Angelica Panganiban says she's not the reason Cristine Reyes skipped Banana Split tapings

IMAGE 0


Angelica Panganiban admits that Cristine Reyes may have felt left out when she became close with other Banana Split regulars Pokwang and RR Enriquez, but she says this was unintentional. "Nakikita ninyo naman na lagi akong nasa Wowowee, di ba? Sa halos lahat ng mga tours nila kasama ako. Siyempre pag nagtatrabaho kayo abroad, iba yung nabi-build up ninyong samahan, so nung pumasok si RR siyempre close kami, tapos nung pumas


Sa balitang babalik na sa bakuran ng GMA-7 si Cristine Reyes at di na magre-renew ng kontrata sa ABS-CBN, lumabas ang pangalan ni Angelica Panganiban na isa raw sa rason sa pag-alis ni Cristine sa Kapamilya network.

Ayon sa usap-usapan ay nakasamaan daw niya ng loob si Angelica at kinampihan ito nina Pokwang at RR Enriquez, kung kaya't sa set daw ng Banana Split ay feeling left out si Cristine. Isa raw ito sa malalim na rason kung bakit dalawang linggo nang di sinisipot ng aktres ang taping ng nasabing show.

"Actually nakakatawa 'yang issue na yun," sabi ni Angelica. "Kung sinuman ang naglabas niyan, malamang high na high sa droga. Sobrang imposible kasi, di ba, nandito nga kaming lahat, sama-sama kaming kumakain. In fact nung nagte-taping pa siya, niyaya pa namin siya, lumalabas pa kami, nag-culinary kami, magkasama kaming nag-aral nung November, ako pa ang nag-aya sa kanya.

"Wala na akong magagawa sa ganyang mga issue kasi nangyari na ito noon, tapos mayroon na naman ngayon, so wala na akong magagawa. Baka gusto lang talaga kaming pag-awayin."

PAST ISSUE. Hindi rin daw sila nag-usap na ni Cristine tungkol sa nasabing issue dahil para kay Angelica ay isa itong balita na hindi na dapat palakihin pa.

"Hindi na namin pinag-usapan. Nung unang lumabas ito, nag-text siya sa akin na ano ba yan, ano ba ang gusto ng mga tao dito, bakit tayo pinag-aaway? Sabi ko nga sa kanya, ganun talaga, 'wag na lang niyang pansinin.

"Ganito naman talaga sa showbiz, di ba? Bukas iba na naman ang kaaway ko raw, sa susunod iba na naman, ganun talaga."

Sa di naman pagsipot ni Cristine sa taping ng Banana Split, para kay Angelica ay nirerespeto niya ang desisyon ng aktres.

"Kung anuman ang dahilan niya kung bakit siya umalis, kung sa tingin niya ay mga tao siyang naaapektuhan, kanya-kanyang desisyon kasi 'yan. Basta kami ginagawa namin yung trabaho namin and as long as na nakakapagpasaya kami ng mga tao, as long as na di kami nakaka-offend, hangga't tama yung paraan ng pagpapatawa namin, hangga't sa tingin namin ay tama, nandito lang naman kami. Pag nakasakit naman kami ng damdamin ng ibang tao, nag-a-apologize naman kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BANANA CLIQUE? Sa isyu kung saan kinampihan daw siya nina Pokwang at RR, klinaro sa amin ni Angelica ang tungkol dito.

"Siguro dumating lang siguro sa point na nakikita ninyo naman na lagi akong nasa Wowowee, di ba? Sa halos lahat ng mga tours nila kasama ako, di ba sinabi nga ni Kuya Willie na part na ako ng family ng Wowowee sa na-build up naming closeness lahat. Siyempre pag nagtatrabaho kayo abroad, iba yung nabi-build up ninyong samahan so nung pumasok si RR siyempre close kami, tapos nung pumasok si Pokwang, ay riot na. Lagi akong nandito, dito ako lagi sa dressing room nila, di ko alam kung para siyang na-out of place dahil mula sa dating apat na main casts ng Banana Split e kami ang naiwan."

Tulad ni Cristine ay nalulungkot din si Angelica na wala na ang mga dating kasama sa Banana Split pero nakatulong naman nang malaki ang pagkaka-reformat ng show.

"Nakakalungkot naman talaga pero nakikita rin naman ng mga tao yung ikinaganda lalo nung show, di ba? Ang management naman di sila gagawa ng move nang alam nilang ikapapangit. Siyempre kumpanya nila, show nila ang ibenebenta so di sila magtatanggal at maglalagay ng mga artista sa show nila na alam nilang ikababagsak nila."

Nagbigay din ng opinyon si Angelica sa balitang babalik daw si Cristine sa GMA-7.

"Kung dun siya magiging masaya then go, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN