Katya Santos and Maui Taylor discover their talent in culinary arts

IMAGE 0


Katya Santos and Maui Taylor know how hard it is to maintain a career in showbiz, so they've started looking at other career options as early as now.


Marami na ngayon ang nahihilig sa pag-aaral ng culinary arts. Ilan nga sa mga showbiz celebrities—tulad nina Judy Ann Santos, Beth Tamayo, Danica Sotto-Pingris, Sunshine Dizon, Aya Medel, Sylvia Sanchez, Angelica Panganiban, Cristine Reyes at Janice de Belen—ay kumuha ng kurso sa mga kilalang culinary schools dito sa Pilipinas.

Ngayon ay mapapabilang na ang mga sexy stars na sina Maui Taylor at Katya Santos na kapwa nakatapos ng isang crash course sa magbubukas pa lang na culinary arts school, ang Moderne Culinaire Academy.

Inimbitahan nina Maui at Katya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na saksihan ang pagbibigay sa kanila ng certificate bilang patunay na nakatapos sila ng isang mabilisang kurso sa MCA last Saturday, June 6, sa Antipolo City.

Ayon sa dalawa, sinubukan lang muna nila ang five-day crash course mula sa MCA. Kung magugustuhan nila ay kukuha sila ng isang mas mahabang kurso in culinary arts. Natuwa naman sila sa kanilang experience.

Kuwento ni Katya, "Sa totoo lang, nag-enjoy kami ni Maui, kaya itutuloy namin ang pag-aaral namin ng culinary arts sa MCA kapag nag-open ito sa September ng taong ito.

"Marunong na akong magluto pero mas marami pa akong gustong matutunan kaya tuluy-tuloy na ito. Ako ang nag-encourage kay Maui na subukan lang namin kahit sa crash course lang. If we like it, ituloy namin. Kung hindi, at least nasubukan namin."

First time naman ni Maui na maging abala sa kusina. Aminado itong wala siyang pakialam dati sa pagluluto, pero nagbago ang lahat ngayong nadiskubre niya na masaya naman pala ito.

Aniya, "I never thought na I would enjoy it. Noong una, hesitant pa ako kasi hindi nga ako marunong magluto talaga. Hindi ako nakikialam sa kusina. Hindi ko alam kung ano ang mga ginagamit doon at takot akong matilamsikan ng mantika.

"But this experience is something else. Para sa tulad na first time lang na magbutingting sa kusina, na-find out ko na masarap pala magluto. Masarap mag-experiment on what you are preparing. Marami akong nalaman about the kitchen. It's not just a place to prepare food but a place where you can be creative as well."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COOKFEST. Bukod sa kanilang graduation rites ay nagkaroon pa ng cooking competition sina Maui at Katya. Pinaghanda sila ng isang seven-course meal at may kanya-kanya silang nakatoka na specialty. Ang mga umupong judges ay mula sa iba't ibang culinary arts school at isang taga-entertainment business, ang showbiz columnist na si Rey Pumaloy.

Ang seven-course meal na inihanda nina Maui at Katya ay appetizer (starter trio: minced pork in lettuce); salad (beef carpaccio); soup (clam chowder); main course 1 (seared codfish with spinach fettuccine in pureed scallops); intermezzo (mango, lemon and watermelon sherbet); main course 2 (wagyu beef and parmesan cheese risotto); and dessert (sinful buns ala mode).

Kapwa naging abala sa kusina ang dalawang batchmates sa Viva Hot Babes nang dumating kami sa venue. Nakakaaliw dahil seryoso ang dalawa sa kanilang ginagawang mga putahe. Mula sa pagluluto hanggang sa presentation ng mga ito sa plato ay kinarir talaga ng dalawa. May kanya-kanya silang moment sa pag-i-explain kung anong ingredients ang ginamit nila at kung paano nila ito inihanda.

Sa naging resulta ng mga hurado, nakakuha ng mas mataas na puntos si Katya kaysa kay Maui.

Tuwang-tuwa si Katya dahil napatunayan niyang may talent din siya sa pagluluto.

Aniya, "Natuwa naman ako siyempre, kasi nga, hindi naman madali ang mga na-prepare namin ni Maui. Pinag-isipan namin nang husto ang mga dishes na inihanda namin. But, of course, with the help of MCA's head na si Chef Dino Guingona, malaking tulong siya sa aming dalawa ni Maui.

"At ang nadagdag na hirap pa ay may budget na binigay sa aming dalawa. So, we need to come up with a delicious seven-course meal na pasok sa budget na binigay nila sa amin. Hindi kalakihan ang budget pero nagawan namin ng paraan talaga.

"Masaya rin ako for Maui kasi nakita ko naman na she enjoyed herself sa pinasok naming ito. And nakita ko na may talent din pala siya sa pagluluto. Dahil nga sa experience naming ito, we are planning to go on with the course. Mas lalawakan pa namin ang knowledge namin sa culinary arts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Expected naman ni Maui na si Katya ang mananalo dahil mas marami itong alam sa kusina. Pero ikinatuwa ng dalaga ang comments ng ilang judges dahil sa kakaibang lasa ng kanyang mga niluto.

Ang masaya niyang nabanggit, "For a first-timer, nakakatuwa naman ang mga sinabi ng ilang judges sa dish na pinatikim ko. Bago raw sa panlasa nila. Doon na lang, parang sulit na ang pagod namin ni Katya sa kusina.

"Kami kasi ni Katya, mahilig kaming kumain sa mga mamahaling restaurants. Lagi naming iniisip kung paano ba nila pine-prepare ang mga pagkain nila. So doon nabuo ang idea na pumasok kami sa isang culinary arts school. Si Katya talaga nag-invite sa akin and I took it as a challenge. Hindi inasahan na mag-enjoy pala ako."

RESTO BUSINESS. Balak magtayo ng isang restaurant business ang dalawa at tampok sa kanilang menu ang mga specialty dishes nila. Pero matagal pa raw iyon at marami pa silang gustong mapag-aralan.

"Yun naman ang gusto namin ni Maui balang-araw. Paunti-unti muna. May mga gusto pa kaming mapag-aralan. After ng pagluluto, ang pagtayo naman ng business ang susunod. Step by step ang lahat para mas maayos," ang sabi ng dating child actress.

Agree naman si Maui sa sinabi ni Katya, "Hindi madali rin magtayo ng business ngayon. Marami kang iko-consider din, e, kaya we are taking it one step at a time. Mahirap na yung pinasok mo tapos malulugi. Kaya tamang vibes lahat."

Aminado sina Maui at Katya na hindi na nga kasing-bongga ang career nila tulad noong nagsimula sila bilang mga sex sirens ng Viva Films.

Kapwa nagsimula bilang mga teen actresses ang dalawa. Si Katya sa Ang TV ng ABS-CBN 2, at si Maui naman ay sa Anna Karenina ng GMA7. From pa-tweetums role, gumawa ng mga daring roles ang dalawa sa Viva Films—Maui in Gamitan and Katya in Sukdulan—pero nang lumaon, nabawasan ang kanilang projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Honestly speaking, nakakalungkot ding isipin na wala nang halos na mga big movies na ginagawa. Masuwerte nga kami ni Maui dahil naranasan naming makagawa ng mga big-budgeted movies. Ngayon talagang pahirapan na at puro mga indie movies na lang ang napo-produce.

"May mga bookings pa rin naman kami ni Maui to do shows sa mga probinsiya at even abroad. Pero iba pa rin noon, di ba? Sunud-sunod ang mga malalaking movies at kumikita halos lahat. Ngayon kasi, ang TV na ang pinaka-bread and butter ng mga artista ngayon. Kung wala kang TV show, hindi ka na makikilala.

"Kaya it's better na ngang may iba kaming pinagkakaabalahan ni Maui. Tulad nga nitong pag-take up namin ng culinary arts. Makakatulong sa amin ito balang-araw kapag wala na talagang work para sa amin sa showbiz," ang mahabang pahayag ni Katya.

For Maui's part, matagal na raw niyang napaghandaan ang ganitong sitwasyon sa showbiz, kaya habang may mga kumukuha pa sa kanyang mag-show sa mga probinsiya at ibang bansa ay tinatanggap niya.

"In fairness naman sa amin ni Katya, may mga out-of-town shows pa rin kaming ginagawa. Madalas kasi magkasama kaming dalawa. We also get guestings sa mga TV shows. Yung movies lang talaga ang nawala kaya every chance we get na mag-show, kahit sa mga malalayong lugar, tinatanggap namin.

"Ako naman, na-foresee ko na ang ganitong pangyayari sa showbiz. Marami na ngang new faces na dumarating every year. Hindi na kami magtataka ni Katya kung one day ay mother roles na ang ibigay sa amin. Hindi imposible, e.

"So habang may mga kumukuha pa sa amin for shows here or abroad, sige lang. Baka kasi hindi na maulit kaya, tanggap lang kami nang tanggap.

"And it's a blessing na rin na we discovered our talents in the culinary arts. Malaking tulong sa amin iyan balang araw, if we finally decide to put up our own restaurant business. Alam naman namin na ang mga friends namin sa showbiz ay susuportahan ang magiging business namin ni Katya kapag nag-materialize na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN