Andrew Miguel claims he and Sandara Park were high school sweethearts for one month

IMAGE 0


Andrew Miguel's innocent days when he was dating Sandara Park (inset) are behind him. Now he has reinvented himself in "special interest" flicks such as the straight-to-DVD Andrew Miguel: FreshMan, which was given an X rating by the MTRCB three times.


Naging girlfriend ng dating Mr. Pogi 2003 first runner-up at ngayon ay sexy actor na si Andrew Miguel ang Korean actress na si Sandara Park.

Ayon kay Andrew, taong 2003 nang magkaroon sila ng relasyon ni Sandara. Hindi pa artista noon si Sandara at hindi pa sumasali sa Star Circle Quest ng ABS-CBN 2.

Iisa ang eskuwelahan na pinapasukan nila, ang Philippine Pasay Chung Hua Academy, at nasa fourth year high school that time si Andrew. One week na niligawan ni Andrew si Sandara at tumagal lamang ng isang buwan ang kanilang relasyon.

That time daw kasi, sumali na si Sandara sa SCQ at nawalan na sila ng komunikasyon dahil nawala ang cell phone ni Andrew.

Sa rebelasyon na ito ni Andrew, inaasahan na raw niya na may mga mag-aakusa na ginagamit niya si Sandara para mapag-usapan, pero okay lang raw. Wala naman daw siyang nakikitang masama sa pagsasabi ng totoo.

Mula raw nang manalo si Sandara sa SCQ, hanggang sa kasalukuyan na wala na sa bansang Pilipinas si Sandara, hindi na raw sila muling nagkita nito.

Ayon kay Andrew, mabait si Sandara at mas maganda noon.

BOLD MOVE. Tungkol naman sa pagpapaseksi ni Andrew, ginawa raw niya ito para magkaroon ng tatak sa showbiz.

Hindi naman daw bulgar ang paghuhubad na ginagawa niya, tulad sa Andrew Miguel: FreshMan na isang special interest video ng Videoflick, Inc. at ni-release ng Ivory Music and Video.

Tatlong beses nabigyan ng X-rating ito ng MTRCB.

May frontal scene siya rito pero hindi naman daw bastos ang pagkakakuha ng naturang eksena. May masturbation scene din siya pero artistic naman daw ang shot.

Ang ilan pa sa mga sexy movies na ginawa ni Andrew ay ang Astig na entry sa Cinemalaya 2009, directed by GB Sampedro at produced ni Boy Abunda at Boy So, at ang Bayaw na kung saan kasama niya sina Paolo Rivero at Janvier Daily sa direksyon ni Monti Parungao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARENTS DON'T OBJECT. Hindi naman siya pinigilan ng parents niya na maghubad sa harap ng kamera, basta raw kaya niya at gusto niya, okay lang sa kanila.

Wala raw siyang limitations sa paghuhubad, as long as kailangan sa kuwento ng isang pelikula, kung importante sa isang movie, willing si Andrew na ipakita ang lahat.

Sa Bayaw nga ay may eksenang man-to-man lovemaking sila ni Paolo Rivero.

Kahit sexy actor si Andrew, hindi pa siya gano'n ka-liberated. In fact, wala pa raw siyang sexual experience sa isang gay kahit na may mga nagte-text raw sa kanya at nagtatanong kung magkano ang kapalit ng isang gabi sa piling niya.

Nagugulat raw siya kapag may mga text offers na gano'n pero hindi naman siya nagagalit. Hindi na lang daw siya nagre-reply.

Bukod sa pagiging artista, isa ring recording artist si Andrew.

In fact malapit nang i-release (ng Ivory Music) ang I-YM Mo Ako, ang album ng bagong sexy boy group na YM (Young Men) na kinabibilangan nina Andrew, Eat Bulaga's Mr. Pogi winner Edgar Allan Guzman at StarStruck avenger Dex Quindoza.

Sa FreshMan video nga ay ni-revive ni Andrew ang kantang "Can't Find No Reason" na unang pinasikat ni Louie Heredia.

Ang mga showbiz crushes ni Andrew—at pangarap makasama sa future projects—ay sina Marian Rivera at Kristine Hermosa.

WIN A DATE WITH MR. POGI. At 21, isang undergraduate student si Andrew sa Asia Pacific College at nakapag-acting workshop na siya sa Specialized Acting Workshop last February sa pamamahala ni Ms. Laurice Guillen.

Malapit na ring simulan ng Videoflick ang launching movie ni Andrew, ang Bola na tumatalakay sa buhay ng mga basketball players at ang kanilang mga sponsors.

By the way, may promo ang Videoflick na A Date with the FreshMan na kung saan bawat FreshMan DVD ay may kalakip na raffle coupon. Ang magwawagi ay makaka-date si Andrew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN