Ngayon at Kailanman star Heart Evangelista is pressured by high rating of Dapat Ka Bang Mahalin?

IMAGE 0


"Actually, ang pressure is with Dapat Ka Bang Mahalin? [soap of Aljur Abrenica and Kris Bernal], kasi siyempre, ang taas ng ratings nila na parang pang-primetime na. I think, that's more of the pressure that I feel or we feel at the moment. So, I feel parang nagkaroon ng standard na nagte-30 plus ang rating ng non-prime. So, nandun yung pressure kung maaabot din ba namin ito. That's it," says Heart Evangelista.


Mula sa pagiging bida sa primetime series na Luna Mystika, na hindi maitatangging nagtala ng napakataas na ratings, mapapanood naman ngayon si Heart Evangelista sa afternoon soap ng GMA-7 na Ngayon at Kailanman. Makakatambal ni Heart dito sa kauna-unahang pagkakataon si JC de Vera.

Naniniwala ang aktres na isa na naman itong panibagong pressure para sa kanya.

"Actually, ang pressure is with Dapat Ka Bang Mahalin? [soap of Aljur Abrenica and Kris Bernal], kasi siyempre, ang taas ng ratings nila na parang pang-primetime na. I think, that's more of the pressure that I feel or we feel at the moment. So, I feel parang nagkaroon ng standard na nagte-30 plus ang rating ng non-prime. So, nandun yung pressure kung maaabot din ba namin ito. That's it.

"Pero when it comes to acting na ginawa namin sa primetime na soap at sa afternoon soap, I think it's different, e. Para sa akin, mas nae-excite ako na panghapon ako. Kasi, it's a different crowd. Para siyang sandbox na puwede kang maglaro at talagang nag-i-improve. Para siyang isang malaking workshop," pahayag ni Heart nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ngayon at Kailanman kahapon, June 3, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato.

Agree rin si Heart na ang ginagawa nila sa Ngayon at Kailanman ay pang-primetime.

"Location pa lang, ang ganda-ganda na ng location, everything!" bulalas niya. "The way it's directed, it's so nice. In a way, I find comfort in that para hindi ako ma-pressure. Magandang produkto yung ginagawa namin, yung kini-create nila Direk. So, confident naman ako na magugustuhan ng viewers."

Nagkaroon ng impression na dahil sa naging isyu between her manager, Annabelle Rama, and GMA-7's SVP for Entertainment TV, Ms. Wilma Galvante—hindi raw type ni Heart na gumawa ng afternoon series. Nakatakda sanang gawin noon ni Heart ang TV remake ng Muling Buksan ang Puso, kung saan makakatambal niya sana si Dennis Trillo. Pero tinanggihan ito ng manager ni Heart kaya hindi natuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagbago na ba ang pananaw ng kampo ni Heart ngayon dahil tinanggap nila ang Ngayon at Kailanman, na isa ring pang-hapong programa?

"Masaya nga ang pang-hapon," sabi ni Heart. "Kasi, less pressure yung time. Twice a week lang kami [nagte-taping]. At saka, the staff, hindi sila ngarag...before airing or anything. Plus, yung mga na-in love naman sa amin [ni JC] sa Lalola at Luna Mystika, sana rin, maabutan ninyo at mapanood ninyo ang show namin."

To clear the issue, sinasabi niya ba na ayaw niyang gumawa ng afternoon series?

"Hindi, hindi... Hindi totoo yun," sagot ni Heart.

TEAM-UP WITH JC. Seeing Heart and JC together, hindi maikakailang may chemistry sila at bagay naman sila physically. Not to mention, halos magkasing-age lang sila at naging schoolmates pa nga sila noon sa elementary.

Hindi rin itinanggi ni JC na kahit pareho na silang artista ni Heart at iisa ang manager nila, nai-starstruck pa rin daw siya sa dalaga. Pero sinabi rin ni JC na siguro lang daw sa ngayon, trabaho muna ang focus nila, na sinegundahan naman ni Heart.

"But at the moment, ako rin, I'm not also ready, I guess," sabi ni Heart. "Hindi naman sa bina-block ko ang lahat ng lalaki sa buhay ko. But, at this moment in time, I think, I'd like to concentrate on myself and what I want."

"Everything Heart wants, Heart will get! I'm selfish now!" natatawa niyang sabi.

Hindi rin daw siya nakikipag-date sa ngayon.

"I don't want to date. I think, I'd like to concentrate on work now. You know, my family, my parents... Admirers okay, but suitors, give me more time."

Itinanggi rin ni Heart ang nakarating sa aming balita na nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niya na si Francsico Delgado.

"That's not true, nag-break na kami. Nagkabalikan for a while, pero wala na talaga," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung magkagusto sa kanya si JC at ligawan siya nito?

"Well, you know, ako lang naman... Well, siyempre, deep down inside, there's a heart of mine. Of course, you're hoping that you'll get to meet someone along the way that will sweep you off your feet and change the way you think sa situation. So, who knows?" nakangiti niyang sabi.

Patuloy niya, "If I'll enter a relationship, I wanna be whole, ready para puwede na kong magmahal and be responsible. Hindi maging masyadong emosyunal about the whole thing. That's what I want para naman maging masaya lahat, di ba?"

Nang tanungin si JC kung ano ang pinaka-gusto niya kay Heart physically, ang lips at nose ni Heart ang naging sagot nito. Nang si Heart naman ang tanungin kung ano ang gusto niyang parte ng katawan ni JC, halatang nag-blush ang binata dahil sa sagot ni Heart.

"His whole face!" sabi ni Heart. "I'm sure, marami ang mag-a-agree na guwapo talaga si JC. Ako, feeling ko, wala siyang kamukha dito sa Pilipinas. Ako, feeling ko talaga, Brad Pitt siya... Kasi, noong time na yun, nakita ko siya sa school, uso pa ang Interview With the Vampire, so sobrang siya yung nakikita kong Brad Pitt, and that's true."

What about sa ugali?

"Wala siyang star complex or anything. He can sit down with the staff and anyone nang pantay-pantay, and I like that. I don't like people yung, 'Masyadong sikat ako, ipapakita ko na sikat ako.'"

THE CONFLICT. Hindi rin naman kaila na sa lahat ng talents ni Annabelle Rama, sina Heart at JC ang pinaka-naiipit sa away sa pagitan ng kanilang manager at ni Ms. Galvante. Sa palagay ba ni Heart ay may epekto kung anuman ang hidwaang namamagitan kina Annabelle at Ms. Wilma?

"I don't think so," sagot ng aktres. "You know, we're all professionals, I guess in our own way. I think, it's always like that. There's always gonna be conflict. There's always concern with this party and concern of the other party. It's a business... Although sometimes, we tend to look at the celebrity na parang good time lang, nagpapa-star or whatever. It's really a business and their contract and there are things that need to be discussed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, it's normal that sometimes, you don't agree with certain things. But after a while, the things will be settled and we'll go back to where we are. I don't think it's a problem, especially now we're all here. GMA is full support. We have a new show. I think, we'll all be okay."

Kung sakali at mag-end na ang contract niya sa GMA-7, mananatili ba siyang Kapuso?

"You know, I love GMA. And at this point, at this moment, I'm really good with them. They are taking care of me. They have plans for me. As of the moment, there's no plans for moving. Happy ako. Happy ako," sabi niya.

Wala rin daw offer sa kanya ang dati niyang home network, ang ABS-CBN.

STAIRWAY TO HEAVEN. Naitanong din ng PEP kay Heart kung ano ang reaksiyon niya na isa siya among the Kapuso actresses na pinagpipilian upang itambal kay Dingdong Dantes sa TV remake ng Koreanovela na Stairway to Heaven.

"Well, it will all boil down to one thing: yung agreement nga ng dalawang parties. But for me, it's always a pleasure working with successful, achiever... And Dingdong is definitely one of them. So, it's always nice na may opening or whatever.

"Like with Richard [Gutierrez], when I work with Richard, I mean, I was very flattered. Now that I'm working with JC de Vera, sobrang wow!" natatawa niyang sabi na tila binibiro ang bagong leading man.

Pero nag-lecture si Heart kay JC habang nakangiti dahil may image daw ang young actor na nahuhulog lagi sa mga nagiging leading ladies nito.

"Ay naku, hindi dapat ganoon ang attitude na nagpu-fall ka sa mga ka-partner mo," sabi ni Heart kay JC. "You know, that's not good. Kailangan kapag na-fall ka, talagang fall ka. Hindi kailangan na porke't na-develop lang, 'no! Masakit yung ganyan!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit naman ni JC, parang may pinanggalingan daw yung mga sinabi ni Heart.

Pero sagot ni Heart: "No! It's natural lang naman kasi sa artista, hello! Kapag normal na tao naman, hindi ka naman gumagawa ng kissing scene. But when you do kissing scene, because it's work. Pero sometimes, dahil masyado kayong sweet sa isa't isa, kinikilig, nade-develop 'yan. Pero, you know, sometimes it's an illusion kaya dapat pinag-iisipan ang mga bagay-bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN