Newlyweds Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo face another "pressure": having a baby

IMAGE 0


"After ng pressure sa kasal, ngayon may panibagong pressure na, kung kailan naman daw kami magkaka-baby. Nakakatuwa, nakakaaliw, di ba?" says Judy Ann Santos about having a baby with husband Ryan Agoncillo.


Aminado ang newlyweds na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nakaraos na sila sa pressure tungkol sa kanilang "silent wedding." Pero agad naman daw itong napalitan ng pressure kung kailan sila magkakaanak.

"After ng pressure sa kasal, ngayon may panibagong pressure na, kung kailan naman daw kami magkaka-baby. Nakakatuwa, nakakaaliw, di ba?" natatawang pahayag ni Judy Ann nang ma-interview silang dalawa ni Ryan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilan pang press people sa presscon ng pinagbibidahan nilang sitcom, ang George and Cecil, last Monday, June 1, sa 13th Floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Pero wala pa ba talaga?

"Wala pa!" bulalas ni Juday.

EXCITED TO HAVE A BABY. Sa totoo nga raw ay excited na sina Juday at Ryan na magkaroon ng bagong baby sa pamilya, ng baby brother or sister para sa adopted daughter nilang si Yohan.

"Ang ipokrita ko naman kung sasabihin kong hindi ko pa gustong magkaanak," sabi ni Juday. "Ako kasi, gusto kong lumaki yung bagets na nag-e-enjoy kami na magkasama. Yung kaya ko pang pantayan yung energy ng bata. Kasi siyempre ang energy ng bata kapag nagtatakbo, kailangan nandidiyan ka. At gusto kong ma-enjoy yung part na yun."

Pabirong singit naman ni Ryan, "Gusto n'yo talikod muna kayo? Baka makabuo na kami ngayon na!"

May naisip na ba silang pangalan for the baby?

"Basta ang usapan namin, ako lang yung magluluwal, siya [Ryan] ang magbibigay ng pangalan. Kasi mas magaling siya sa pangalan, e," sabi ni Juday.

Hindi kaya isunod nila ang pangalan ng baby sa alinman sa characters na ginagampanan nila sa George and Cecil?

"Hindi naman," sagot ni Ryan. "Sa ngayon, may type kaming pangalan. Pero magbabago pa 'yan, e. Kaya ayoko munang magsalita about it."

Ano ba ang gusto nila, boy or girl?

"Ako sana, gusto ko kambal na, e, para isang matindi na lang!" natatawang sabi ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAKING A BABY. Obvious sa mukha ni Juday na haping-happy siya sa buhay-may asawa. Biniro tuloy siya ng press kung dahil daw ba ito sa araw-araw siyang "nadidiligan?"

Napatili muna nang malakas si Juday bago nakasagot, "Ay! Meron po kaming malaking pader sa gitna namin na ang pangalan ay Yohan!"

Dagdag naman ni Ryan, "You know the best method of birth control really is a 50-pound condom between mommy and daddy. Dun siya sa amin natutulog hanggang ngayon, kasi ninanamnam ng baby namin yung we're staying under one roof. Gusto niya dun sa amin matutulog. So, yung dilig, para-paraan na lang 'yan!"

Pero paano mangyayari yun kung laging nasa gitna nila si Yohan?

"E, sabi nga ng asawa ko, para-paraan!" natatawang sabi ni Juday.

Sino ang mas madalas mangalabit sa gabi?

"Sige, sige, aakuin ko na!" tawa ng aktres.

So, paano nila nagagawa ni Ryan na maglambingan bilang mag-asawa?

"Pag tulog na si Yohan," sagot ni Juday. "Kami naman kasi, nae-enjoy namin yung gusto ni Yohan na magkakasama kaming tatlo. Kasi finally meron na siyang picture of a family. So, natutuwa kami na gusto niya kaming magkakasama palagi. Nalulungkot siya kapag wala yung isa. There was a time last week na dalawang araw akong straight na nagtrabaho, malungkot, malungkot siya."

Pero ready na ba si Yohan na magkaroon ng kapatid?

"Oh, yeah!" sagot ni Juday. "Nagtatanong siya, every single day 'yan, tinatanong niya kung may lalabas na ba sa tiyan ko. May ganun na siya lagi."

YOHAN GOES TO SCHOOL. Start na ng pasukan ng mga estudyante. Masayang ibinalita ni Juday na kinder na si Yohan ngayong school year.

"Excited kami na papasok na siya sa big school. Malapit lang sa amin yung school."

Ngayong nag-aaral na si Yohan, kailan nila aayusin ang adoption papers niya para maging Agoncillo na ang apelyido ng bata?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa kasi lumalabas yung papers niya na nakapangalan sa akin, e," sabi ni Juday. "Pag lumabas na yun, that's the only time na Ryan can adopt Yohan. So, ngayon, kapag pumasok si Yohan sa school, yung name ko muna yung gagamitin niya. Baka next school year."

EXCITED GRANDPARENTS. Ayon kina Juday at Ryan, marami na raw nangungulit sa kanila kung kailan ba sila magkaka-baby. Unang-una na nga raw excited at nangungulit ang nanay ni Juday na si Mommy Carol.

Kuwento ni Juday, "Actually, nung nasa Batangas kami a day after the wedding, pagkagising na pagkagising namin, tinanong niya kami, 'O ano na ang naganap?' Yun kaagad ang tanong ng nanay ko sa akin, ha! Parang na-disorient ako! Sabi ko, wala. Grabe, pagod na pagod kami, ang sakit-sakit ng paa ko! Tapos ngayon, nagtatanong pa rin si Mommy, 'O ano na, meron na ba?' Sabi ko, 'Wala pa.'"

How about the parents of Ryan, nagtatanong na rin ba sila?

"Nagtatanong na. Kasi tatlo na yung apo nila, kasama si Yohan. Gusto nila boy, e," sabi niya.

ENDORSEMENTS NOT AFFECTED. Naitanong din ng PEP kina Juday at Ryan kung hindi ba apektado ang endorsements nila sa biglaan nilang pagpapakasal?

"Hindi naman," sagot ni Juday. "Pero totoong lahat ng advertisers, nagulat sa wedding, e. Pero ang pinapasalamat namin sa kanilang lahat, at lalo na sa mga boss nila, na they didn't take it against us, especially me. Parang nandun yung ibinigay nila sa akin yung respeto at kaligayahan ko na, 'Oo, naman, anak. Mag-settle down ka na.'"

Paano kapag nagbuntis na siya?

"Sabi nila, maghihintay sila," sabi ng aktres. "At nakakatuwa naman, alam mo yun, kahit after mong magbakasyon, may trabahong naghihintay para sa iyo. Kaya masaya."

Pero meron ba siyang endorsement na nakalagay sa agreement na hindi siya puwedeng magbuntis ngayon or within this year?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman po," napaisip na sabi ni Juday. "Sa pagkakaalam ko, wala. Kasi dun naman sa mga contracts ko na bagong dumating, naka-specify naman dun na hindi dapat bigyan ng limitations when it comes to having a baby or settling down. Kasi naiintindihan naman nila yun. Pag siguro nagkaanak out of wedlock, yun ang hindi okay. Pero pag married naman, hindi naman."

May mga offers na ba na magsama sa isang commercial silang pamilya, along with Yohan or even with their future baby?

"May mga nagpaparamdam," sagot ni Juday. "Pero hindi muna namin iniisip yun kasi pag-uusapan pa namin yun ni Ryan. Hindi naman namin ipagdadamot yung baby. Kaya lang, ayaw naman naming masira yung privacy ng baby, especially kapag bagong labas. Pero ipapakita rin namin."

Ayon naman kay Ryan, "Alam naman natin kung gaano nakakaloka ang showbiz. We don't want to subject our children to that na hindi sila nag-e-express ng willingness. Of course, si Yohan nakita sa wedding, kasi she was part of the whole story. But beyond that siguro, it will not be fair to the children at such an early age."

Ayaw ba ni Yohan na mag-commercial?

"May idea siya na there's TV, there's movies. But yung pilitin siya, hindi yun tama," ani Ryan.

Pero paano kapag gusto niya?

"Yun ang pag-uusapan namin ni Juday," sabi ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN