PEP EXCLUSIVE: Katrina Halili's lawyer prefers to focus on legal battle, ignores "tactics" of Hayden's camp

IMAGE 0


Hayden Kho's camp says Lolit Solis herself admitted that she orchestrated Katrina Halili's statements and conduct on national television. Katrina's lawyer says that allegation is a diversionary tactic.


Matapos makuha ang resulta ng drug test ni Katrina Halili, nagpaunlak ng interview ang legal counsel nito na si Atty. Raymund Palad noong June 2.

Sinabi ni Atty. Palad sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na negatibo ang kanyang kliyente sa anumang trace ng Ecstasy or any other drug sa kanyang urine sample. Wala raw silang balak no'ng una na ipaalam pa ang resulta sa media, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay mas nauna pa raw kay Katrina si Hayden Kho sa PDEA noong Martes kahit wala itong schedule at nagpa-drug test.

Paglabas nila ni Katrina sa PDEA ay naroon na raw ang mga taga-media na nag-aabang kaya ibinigay na rin nila ang certification na nagpapatunay na negatibo si Katrina sa ilegal na droga, at may pirma ito mismo ng officer ng PDEA.

Ayon pa rin sa abogado ni Katrina, bagama't nagtangka ang maraming taga-media na makausap ang kanyang kliyente, hindi nagpa-interview si Katrina. Bilang legal counsel ng young actress, si Atty. Palad ang sumagot sa ilang katanungan.

Mailap si Katrina sa media nitong mga nakaraang araw. Kaya naman, noong humingi ang PEP ng interview sa kanyang manager na si Rommel Gacho, kay Atty. Palad kami idinirekta.

FOCUS ON LEGAL BATTLE. Magmula noong nagpa-interview si Mrs. Irene Kho, ang nanay ni Hayden, at sinabing "scripted" daw ang mga naunang pahayag ng 23-year-old actress at "drama" ang pag-iyak nito, mas piniling manahimik na lamang ng kampo ni Katrina.

"Actually, we will not answer their allegations. Maraming story, kung anu-ano ang nilalabas. We don't want to justify it by answering those things. Kung yun ang ploy nila to discredit or malign us to the public, it's up to the media already. Out muna kami diyan. Basta kami, ang konsentrasyon namin ay sa mga legal battle namin.

"At the end of the day, yung mga ganyang isyu, lalamig din 'yan. Pero yung totoong isyu, the main issue, ang korte pa rin ang magdedesisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala ang legal counsel ni Katrina na ang ginagawa ng kabilang kampo, tulad nga ng pagpapa-interview ni Mrs. Kho, ay "diverting the real issues."

"Actually, noon pa 'yan. They keep on saying that they are not using drugs as a defense and yet, they keep on discussing it on the radio, TV... Baka nga ang mangyari niyan, sa ginagawa nila, tumaas pa ang penalty.

"Hindi mo naman puwedeng sabihin na adik ako kaya nang-abuso ako ng babae. Baka tumaas pa... Ang point dito, ano ang isyu? Let's proceed to the main issue.

"Ang ginagawa, character assassination kay Katrina, kay Omar [Sortijas, Katrina's handler]. Kami, yung legal lang, yung totoong issue. We don't resort dun sa, halimbawa, hindi niya bagay ang dilaw na damit, nakapikit ng nagsasalita, we don't do that."

WILL HAYDEN ADMIT GUILT IN WRITING? Tinanong din namin si Atty. Palad tungkol sa mga kaganapan ng ipinaglalaban ni Katrina na bunsod ng mga sex videos ni Hayden.

"Yung revocation of professional license, ika-15th day niya [Hayden] sa June 6 to file for affidavit or any concerns sa PRC [Professional Regulation Commission]. We will find out if he will confess that what he was doing, yung pagse-sex video is morally and legally wrong.

"Ini-admit niya yun sa Senate at willing siyang pagbayaran kung anuman ang itadhana sa kanya ng batas, so let's see kung ire-reflect niya yun talaga sa writing, di ba?

"Let's see kung totoo talaga siya na ina-admit niya na mali siya. And let the PRC decide kung fit talaga siya to practice his medicine. Kung on cam, yun ang sinasabi niya, so, dapat it's the same pagdating sa writing, sa affidavit.

"May isang interview si Atty. [Lorna] Kapunan na sinabi niyang, parang ang sinabi niya, they will no longer contest... Hindi ko na matandaan kung saan yun, kung sa radio or what." (Si Atty. Kapunan ang legal counsel ni Hayden).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos daw ng ginanap na Senate hearing, hindi pa niya alam kung kailan ang kasunod nito, pero ang nais ng kampo nila ay maipasa na yung Senate bill.

"No idea sa Senate hearing. Pero with regard to Senate, naibigay na namin ang duties namin. So, sa ngayon, we don't expect na ipapatawag pa kami. So, siguro hindi na, wala na yun. Tapos na yung Senate hearing. Hopefully, maipasa na yung Senate bill."

Dugtong pa ng legal counsel ng StarStruck Batch 1 Avenger, "Ang positive effect, I think, they have passed na, yung Congress, ng anti-voyeurism. So, ang maganda dito, sa ipinaglalaban din ni Katrina, gumagalaw na yung House. Positive that both House ng Congress at Senado ay gumagalaw. Hopefully, makaandar na ngang talaga."

ANOTHER LIBEL SUIT. Kinumpirma rin ni Atty. Palad na nakapag-file na rin sila ng libel complaint laban sa ina ni Hayden, na inakusahan si Katrina na siyang "naglulong sa droga" kay Hayden. Maging si Omar ang binanggit ni Mrs. Kho na "supplier" ng ipinagbabawal na gamot.

"The case was raffled na sa isang private prosecutor's office sa Quezon City. It's with two counts of libel against the mother of Hayden and we're planning to file for another complaint sa nanay. This time, si Omar naman ang magpa-file dahil sa statement niyang si Omar ay nagtutulak ng droga. Yung libel complaint ay ipa-file sa Cavite kung saan dun naman residente si Omar."

Pero habang ginagawa namin ang artikulong ito ay nakatanggap kami ng text message mula mismo sa legal counsel ni Katrina. Ang sabi nito: "Nag-file na kami ng libel complaint sa Cavite versus Irene Kho. Si Omar Sortijas, road manager ni Katrina ang complainant. Nagpa-drug test na rin si Omar sa PDEA kaninang 3:30 ng hapon."

Sa tinatakbo ng isyu between Hayden and Katrina, nadamay na rin ang pangalan ng talent manager na si Lolit Solis. Sa pahayag ni Mrs. Kho, lumabas ang anggulong tinuruan daw ng Startalk host si Katrina kung ano ang sasabihin at gagawin kapag kaharap ang press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung tungkol dun, out kami run," paunang salita ni Atty. Palad. "Yung tinuruan...we met Lolit after naming mag-file ng mga kaso. I think, that was May 22. Fifteen minutes lang halos sa Annabel's restaurant [on Tomas Morato]. When we learned na darating daw si Dra. Vicki Belo, umalis na rin kami agad.

"Actually, hindi naman si Lolit ang ka-meeting namin sa Annabel's, si Senator Bong Revilla, nandoon siya."

Diretso na namin siyang tinanong kung may kinalaman nga ba si Lolit sa mga pahayag at kilos ni Katrina.

"That meeting was attended by 15 persons. How come Lolit can teach Katrina? Paano niya tuturuan ng ganoon? Nandoon din kaming mga lawyers niya. Pero kami kasi, ang stand namin diyan is huwag nang idamay si Lolit sa case ni Katrina. Hindi kami dinidiktahan. Hindi kami nakikipag-coordinate sa kanya.

"We respect her position sa mga isyu ni Hayden, ng nanay ni Hayden. Pero alam mo yun, ayaw naman namin ng kaaway. Unfair naman na isali pa siya sa isyung ito."

KATRINA IN HIATUS. Sa huli, tinanong din namin si Atty. Palad kung kumusta na si Katrina ngayon. Ilang linggo na rin simula nang sumabog ang "Hayden camera" scandal and since then, less visible na si Katrina sa showbiz. Ang huling panayam sa kanya ng media ay noong nagtungo siya sa NBI.

"Actually, 'ayun nga, lumitaw na si Katrina sa PDEA and I advised her to stay away muna sa mga activities din. We canceled yung Bench Fashion show. Meron din sana siya sa Tagaytay.

"Nasa bahay lang si Katrina. Hopefully, by the third week of June, baka lumitaw-litaw na rin siya. Anyway, nai-file na naman ang mga complaints, maghihintay na lang.

"Life has to move on. We're just thinking lang kung paano siya makakabalik sa normal. Hindi mo pa alam kung ano na ang magiging pag-accept ng mga tao. But of course, we're very overwhelmed sa suporta ng taong ibinibigay sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-improve na ba ang disposition ng kanyang kliyente kumpara noong mas bago-bago pa lang ang isyu?

"Ang palagi naman niyang kasama ay ang family niya. Kami, halos every day rin nagkikita, nagkakasama, nagmi-meeting sa bahay nila. Kapag kami naman ang kasama niya, napapatawa rin namin."

Itinanggi rin ni Atty. Palad ang kumakalat na balitang kesyo nag-attempt daw na mag-suicide ang actress.

"Text jokes lang yung mga yun. Never na naisip ni Katrina na gawin yun, ang mag-suicide. Katrina is a very strong person. Give her time, naniniwala akong makakabawi rin siya sa lahat ng ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN