JC de Vera is out to prove his worth again as a Kapuso star

IMAGE 0


"Parang manggagaling ako from scratch na kailangan ko pang i-work out yung sarili ko sa iba. Lalo na sa mga fans na nawala dahil nga sa nangyari. Yun nga, may sarili silang opinion. So, I'm sure, nawala sila and dahil doon sa away, nagkaroon din ako ng negative image. So, ngayon, start from scratch ako. Kailangan ko ulit patunayan ang sarili ko. Tapos, ang hirap gumalaw kasi konting mali mo lang, nagiging malaking bagay," says JC de Vera about his current statu


Hindi maiwasang magkaroon ng image ang young actor na si JC de Vera na nali-link sa nagiging leading ladies niya. Pero si JC na mismo ang nagsabi na this time, with Heart Evangelista as his new leading lady in the upcoming afternoon soap Ngayon at Kailanman, pareho raw sila ng mindset na trabaho lang talaga ang atupagin.

O, baka naman naiisip niya, hindi niya kaya si Heart?

"Ah, hindi, hindi," sambit ni JC. "Sa ngayon, sasabihin ko talaga with Heart na pareho kaming nanggaling sa isang situation. Pareho kaming na-involve doon sa away.

"So, sa ngayon, wala talaga akong naiisip kundi i-prove ang sarili ko. Wala akong ibang balak... Hindi naman balak kundi ang gusto ko lang talaga ngayon ay patunayan ang sarili ko na ito ang pinaghihirapan ko na work. Ito yung pinaghihirapan ko sa pag-arte. Yun lang talaga ang nasa isip ko at ayoko nang mag-isip ng iba pa talaga."

Ang tinutukoy na "away" ni JC ay ang hidwaan sa pagitan ng manager niyang si Annabelle Rama at ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, kung saan nasangkot din siya.

THE "STORM." During the question-and-answer portion sa presscon ng Ngayon at Kailanman kahapon, June 3, hindi ikinaila ni JC na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang "storm" na pinagdadaanan niya kaugnay ng alitan sa pagitan ng kanyang manager at ng lady executive. Pero sa kabila nito, JC wants to look at the brighter side.

Aware din daw siya na dahil sa pangyayaring yun, nagkaroon ng iba't ibang impression ang publiko sa kanya. Tanggap din daw niya na ang ilan ay hindi talaga maganda.

"Nagkaroon talaga, nagkaroon talaga [ng bad impression]. Hindi mo naman maiiwasan yun, kasi halos lahat naman ng tao, hindi naman alam din kung ano ang nangyari at kung ano ang pinagmulan. So, may kanya-kanya silang opinion dun. Pero tinatanggap ko rin naman yun. Kasi siyempre, opinion yun ng ibang tao. Wala ka rin namang magagawa kung masabihan ka ng masama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, ako, alam ko rin naman ang totoo. So, okey lang ako. Hindi naman ako naba-bother talaga. Pero yun nga, yun nga lang yung nangyari, medyo nagkakaroon lang ng strain. Parang napipilay. Kasi nga, may problema sa mga executives at fresh pa siya," saad niya.

Hindi pa rin daw nagkakaroon ng chance na magkita o magkasalubong sila ni Ma'am Wilma. Pero kung sakali raw magkita sila, "Babatiin ko."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC kung napi-feel niya ba na may nabago rin sa treatment sa kanya ng mga bosses nila sa network pagkatapos ng nangyari.

"Well, nandito si Ms. Lilybeth Rasonable [VP for Entertainment TV]. Nandiyan si Ms. Redygn [Alba, senior program manager]... Ang hindi ko pa lang nakakausap, si Ma'am Wilma lang. Siya pa lang ang hindi ko nakikita," sabi ni JC.

NO REGRETS. Ang dalawang buwan na halos wala siyang regular show ay nagamit naman niya para ma-enjoy ang ilang bagay na hindi na niya nagagawa noong naging sunod-sunod ang trabaho niya, like having quality time with his family, naka-bonding niyang muli ang mga non-showbiz friends niya—na ayon kay JC ay mga bagong graduate sa college—at nakapag-basketball siyang muli.

But looking back, may regrets ba siya sa mga nangyari, sa nasabi niya, o maging ang naging pag-iyak niya?

"No, kasi may reason naman kung bakit nangyari yun," sabi ni JC. "May reason si Tita Annabelle kung bakit niya ako pinull-out. And may reason din naman sila Ma'am Wilma para magdemanda.

"Ako naman, may sarili akong rason kung bakit ako napaiyak. Kung bakit ako na-frustrate. Kung bakit ako nagsalita rin against them. So, may reason din naman lahat. At sa lahat ng mga nangyari, hindi ako na-bother dahil lahat naman ng support na kailangan ko, nakuha ko—from my family, my friends, at lalung-lalo na kay Tita [Annabelle].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ni isang beses, hindi ako nag-doubt sa kanya dahil pinatunayan niya sa akin na kaya niya akong ipagtanggol. Kaya niya akong ipaglaban. Okey lang sa akin ngayon. Hanggang ngayon naman, sinusuportahan pa rin nila ako. And si Tita Annabelle, yung support niya for us, sa amin ni Heart, nandoon pa rin."

Nararamdaman pa rin ba niya that he still holds the same place in the network?

"Honestly? No. Ewan ko, hindi ko lang alam. Ayoko lang mag-isip na baka hindi na ako gawing lead ulit sa prime. O, after ba nito, maganda ba ang project na kasunod nito. Hindi na ako nag-iisip ng kahit na ano.

"Kung ano ang meron ako ngayon, halimbawa, itong show na ito, thankful na ako dun. Kasi, for me, ngayon, nasa ano ako, e, parang manggagaling ako from scratch na kailangan ko pang i-work out yung sarili ko sa iba. Lalo na sa mga fans na nawala dahil nga sa nangyari. Yun nga, may sarili silang opinion. So, I'm sure, nawala sila and dahil doon sa away, nagkaroon din ako ng negative image. So, ngayon, start from scratch ako. Kailangan ko ulit patunayan ang sarili ko. Tapos, ang hirap gumalaw kasi konting mali mo lang, nagiging malaking bagay."

STILL A LOYAL KAPUSO. But when it comes to his loyalty to the Kapuso network, masasabi raw niyang walang nabago rito. In fact, given the chance after his contract ends, mas gusto pa rin daw niyang manatiling Kapuso hangga't maaari.

"Sa loyalty, narinig naman nila na galing sa akin na ayokong lumipat. I'm still hoping na yung mga bagay na nangyari, maayos pa. Sinabi ko na rin yun noong nagpa-presscon si Tita Annabelle tungkol sa mga away-away.

"Sinabi ko rin na kung bibigyan pa rin ako ng chance na mag-stay sa GMA, mag-stay pa rin ako sa GMA no matter what, yung ganoon. So, I'm sure, alam din naman ng iba kung ano ang napi-feel ko regarding sa isyu na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, since siya ang nagsabing he feels na nandiyan pa rin ang "storm," kailan naman kaya niya makikitang sisilaw na ang rainbow o ang araw sa isyung kinasangkutan niya?

"Depende...depende sa network," maikli niyang tugon.

May paraan ba siyang ginagawa?

"Ako, wala akong ginagawang way. The only thing I do is to work hard and to be serious about my craft. Ngayon, kung dito sa show na ito, hindi ko inayos or hindi ko sineryoso, malaking bagay yun para sa akin.

"Kumbaga, ito na nga yung para sa akin, make or break 'to. Hindi ba, matagal na nga akong napahinga, tapos binigyan ako ng magandang show, tapos babalewalain ko? So, mas malaking bagay. 'Yang storm na 'yan, time na lang siguro...maghi-heal din siya," pagtatapos ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN