Geoff Eigenmann on playing Fernando Jose: "I'll make sure that I will look good for the role."

IMAGE 0


It will be a challenge to fill the shoes of Venezuelan actor Fernando Carrillo (inset), who originated the role of Fernando Jose in the Mexican telenovela Rosalinda, but Geoff Eigenmann (main photo) says he's up to the challenge. He's even learned to play the piano because his character does.


Sa naganap na story conference para sa bagong GMA-7 primetime series na Rosalinda last June 4 sa dining hall ng GMA Network Studio, unang nagkakilala nang personal sina Carla Abellana, who will play the title role as Rosalinda Perez Romero, and Geoff Eigenmann, who will play Carla's leading man, Fernando Jose Altamirano del Castillo.

Nabanggit ni Carla sa recent interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya na marami siyang nalalaman tungkol sa leading man niya kahit hindi pa sila nagkakakilala. Noong magkakilala na nga sila sa wakas sa story conference ng Rosalinda, nagkaroon na sila ng chance na magkakuwentuhan.

Pagkatapos gawin ni Geoff ang SRO Cinemaserye Presents Ganti sa kanyang muling pagbabalik sa GMA-7, isang malaking break ang gumanap siya bilang Fernando Jose dahil bukod sa isang big hit ang Mexicanovela na Rosalinda noong ipalabas dito sa Pilipinas noong year 2000, naging pantasya ng marami ang gumanap na Fernando Jose, ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo.

CHALLENGE FOR LEAD STAR. Binigyan ng magandang launch si Geoff sa Showbiz Central kahapon, June 7, kaugnay ng pagkakapili sa kanya para sa naturang role. Kaya para kay Geoff, doble kayod ang gagawin niya para mapaibig din niya ang mga manonood sa kanyang pagganap bilang si Fernando Jose.

"It's a big challenge for me and alam ko na I really have to work on portraying my character," ngiti ni Geoff. "Marami nga ang nagsasabi sa akin that Fernando Jose became such a sex symbol and that somehow served as challenge for me. I know for a fact that the actor who played Fernando Jose was so famous. Pumunta pa siya rito sa Pilipinas, di ba? And everyone was talking about him.

"Kaya I need to study my character para makuha ko ang naging karisma niya sa mga televiewers. I also studied how to play the piano, kasi isa yun sa mga ginagawa ng character ko sa series. Plus I need to make myself physically ready for the role. Ladies' man si Fernando Jose and I'll make sure that I will look good for the role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTIMATE SCENES WITH CARLA. Tungkol naman sa leading lady niya na si Carla, inamin ni Geoff na nagkakahiyaan pa sila noong unang magkakilala sila. Pero unti-unti na ngang nag-open up sila sa isa't isa dahil kailangang mawala ang anumang inhibitions nila. Maraming mga intimate moments sa pagganap nila bilang Rosalinda at Fernando Jose.

"Carla is such a nice girl. I was able to talk to her and get to know a few things about her. Magkakaroon nga kami ng special workshop. Kaming dalawa lang ni Carla para magkaroon kami ng magandang bond for the series.

"Sinabi nga ni Direk Maryo [J. delos Reyes] na kailangan maramdaman agad ng mga televiewers ang chemistry namin. We have to make them believe that we're the characters in the series.

"Ako naman, I am looking forward to really get to know Carla kasi matagal kaming magsasama sa series. It's good na maging good friends muna kami para we can work with ease," ngiti pa ng anak ng mga veteran and award-winning actors na sila Gina Alajar at Michael de Mesa.

So, wala naman palang magiging problema in case na makunan na ang ilang kissing scenes nila for Rosalinda?

"I'm ready naman anytime!" tawa ni Geoff. "Nang tanungin naman si Carla, she said na she's ready na rin. Kasama kasi 'yon sa gagawin naming trabaho for Rosalinda. And we don't want to disappoint the people who entrusted us with this project.

"As actors, we are here to entertain many people and be good at what we do. This project is one big step for me and Carla. Being the most experienced when it comes to acting, I will definitely support Carla since this is her first time to act on television. If Carla ever needs my help, I will be there for her."

Ang Rosalinda ang popular na TV series ng Mexican singer-actress na si Thalia after Maria Mercedes, MariMar, at Maria La Del Barrio. Ito ang pinakahuling telenovela na ginawa ni Thalia bago siya lumipat sa New York City at magpakasal sa music mogul na si Tommy Mottola, ang ex-husband ni Mariah Carey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa July na ang launch ng Rosalinda sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN