Ramon Christopher says stepmom Annabelle Rama manages his career sans commission

IMAGE 0


"Wala akong lovelife, hindi ako masyadong excited magka-lovelife. Inaasikaso ko yung mga bata. Darating yun kapag yung bunso ko medyo malaki na, siguro magkakaroon ako ng oras," says Ramon Christopher.


Nabibilang sa sikat na Gutierrez clan ang aktor na si Ramon Christopher. Siya ang anak ni Eddie Gutierrez sa Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Monching (palayaw ni Ramon Christopher) sa presscon ng Ngayon at Kailanman last week kung sino sa tingin niya ang susunod sa mga yapak ng kanilang ama: si Tonton ba o si Richard? Si Tonton ay anak ni Eddie sa veteran actress na si Liza Lorena samantalang si Richard naman ay isa sa mga anak ng aktor sa talent manager na si Annabelle Rama.

"Si Eddie Guterrez lang yun!" natatawang sagot ni Monching. "Ako, personally, very proud maging anak ni Eddie Gutierrez. Maabot ko lang yung kalahati ng nagawa ni Daddy 'tsaka yung pakikisama niya sa tao, yung pagiging mabait niya sa lahat ng tao, very happy na ako nun."

Sa kanila raw magkakapatid, walang kumpitensya, walang isyu sa kung sino ang susunod na Eddie Gutierrez.

RICHARD'S ACCIDENT. Speaking of Richard, kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Monching sa aksidenteng nangyari sa half-brother niya sa Silang, Cavite noong May 22, kung saan namatay ang personal assistant nitong si Nomar Prado.

"Very bothered," bulalas ni Monching. "Very lucky to be alive siya at hindi injured masyado. Wala, ganun talaga, life has to go on. Aksidente 'yan, wala namang may gustong mangyari 'yan, di ba? It's not something you want na mangyari sa iyo at sa ibang tao. So, sabi ko lang sa kanya, siyempre, lagi mag-ingat."

HIS STEPMOM AS MANAGER. Marami ang hindi nakakaalam na ang manager ni Monching ay walang iba kundi ang asawa ng kanyang ama na si Annabelle Rama. Kumusta namang manager ang kanyang stepmon?

"Okay lang, parang nanay din," sabi ni Monching. "Basta professional ka lang, huwag kang male-late, and do as you're told. Para sa akin, mas okay na siya ang manager ko. Kasi parang kapag may gusto siyang sabihin, parang wala din siyang anong sabihin, sinasabi niya nang diretso. Kung meron naman siyang hindi masabi, puwede niyang sabihin kay Daddy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa naman daw siya nasigawan or natalakan ni Annabelle. Masunurin daw kasi siya at basta may project na ibinibigay ang manager niya, hindi siya tumatanggi or namimili.

"Ay, hindi ako aayaw! Basta feeling ko kaya ko namang gawin, hindi ko naman aayawan. Kapag hindi ko kaya, sasabihin ko naman sa kanya. Kasi baka matalakan nga ako kapag nandun, tapos hindi naman okay ang ginagawa ko."

Hindi raw siya kinukuhanan ng komisyon ni Annabelle sa kanyang talent fees.

"Wala, for the love of lang yun. Talagang tulong lang kumbaga," sabi ni Monching.

EX-COUPLE. Matagal-tagal na rin mula nang mapawalang-bisa ang kasal ni Monching kay Lotlot de Leon, ang ina ng apat niyang anak. Pero magmula noon ay walang napabalitang bagong karelasyon ang aktor.

"Wala akong lovelife, hindi ako masyadong excited magka-lovelife," sabi ni Monching. "Inaasikaso ko yung mga bata. Darating yun kapag yung bunso ko medyo malaki na, siguro magkakaroon ako ng oras."

Eight years old na ang bunsong anak nila ni Lotlot, at ang panganay naman nila ay 19 na.

Kumusta naman ang sitwasyon nila ni Lotlot ngayon?

"Okay, maganda, regular kaming nagkikita. 'Tsaka lahat ng affairs concerning the kids, kaming dalawa ang nagdedesisyon," sabi niya.

Sa thanksgiving Mass na ipinatawag ng Gutierrez family para sa pagkakaligtas ni Richard mula sa car accidente last month, naging buo muli ang pamilya nina Monching at Lotlot, kasama ang kanilang mga anak.

LOTLOT-PILITA RIFT. Nagkaroon dati ng hindi pagkakaunawaan noon sa pagitan nina Lotlot at ng ina ni Monching na si Ms. Pilita Corrales. Ano na ang latest development dito?

"Tahimik naman ngayon, although hindi pa sila nakakapag-usap nang personal. Pero sa tingin ko, tapos na yung issue, tahimik na," ani Monching.

Wala bang move na gagawin si Monching para paglapitin or ayusin ang dalawang panig?

"Basta ako, as long as okay sila, na wala silang pinagtatalunan, okay na sa akin yun," sagot niya. "I think sa kanila din manggagaling yung tamang panahon na magkikita din sila at magkakausap din sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NGAYON AT KAILANMAN. Kasama si Ramon Christopher sa pinakabagong Sine Novela ng GMA-7 na Ngayon at Kailanman, kung saan bida sina Heart Evangelista at JC de Vera na pareho ring mga alaga ni Annabelle.

"Ako si Leo, ako ang pinaka-financer ni Ronald [Luis Alandy]. May-ari ako ng sugalan, sa akin siya umuutang, sa akin siya kumukuha ng pera for his vices. Mayaman si Leo, salbahe. May hidden interest akong makuha ulit ni Ronald yung hacienda para mabayaran din yung mga pagkakautang niya sa akin. Pero even though na naghihirap na siya, tuloy ko pa din siyang nilululong sa sugalan, sa inuman, mga ganun, para makuha ko yung perang inaasam-asam din niyang makuha," paglalarawan ni Monching sa kanyang role sa Ngayon at Kailanman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN