(UPDATED) Ruffa Gutierrez confirms she left home after fight with mom Annabelle Rama

IMAGE 0


"Despite of our differences that we are going through, mahal na mahal ko po ang mommy ko. I respect her and ayoko siyang sagutin para lalong hindi na humaba ang ganitong usapan. And sana sa ibang tao, huwag na rin po kayong manggatong," says Ruffa Gutierrez about her mother, Annabelle Rama (inset.)


Naibalita na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pag-alis ni Ruffa Gutierrez kasama ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice, o pagpapalayas diumano ni Annabelle Rama sa anak sa kanilang bahay dahil sa pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Kinumpirma ito ni Annabelle through a message sa entertainment columnist na si Ricky Lo sa Startalk last Saturday, June 6. (Click here to read related article.)

Ayon kay Annabelle, umalis si Ruffa matapos ang isang matinding away nila. Ang itinuturong dahilan ay ang panunuyo raw kay Ruffa ng isang mas batang manliligaw.

Ipinahayag daw ni Annabelle na hindi niya gusto ang nasabing panliligaw ng lalaki lalo na't malaki ang agwat ng mga edad nila at may mga anak na si Ruffa. Hirit pa raw ni Annabelle, "Ang bata-bata mo pa, wala kang respeto sa anak ko!"

Sinabihan daw ng talent manager ang hindi pinangalanang lalaki na tigilan na ang pagpapadala ng pagkain o pagpapakita ng interes sa kanyang anak.

RUFFA SPEAKS UP. Last Sunday, June 7, inilahad ni Ruffa ang kanyang tunay na damdamin at saloobin tungkol sa naturang isyu sa The Buzz, kung saan isa siya sa hosts. Kinumpirma nga niya ang alitang pinagdadaanan nilang mag-ina.

"This just happened yesterday [June 6]. May mga pinagdadaanan kami, mahirap yung mga pinagdadaanan namin. And kahit po I am a public person, I would like to keep our family problems within the home. Siguro ayoko na mag-expound kung anong mga problema namin. Siguro pagbigyan niyo kami na we can solve this on our own at 'wag na sa harapan ng publiko.

"You know in the next couple of days mag-uusap din kami ni Mommy and people are gonna try to make us talk at ayusin yung mga problema namin. Sa lahat po ng mga taong nadadamay, you know who you are. I swear from the bottom of my heart I truly apologize. Wala kayong kinalaman dito, I mean this is just between my mom and I," pahayag ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Sa lahat naman ng nagte-text sa akin sa lahat ng mga concerns, sa lahat ng mga kaibigan ko sa ng mga nagmamahal sa akin, thank you very much for your concern, for your text messages, for your prayers, maraming-maraming salamat sa inyo. I just want everyone to know that I'm safe."

Ipinalinaw rin ng mga co-host ni Ruffa sa The Buzz na sina Boy Abunda at Kris Aquino kung kusa ba siyang umalis, o pinaalis nga ba siya o pinalayas ni Annabelle.

"Iba naman ang pinalayas, Kris, iba naman ang pinaalis. I think, nagpalamig na lang muna kami. Kasi, siyempre, mainit ang sitwasyon, nagpalamig muna ako ng ulo," paliwanag ni Ruffa.

Singit ni Kris, "Pero hindi ka naman nag-alsa balutan?"

"Iba naman yun, kasi my dad [Eddie Gutierrez] was there to escort us out. So, hindi naman yung pinapalabas nila na pinalayas ako. Hindi po gano'n. Wala pong nangyaring gano'n. Medyo exag na po yung mga balita.

"I think I am of age also to move into my own house... Yun naman ang usapan namin na before I moved into the main house. I just want to save enough money para makapagbukod ako, kasi mahal siyempre mag-rent..."

Pero sa kabila ng kanilang alitan, hindi raw tatalikuran ni Ruffa ang kanyang mommy. Mahal na mahal pa rin daw niya ito.

"You know, in spite of the differences that my mom and I are going through, mahal na mahal ko po ang mommy ko. I respect her, ayoko ko siyang sagutin para lalong hindi na humabang ganitong klaseng usapan.

"At sana sa ibang tao, 'wag na rin po kayong manggatong. Huwag na kayong mag-text, 'wag na kayong tumawag, at 'wag na kayong magsulat ng kung anu-ano. And can you please be happy?

"Huwag na natin gawing national issue ito. Marami pang puwedeng pag-usapan. Problemang pamilya lang po ito," sabi pa ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam naman ni Ruffa na magkakaayos pa rin silang mag-ina. Pero sa ngayon ay ayaw raw muna niyang salubungin ang galit ng ina. Hindi naman kinumpirma ni Ruffa kung ang bago at batang manliligaw nga ba ang tunay na dahilan ng pagkakagalit nila ni Annabelle.

Bagamat hindi binanggit ni Annabelle o maging ni Ruffa ang pangalan ng sinasabing manliligaw ng TV host-actress, ang huling na-link kay Ruffa ay ang aktor na si John Lloyd Cruz. Ngunit sa magkahiwalay na interviews, kapwa pinabulaanan nina Ruffa at John Lloyd na may namamagitan sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN