Katrina Halili files criminal charges against Dr. Vicki Belo and three others

IMAGE 0


Actress Katrina Halili went to the Department of Justice (DOJ) this afternoon, June 8, to file criminal charges against Dr. Vicki Belo, Erik Johnston Chua, Dr. Herbert "Bistek" Rosario and his longtime girlfriend Princess Velasco for their alleged involvement in Hayden Kho's sex videos.



Sa pinakabagong kaganapan kaugnay ng sex videos ni Dr. Hayden Kho, nagtungo kaninang hapon, June 8, sa Department of Justice (DOJ) ang aktres na si Katrina Halili upang pormal na ihain ang kanyang reklamo laban kina Dra. Vicki Belo, Erik Johnston Chua, Dr. Herbert "Bistek" Rosario at ang longtime girlfriend nito na si Princess Velasco.

Ayon sa report ni Nelson Canlas para sa GMA News, ang apat na nabanggit ay may kaugnayan sa pagkalat ng sex videos ni Hayden na kasama ang iba't ibang babae, kabilang na si Katrina.

Pahayag ng legal counsel ni Katrina na si Atty. Raymund Palad: "We find it necessary na i-include 'tong mga taong ito as accessories sa crime na 'yon base na rin sa affidavits ni Erik Chua, na itinuturo si Dra. Vicki Belo na siya lang may hawak ng master CD, at siyang huling humawak. Base na rin sa affidavit, at the time na in-open yung laptop, sinearch yung sex videos, all the while, kasama ni Erik Chua si Dra. Vicki Belo."

Naisama ang pangalan ni Princess Velasco sa reklamo ni Katrina dahil binanggit siya ni Erik sa kanyang affidavit na lumapit diumano kay Dra. Belo tungkol kay Hayden. Ayon sa statement ni Erik, pinuntahan ni Princess si Dra. Belo sa tahanan nito sa isang exclusive subdivision sa Makati City upang ibunyag dito ang "illicit affair" nila ni Hayden.

Sa kanyang affidavit, binanggit ni Katrina ang "inconsistencies" sa statements nina Dra. Belo at Erik; kasama na rito ang tungkol sa DVDs na naglalaman ng sex videos.

Dra. Belo: "I was furious that Eric copied the video in a DVD despite my specific instruction to delete the video should he find it." (Click here to read Dr. Belo's affidavit.)

Ayon naman kay Erik: "Dra. Belo handed a DVD-R and asked me to make me a copy of the video recordings." (Click here to read Erik's affidavit.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong sinampahan na ng reklamo ni Katrina si Dra.Belo, paano ito makakaapekto sa pagiging endorser ng aktres ng Flawless, kung saan part-owner ang beauty doctor?

"Hindi ho namin alam yung kontrata niya sa Flawless, so we would not comment sa kontrata niya," pahayag ni Atty. Palad.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang legal counsel ni Dra. Belo na si Atty. Adel Tamano hangga't hindi pa niya nakikita ang kopya ng formal complaint ni Katrina.

NBI INVESTIGATES. Kaugnay pa rin ng imbestigasyon sa sex-video scandal na ito, itinuon na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang atensiyon sa paghahanap sa kung sinuman ang nag-upload sa Internet ng sex video nina Hayden at Katrina.

Upang hanapin ang may kagagawan nito, humingi ng tulong ang NBI sa isang US-based website hosting firm. Ito ay ayon sa executive officer ng NBI Anti-Fraud and Computer Crimes Division (AFCCD) na si Palmer Mallari.

"There are denials and conflicting statements so we need to go farther, like the technical aspects. We are focusing on the initial upload. And then we can apply for search warrant," saad ni Mallari sa panayam sa kanya ng GMA News.

Noong Biyernes, June 5, ay nag-file ang NBI ng kasong violation of Anti-Violence Against Women and Children Act kay Hayden sa DOJ.

Sa kanyang complaint, sinabi ni Katrina na ang pagkalat ng sex video nila ni Hayden ay nagdulot sa kanya ng "psychological distress, emotional anguish, public ridicule, and humiliation."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN