng GMA-7 na nangangalaga sa career ni Aljur, na aalamin nila ang buong pangyayari. Pag nakatanggap daw sila ng kopya ng reklamo ay agad itong aaksyunan ng kanilang abogado.

Sa naunang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur, na nalathala noong May 7, ay ipinaliwanag niya kung paano sila nagkakilala ng dalagita. (Click here to read related story.)

"Dalawang araw po kami doon [sa Puerto Galera]. Kasama ko po ang barkada kong sina Moymoy Palaboy, at na-meet namin ang barkada nila [ng dalaga]. Ang alam nga namin, mga promodizer [promo girls] sila dahil may ibinebenta silang mga products doon. Dahil maliit lang naman ang Puerto Galera, sa two days na nandoon kami, lagi kaming nagkikita, barkada ko at barkada nila. Pero hanggang doon lang po 'yon," saad ni Aljur.

Itinanggi ng young actor na nagkagusto siya sa dalagita, na sa unang report ay sinasabing "15 years old."

Kaugnay nito, may lumabas ding larawan sa isang tabloid ang dalagita kasama si Aljur, na nagpapatunay diumano na magkasama nga sila noon sa Puerto Galera.

Kinuha rin ng PEP ang panig ng co-manager ni Aljur na si Rommel Gacho. Ngunit gaya ng report ng 24 Oras, sinabi nitong dapat ay sa GMA-7 o sa Artist Center manggaling ang statement at hindi sa kanya. Hindi pa rin daw nila pormal na natatanggap ang reklamo kaya hindi pa rin sila makapagbibigay ng statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Aljur ay produkto ng StarStruck Batch 4, kung saan itinanghal siyang Ultimate Hunk. Kasalukuyan siyang napapanood sa afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin? at sa musical-variety show na SOP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN