Giselle Sanchez gives birth to her second child

IMAGE 0


"Ang saya-saya ko! May baby boy na kami ni Emil! May kapatid na si Gisela! We're a complete family na!" beams Giselle Sanchez.


Ipinanganak na ng comedienne na si Giselle Sanchez ang kanyang second baby kaninang madaling-araw, June 4, sa UERM Hospital sa Manila.

Isang healthy baby boy ang iniluwal ni Giselle. Nandoon ang kanyang mister na si Emil Buencamino sa delivery room kung saan na-video niya ang lahat ng pangyayari. Mula sa pagle-labor ni Giselle at sa panganganak ay documented ng mister ni Giselle.

"'Yan ang maipagmamalaki kong video ko! Pero walang sex!" pagpapatawa ni Giselle nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang panganganak.

Hindi mapigilan ni Giselle ang kanyang kasiyahan nang makita na niya ang kanyang baby boy, na ilang oras din niyang hinintay bago niya ito nilabas ng isang irihan lang.

"Ang saya-saya ko! May baby boy na kami ni Emil! May kapatid na si Gisela! We're a complete family na!" naluluhang pahayag niya.

Around 10 p.m. ng June 3 nang may magbalita sa PEP na nasa UERM na si Giselle at anytime daw ay manganganak na siya. Pinuntahan namin ang comedienne sa kanyang kuwarto at naghihintay na lang ng takdang oras kung kailan siya ipapasok na sa delivery room.

Normal delivery ang gusto ni Giselle, kaya hindi siya nagpapaturok ng anaesthesia.

"Ayokong nakadroga ako," sabi niya. "Baka mabangag din ang baby ko. Kaya no to drugs. Gusto ko normal process. Tulad nang ginawa ko sa panganay naming si Gisela, talagang iri-to-death ako! We have been taking up Lamaze classes [childbirth technique] kaya it would be easier for me to breathe and deliver the baby. Unlike noong una ko, talagang super push ako at feel na feel ko ang sakit.

"With this second baby, okey lang ang feeling ko. Hindi ko nga alam na nagle-labor na pala ako, kasi I am not due until second week of June. Heto, napaaga at nalaman ko na lang na 5 cm na pala ako! E, nag-gym pa naman ako, e, manganganak na pala ako!" natatawang kuwento ni Giselle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kakaibang ginawa pa ni Giselle ay nagpa-parlor pa raw muna siya bago dumiretso sa ospital. Gusto raw niyang maayos ang hitsura niya kapag nanganak siya.

"Oo naman! Gusto ko pretty pa rin ako. At least may pilik-mata ako, eye shadow at lipstick! Ayoko namang nakakatakot ang face ko kapag umiiri ako! I need to still be pretty for the camera!" malakas na tawa niya.

Around 1 a.m. na noong dalhin si Giselle sa delivery room at hinintay ang tamang oras kung kailan puwede na niyang i-push palabas ang kanyang baby. Between the hours of 2 a.m. and 3 a.m. ay nagbigay ng one big push si Giselle at mabilis na lumabas ang bagong addition sa pamilya nila.

Tuwang-tuwa raw ang mister ni Giselle dahil may matatawag na itong Emil Junior.

At press time, pinag-iisipan pa ng mag-asawang Giselle at Emil kung ano ang magiging full name ng kanilang baby boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN