Heart Evangelista gives her heart a rest after on-off affair with non-showbiz boyfriend

IMAGE 0


"Hindi naman siguro sa na-trauma. Pero I think, this time around, I really learned my lesson. So, I think pahinga na muna for a long time. Right now, I want to focus on me, my family, my work. All about me na muna siguro," says Heart Evangelista.


Zero daw ang lovelife ni Heart Evangelista ngayon. Aminado ang aktres na after ng on- and-off relastionship nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Francisco Delgado, finally ay tuluyan na niyang tinapos ang relasyon niya rito. Pero ayaw nang magbigay pa ng detalye ni Heart tungkol sa kanilang breakup.

Kaya naman nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Heart kahapon, June 3, ay kaagad naming tinanong kung na-trauma ba siya sa pag-ibig dahil sa past relationships na hindi umobra.

"Hindi naman siguro sa na-trauma. Pero I think, this time around, I really learned my lesson. So, I think pahinga na muna for a long time. Right now, I want to focus on me, my family, my work. All about me na muna siguro.

"Kasi siyempre when I get into a relationship, I want to be whole and ready. And sana puwede na akong magmahal and be responsible. And hindi masyadong emotional about the whole thing. Para maging masaya naman ang lahat, di ba?" pahayag ni Heart sa PEP nang ma-interview siya sa presscon ng Sine Novela Presents Ngayon at Kailanman na ginanap kahapon sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

FRIENDS WITH JERICHO AGAIN. Me point ba sa buhay niya na isang ex-boyfriend niya ay naging kaibigan niya?

"It depends. Sinong ex ba yung tinutukoy mo? Yung pinaka-last [Francisco Delgado], I don't think I will be friends with him. But si Jericho, oo, puwede."

So, ibig bang sabihin nito ay nagkaayos na sila ni Jericho?

"Oo, actually, nakapag-usap na kami nang heart to heart. That time, nandito na ako sa GMA. Okay na kami ngayon. Pero hindi yung tipong magkakabalikan na kami."

Patunay raw na okay na sila ni Jericho ang pangungumusta nila sa isa't isa sa text. Tinext din daw ni Heart si Jericho para i-congratulate ito sa pagkapanalo bilang Best Actor sa Star Awards recently.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling niya na noong nagkahiwalay sila ni Jericho ay bumalik ang sigla ng career nila pareho?

"Hindi naman dahil dun yun. Hindi ko naman kailan man inisip na naging pabigat kami sa isa't isa. Siguro what happens lang is hindi kami okay sa family ko noon. And ngayon na okay na ulit ako with my family, everything follows siguro. Kaya okay na rin ang career."

NGAYON AT KAILANMAN. Dahil ayaw na nga munang isipin ni Heart ang tungkol sa kanyang lovelife, mas gusto nga niyang mag-concentrate ngayon sa kanyang career, lalo na nga't dalawang buwan din siyang nagpahinga from showbiz.

Muli ngang nagbabalik sa telebisyon si Heart para gampanan ang mapanghamong role ni Ayra Noche sa Sine Novela Presents Ngayon at Kailanman. Unang ginampanan ni Sharon Cuneta ang role na ito sa movie version noong 1992.

"I hope I can give justice naman sa role ko. I hope I do good," sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN