Doc Manny: Katrina Halili wanted to be Calayan clinic endorser again after video scandal

IMAGE 0


Cosmetic surgeon to the stars, Dr. Manny Calayan, won't pass judgment on fallen colleague, Dr. Hayden Kho. "Be strong," he'd like to tell him. Asked if he'd hire Kho after everything blows over, the affable doctor would only say: "Kailangan niyang magdaan sa HR."


Dapat sana ay mag-a-album launching lang si Dr. Manny Calayan last June 4 sa Hard Rock Cafe Makati ng kanyang CD na Calayan: Duets With The Icons, under Bellhaus Entertainment, kung saan ka-duet niya sa album sina Pilita Corrales, Martin Nievera, Pops Fernandez, Jed Madela, Jay-R, Faith Cuneta, Brenan Espartinez, at ang Calayan kids na sina Bernice at Andrea.

Pero hindi nakaiwas sa pang-iintriga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz press si Doc Manny lalo na nang sabihin niya na gusto niyang i-dedicate ang kanyang duet version with Pops Fernandez ng You've Got A Friend kay Katrina Halili na sangkot sa sex video scandal ngayon.

KATRINA IS WELCOME TO RETURN TO CALAYAN. Gustong ipaabot ni Doc Manny kay Katrina na nakasuporta pa rin siya sa aktres bilang kaibigan. Originally kasi ay Calayan endorser si Katrina bago siya lumipat sa Belo Medical Group. Pero inamin din ni Doc Manny na nang magkaroon ng isyu between Katrina at Hayden Kho and Dr. Vicki Belo ay gusto sanang bumalik ni Katrina sa Calayan clinic.

"Sabi ko naman Katrina is taga-atin talaga. Noong nagka-isyu, gusto niyang bumalik. E, hindi ko maasikaso nga. Hindi ko pa rin mapag-isipan kasi nagkasakit nga si Doktora (his wife Pie Calayan) that time. Gulung-gulo ang utak ko. Sabi ko, 'Kat, standby muna tayo. I cannot answer you right now.' Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon," pagri-reveal ni Doc Manny nang ma-interview siya ng PEP at iba pang entertainment press.

Sinabi naman ng press na kinuha na ng Flawless si Katrina. "A, okay. I'm happy for her. Kung saan niya gusto, okay lang sa akin."

Kung in the future ay maharap na niya si Katrina at matapos na ang endorsement contract nito sa Flawless, willing ba siyang kuning endorser ulit si Katrina? "Yes. Sabi ko nga, sa atin naman siya nanggaling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang ba sa kanya kahit sinasabi na nagba-back out na raw ang ilang endorsements at offers kay Katrina dahil nga sa kinasangkutan nitong sex-video scandal? "Oo naman. Hindi naman tayo mapanghusga. At saka tao lang si Katrina. So, prodigal daughter ang turing ko sa kanya kung babalik siya."

Ano naman ang message niya for Katrina? "Magpakatatag siya. Kung na-involve siya sa mga isyung ganito, magpakatatag siya. Hindi ko naman siya hinihindian. Open pa naman ang pintuan ko for her."

SAD FOR HAYDEN. As a colleague in the medical industry, ano ang masasabi niya sa gulong kinasasangkutan ni Hayden Kho?

"As a colleague, nakakalungkot lang. Hindi ako maka-comment kasi hindi ko pa talaga napapanood yung video. So, hindi ko alam kung anong nangyari. Pagkadating ko ng Pilipinas from the U.S., yung album na agad ang inasikaso namin. So, I didn't have time to watch that video."

Ano ang comment niya sa voluntary na paghinto pansamantala sa pagpa-practice ni Hayden ng medisina? "No comment. Kung gusto niyang magpahinga muna, it's his choice. Ang PRC [Professional Regulations Commission] naman may regulations yan, may board diyan, kung yun ang tingin nila, it's their decision."

Ano ang message niya kay Hayden? "Be strong. Kung puro intriga ba ito, ipaglaban niya. Kung totoo naman ito, sa tingin ko naman nagpapakumbaba naman yung tao, e. Di ba nga, nag-voluntary na magpapahinga na siya. It's his call."

Sa kinasangkutang eskandalo ngayon nina Hayden at Vicki, hindi maiwasan na madamay ang Belo Clinic. Naramdaman ba niya na lumipat ang ibang customers nito sa kanya? Dumami ba ang naging kliyente niya?

"Hindi ko masasabi 'yan. Kasi everyday naman talaga marami akong kliyente, kasi nandun ako so alam ko. Everyday talaga ako ang tumitingin sa lahat ng mga pasyente. Hindi ko mage-gauge kung gawa ba nito or gawa ba nun. Pero araw-araw namang nadadagdagan ang mga kliyente natin. Kasi word of mouth yan, e. At saka bago pa pumutok ang scandal na yan, dumadami naman talaga ang mga pumupunta sa atin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIDDEN CAMERA? Nagiging isyu rin ngayon na may hidden camera din daw sa isang beauty clinic kung saan nakunan ang paghuhubad ng mga pasyente na nagko-consult for liposuction?

"Sinong may gawa raw?" tanong ni Doc Manny.

Nang sabihin ng press na wala pang tinutukoy, allegedly pa lang naman daw ito, ang sabi ni Doc, "A, i-confirm muna natin. Sa amin kasi walang camera dun sa consultation. Pag consultation lang, tumatawag ako ng nurse or secretary or any girl na staff para, alam mo yun, para may witness."

Pero kailangan ba talagang kunan ang pasyente? "Yes, that's what we call 'before' the procedure and 'after' the procedure. Yung 'before' naman that's very, very confidential naman. And it's not a video, it's a still camera. Ginagawa namin lahat yun kahit sa breasts, sa lipo, sa ilong, sa mata, para may basis sila."

Hypothetical question lang, kung halimbawang tapos na ang lahat ng gulo kay Hayden at naisin nitong mag-apply sa Calayan, tatanggapin ba niya ito?

"Kailangan niyang magdaan sa HR, dadaan din siya sa proseso. Kapwa doktor naman siya, e. Naging kaibigan ko rin naman siya noong Celebrity Duets."

CALAYAN BRANCH IN U.S. Ano na ang situation ni Dra. Pie ngayon after ng pagkakasakit nito ng adrenal fatigue syndrome?

"Ayan, she's well na. Okay na. Fully recovered na siya. Sinasamahan na lang niya yung eldest daughter ko, si Hannah. Inaayos niya kasi yung visa kasi, isa pa, magtatayo rin tayo ng Calayan branch sa States. So, inaayos din namin yung lugar sa Los Angeles, siyempre yung mga papeles, yung mga visa, mga requirements. Si Doktora lahat ang nag-aasikaso nun, kaya iniwan ko siya dun."

Bakit hindi sila nagkaroon ng duet ni Dra. Pe sa album? "Hindi talaga siya kasali. Alam mo naman yun, hindi showbiz yun. Kaya ang isinama ko na lang yung mga bata na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Proud nga si Doc Manny sa duet nila ng kanyang mga anak na sina Bernice at Andrea sa kantang For You I Will. "Siyempre, masaya ako at proud. I believe naman sa talent ng mga anak ko. At saka sila ang namili ng kantang iyan."

Balitang may offer raw to do a movie si Doc Manny. Totoo ba ito? "May offer nga but I will be playing as a doctor also. Isang indie film daw."

Kung may offer naman na lumabas sa isang teleserye okay lang ba sa kanya? "Okay lang, basta doktor ang role. Or tatay, tito, ganun."

How about endorsements? "Alam ko may kumakausap na sa Bellhaus Entertainment (producer ng album ni Doc Manny) na gusto akong maging endorser. Ayoko munang sabihin hangga't hindi pa okay."

Next week ay aalis ulit si Doc Manny papuntang States para ayusin ang mga papers sa itatayo nilang Calayan clinic doon. Pero one week lang daw siya mawawala at babalik din siya agad to attend to his other commitments sa Pilipinas, kasama na ang pagpo-promote ng kanyang album na Calayan: Duets With The Icons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN