PART 1: Jolina Magdangal does bed scene for the first time with Marvin Agustin in Adik Sa 'Yo

IMAGE 0


"Naiintindihan naman nila kung saan ako nanggagaling. Kasi siyempre, after 20 years in show business, ngayon ko lang ito gagawin. Dati talaga, kahit daya ng kiss, wala, e. So, ngayon lang talaga. Inalagaan naman ako ni Marvin. At saka ang tanda ko na. Hello, 30 [years old]!" says Jolina Magdangal about her bed scene with Marvin Agustin.


Bukod sa weekly show na Dear Friend ng tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin, balik-primetime ulit ang kanilang love team sa pinakabagong original teleserye ng GMA-7, Adik Sa 'Yo, with Dennis Trillo and Jennica Garcia. Ilang taon na rin kasi ang lumipas nang huling mapanood na magkasama sa isang primetime teleserye sina Jolina at Marvin. Ito'y sa I Luv NY noon with Mark Herras and Jennylyn Mercado.

Kaya naman very excited si Jolina nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz press sa pabulosang presscon ng Adik Sa 'Yo kagabi, June 3, sa Oasis Events Place, Aurora Blvd., Quezon City.

Ano ang feeling ng pagbabalik sa primetime ng love team nila ni Marvin?

"Masarap. Pero kasi yung mga unang eksena rito, ako pa lang yung in love sa kanya. Ako pa lang yung adik sa kanya. So, yun pa lang yung flow ng story," saad ni Jolina.

BED SCENE. Ipinakita sa audio-visual presentation ng Adik Sa 'Yo, ang eksenang nalasing sina Jolina at Marvin na humantong sa isang bed scene. Pabirong sabi nga ni Marvin na sumingit sa interview ni Jolina, "May mga kissing scenes na, bed scene... hubaran na ito!"

Ayon pa sa dalawa, ito ang first time na magkaroon sila ng bed scene. Nagkaroon daw sila dati, pero kuwentuhan lang ang nangyari kumpara ngayon na mas intimate ang eksena.

Paano napapayag si Jolina na gawin ang eksenang ito?

"Kasi nabasa ko naman ang script, e. At saka alam ko naman na magandang magagawa ni Direk Joel [Lamangan], e. Kasi kung hindi si Direk Joel, hindi ko rin gagawin. Pero dahil may tiwala ako sa kanya, tapos nakipag-usap ako sa production na huwag naman sanang biglain nang bonggang-bongga.

"Naiintindihan naman nila kung saan ako nanggagaling. Kasi siyempre, after 20 years in show business, ngayon ko lang ito gagawin. Dati talaga, kahit daya ng kiss, wala, e. So, ngayon lang talaga. Inalagaan naman ako ni Marvin. At saka ang tanda ko na. Hello, 30 [years old]!" natatawang rebelasyon ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible pa bang masundan ang bed scene na ito?

"Sa nakikita ko po, yun pa lang. Pero hindi ko lang sure kung ano pa ang mangyayari."

Paano naman niya napapayag si Daddy Jun Magdangal, na tumatayo ring manager niya?

"Si Daddy naman, okay naman yun, e. Alam naman niya na maganda yung pagkagawa, e. At saka dati naman, hindi ko talaga ginagawa kung hindi ko kaya. So, pinag-iisipan kong mabuti bago ko gawin, tapos kinu-consult ko rin kay Daddy."

STILL HAS THE KILIG FACTOR. Bakit sa tingin niya click at may kilig pa rin ang tambalan nila ni Marvin?

"Siguro kasi, natural pa rin kami ni Marvin," sagot ni Jolina. "At saka lagi ko naman sinasabi na sobrang kilala na namin ang isa't isa. Yun ang secret namin, e. Nagtutulungan talaga kami. At feeling namin, hindi kailangan mag-dyowa kayo talaga para lang maipakita yung kilig."

Mas okay bang katrabaho si Marvin ngayon?

"I can say na oo, kasi ang dami na talaga naming pinagdaanan, e, sa buhay, sa showbiz."

Posible pa bang magkabalikan sila ulit ni Marvin?

"Ang nararamdaman ko kasi ngayon, sobrang nag-e-enjoy kami na naglolokohan kami ng ganyan. Ayokong mag-conclude, e. Ayokong magsalita ng tapos."

Open ba siya sa possibility na mahalin ulit niya si Marvin?

"Hindi ko alam. Kasi sa nakikita ko ngayon kay Marvin, ganyan lang siya, e. Hindi naman siya nagpaparamdam sa akin. So, saka ko na lang sasagutin kung magpaparamdam siya."

So, wala lang yung lambingan nila na nakikita ng mga tao sa TV, lalo na sa SOP, kung saan pareho silang hosts?

"Ganun siya talaga. So, ako naman, kapag naggaganun siya sa TV, kahit alam kong nambobola siya, ako naman, pumapatol naman talaga ako. Kinikilig pa rin ako sa mga hirit niya. Pero alam mo, si Marvin yung pinaka-kumportable akong kuwentuhan. Siya yung puwede kong sabihin ngayon na puwede ko talagang gawing best friend. Kasi ang dami na naming pinagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Marvin kasi, yung time na papunta ako sa breakup [with Bebong Muñoz], hindi niya alam kung ano yung pinagdadaanan ko. Nung iyak ako nang iyak, dun lang niya nalaman, kaya pala. Wala siyang alam nung time na yun. Pero hindi siya nag-judge na, 'Ikaw, hindi mo ako sinabihan.'"

Ayaw niya bang maging stepmother ng kambal ni Marvin?

"Hindi naman sa ayaw," sabi ni Jolina. "Pero para sa akin po kasi, gusto ko sana pag nagkaanak ako, yung unang anak ko, gusto ko yung galing sa akin talaga. Tapos yung sa asawa ko, yun din ang una niya. Pero ayoko pong mag-judge, kasi wala naman pong perfect dito sa paligid natin."

Nakita na ba niya ang kambal?

"Opo, ang ku-cute! Isinasama po minsan ni Marvin sa taping, tuwang-tuwa nga ako, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN