Ricky Lee says Angel Locsin will be a good choice to reprise Nora Aunor's role as Elsa in Himala

IMAGE 0


"After nung launch nang nag-o-autograph [signing] ako, then after nung pag-autograph, may naglalapitan na nagsasabing, 'Tito Ricky, mukhang magandang i-remake ang Himala. At mukhang bagay si Angel.' Do'n lang nila na-realize na, 'Oo nga, 'no? Bagay si Angel.' Kasi, nilapitan ng mga Noranians si Angel before the show nung nagre-rehearse siya, nakiusap sa akin yung ilang Noranians na, 'Puwede po ba naming makausap si Angel?' Sabi ko, sige. Then kin


Maganda ang feedback sa performance ng young actress na si Angel Locsin sa book launching ng Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon ng batikang scriptwriter na si Ricky Lee last Sunday, May 31. Kay Angel kasi natoka ang pagbabasa ng famous lines ni Elsa, ang role na ginampanan ni Ms. Nora Aunor sa classic Filipino movie na Himala (1982). Umugong na nga ang balitang magkakaroon ng remake ang nabanggit na pelikula at si Angel daw ang napipisil ni Ricky sa papel ni Elsa.

Kaya nang makausap sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ ang batikang manunulat kahapon ng tanghali, June 4, ang unang naitanong kay Ricky ay kung first choice ba niya si Angel sa excerpt reading ng kanyang book launching.

"Ang pinaka-highlight nung book launching yung Himala. At yung highlight naman nung Himala yung speech ni Guy, ni Nora, do'n sa ending ng Himala. So, alam ko na dapat may gano'ng excerpt. Nag-iisip kami kung sino kaya ang babagay sa panahong ngayon? Wala naman si Guy. So, sino ang makakagawa?" umpisa ni Ricky.

Patuloy niya, "Si Angel, nakatrabaho ko na sa Lobo at ngayon sa Only You, alam ko na sincere na tao. Mukhang si Angel. So, nilapitan namin si Angel through Rory Quintos, yung director niya, pinakiusapan namin. Excited daw siya [Angel] and honored, so tinanggap niya agad yung offer, yung alok namin...nang walang bayad. And sinabi niya na medyo darating lang siya nang late sa program, sa may last part na, kasi may panggagalingan siyang show. So, okey lang 'yon.

"But later, nung makausap ko na siya, nung umaga nung launch, sinabi niya na, 'Kinakabahan ako, Kuya Ricky, kasi Ate Guy na 'yan, iba na 'yan. At saka kabisado ng lahat yung mga lines niyan sa lahat ng lugar. Baka kung ano ang sabihin nila sa gagawin ko.' Sabi ko, 'Ang gawin mo, galing lang sa puso mo at sincere na gawin mo sa sarili mong paraan, okey na 'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinakabahan pa rin siya. Kaya I think na kinansela niya yung previous show niya. Kaya instead na dumating siya sa last ng program, dumating siya long before nag-start yung program para makapag-rehearse. Para mabigyan siya ng guidelines ni Direk Eric Reyes, yung direktor nung show," kuwento ni Ricky.

HIMALA REMAKE. Matutuloy na kaya ang request ng fans ng Superstar na magkaroon ng remake ang Himala?

"After nung launch nang nag-o-autograph [signing] ako, then after nung pag-autograph, may naglalapitan na nagsasabing, 'Tito Ricky, mukhang magandang i-remake ang Himala. At mukhang bagay si Angel.' Do'n lang nila na-realize na, 'Oo nga, 'no? Bagay si Angel.' Kasi, nilapitan ng mga Noranians si Angel before the show nung nagre-rehearse siya, nakiusap sa akin yung ilang Noranians na, 'Puwede po ba naming makausap si Angel?' Sabi ko, sige. Then kinausap nila. Sinabi nila, 'Nagpapasalamat po kami sa 'yo, Angel, na gagawin n'yo 'to, itong ginawa ni Guy.' Naggano'n sila."

So, parang boto ang mga Noranians kay Angel?

"Oo, kasi sabi nila, hindi kinakalaban [ni Angel] si Guy, hindi naman siya nakikipag-compete. Kumbaga, parang tribute niya kay Guy na ginawa niya 'to. Sabi nila, 'Honored po kami na gawin n'yo 'to para sa Himala, para kay Guy.'"

Kung matutuloy ang remake ng Himala, sino ba talaga ang napipisil ni Ricky na gumanap sa papel na 'Elsa' na binigyang-buhay ni Nora?

"To be honest, nung una, hindi ako nag-iisip na kung sino ang babagay. Ayokong pag-isipan at hindi ko pinag-iisipan. Ang lagi kong binabalak, gumawa [ng] sequel ng Himala. Kumbaga, years and years later, makalipas ang maraming taon, tahimik nang nabubuhay si Elsa, buhay pala siya, hindi namatay, si Nora Aunor pa rin that time ang gusto kong gumanap. Nagkaanak na siya, yung product nung rape, malaki na, bulag na anak. Tahimik nang namumuhay ang mag-ina until bumalik na naman ang himala. Yun ang original kong plano sa sequel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Ricky, "Pero nang nangyari 'to ngayon, bigla kong naisip, kahit dito sa launch, at maraming lumapit sa akin na mga kaibigan at hindi ko gaanong kakilala na nagsabing maganda palang i-remake. May mga gano'n, ngayon ko lang naisip na, oo nga pala, puwede siyang i-remake. Kasi lahat ng sinasabi niya sa pelikula, nangyayari pa rin ngayon.

"Yung sex video na ginawa nung filmmaker na nakunan niya si Elsa na nire-rape. At yung prostitusyon, yung pagpatayan, yung paghihirap at yung need for a miracle na mangyari at yung hirap ng tao... So, naisip kong gano'n. Then napag-isipan ko yung mga sinabi ng mga nagpunta sa launch. Then ako din, bakit ko pinili si Angel? 'Teka, bagay nga yata si Angel pala.' Kasi, masang-masa at taong-tao ang dating saka sinsero. Yun ang pinakaimportante, e, yung sincere."

ANGEL AS ELSA? Sa palagay niya kaya ay papaboran naman ni Ate Guy kung sakaling si Angel ang magbida sa remake ng pelikula?

"Palagay ko rerespetuhin naman ni Guy kung ano ang magiging desisyon ko," sagot ni Ricky. "Si Guy kasi, kilala ko siya at naging kaibigan ko siya nang matagal na panahon. May puso si Guy sa mga bagong artista. May puso siya sa ibang artista. In fact, noon gusto niyang magkaroon ng foundation na magte-train ng mga bagong artista. May gano'n siyang bukas na palad sa mga taong gustong sumunod, gustong matuto. Hindi siya sarado sa iba na tumulong, so hindi niya 'yan ipagdadamot na, 'Ay, hindi puwede si ganito. Ay, hindi puwede si gano'n.'"

Sa isang big studio ba o sa isang indie film niya ipagkakatiwala ang remake ng Himala kung sakali?

"Ako basta, whether big studio, indie, basta ang gusto ko 'wag silang makialam para gawing mas komersiyal. Kumbaga, kung sino ang rerespeto do'n sa integridad ng materyal, do'n ako pupunta. Kung hindi nila rerespetuhin, maghahanap ako ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming nakikipag-usap, siguro dahil dito sa launching nitong libro kong Si Tatang... na-revive uli. Lalo na dahil kagagaling sa CNN award, may mga nakikipag-usap na baka nga puwede nating i-remake. May ilang direktor nang nababanggit... 'Baka puwede namang si ganito gumawa para iba naman ang estilo. Iba namang estilo sa ginawa ni [Ishmael] Bernal. Kumbaga, hindi mo papantayan yung Himala noon, gagawa ka ng isa pang Himala.

"Pero palagay ko, ang crucial muna diyan, kung sino ang gaganap na Elsa.'"

Nagkausap na ba sila ni Angel nang umugong ang balitang ito?

"Nagkatextan, pero tungkol lang do'n sa performance niya. Hanggang gano'n lang, pero wala pa yung si Guy o remake. Hindi pa kami nagkikita. Pero kilala ko si Angel, although sincere at humble siyang tao, open din siya na gumanap nang mahirap at adventurous at challenging na bagay. May gano'n siya na open siyang natsa-challenge. Gusto niyang naggo-grow, e. Kilala ko siya na gano'n, e.

"Sa ngayon, okey sa akin si Angel. Pero hindi naman ibig sabihin nagsasara na tayo," pagtatapos ni Ricky.

Click here to watch video of Angel's "miraculous" performance.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN