Iwa Moto still misses her late father; rallies behind Katrina Halili

IMAGE 0


"Mas gugustuhin ko din maging Filipino. Pero kung wala na siguro akong trabaho dito, magdya-Japanese citizen ako. Kasi I'm 20 years old na, hindi na ako puwedeng dual. Kapag dual ka kasi, puwede ka sa Pilipinas, puwede ka sa Japan," says Iwa Moto, whose father is a Japanese.


Three months na mula nang mamatay noong March 8 ang Japanese father ni Iwa Moto na si Hiroaki Iwamoto due to liver cancer complications. Hanggang ngayon, hindi pa rin daw nakaka-move on si Iwa.

"Mahirap pa rin, masakit pa rin," sabi ng young actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero iniisip ko na lang lagi he's happy, hindi na siya nasasaktan and I know mas nakakasama ko pa siya ngayon kesa nung buhay siya. So, lagi na lang ako sa mga bright side tumitingin."

Ano ang fondest memory ni Iwa sa kanyang yumaong ama?

"Sa mga Japanese kasi, gusto nila anak na lalaki, kasi yun yung magsusunod sa apelyido nila. Ngayon, dahil babae ako, feeling niya kapag nagpakasal ako, mawawala na yung Iwamoto.

"Sinabi niya sa mama ko—hindi niya sa akin sinabi—natutulog daw ako, sabi niya, 'Ang laki-laki na ni Aileen, sobrang proud ako na bitbit pa din niya habang buhay yung apelyido ko.'

"Sabi ko, proud ako na yung ginagamit kong pangalan ngayon, apelyido ng daddy ko. Sabi niya, masayang-masaya daw siya 'tsaka sana daw mabigyan pa daw siya kahit isang taon lang with me and my sister.

"Yun yung pinaka-na-touch ako na sinabi niya. Magiging fulfilled na daw siya kahit kunin na siya ni God, makasama lang kami ng kapatid ko," sabi ni Iwa, na ang tunay na pangalan ay Aileen Iwamoto.

IWA'S CITIZENSHIP. Ano ba ang citizenship ni Iwa: Japanese or Filipino?

"Hindi ako Japanese citizen," sabi niya. "Hindi ako naaprubahan dahil 20 [years old] na ako. Inaantay ko na lang yung visa namin ng sister ko. Hindi nga nag-enrol yung sister ko kasi anytime, fly na siya to get the ashes of my dad. Makakapunta pa rin naman ako ng Japan. Kaya lang, busy din, 'tsaka mahirap kumuha ng visa."

Ang isang kapatid na babae ni Iwa lamang daw ang nabigyan ng dual citizenship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas gugustuhin ko din maging Filipino," ani Iwa. "Pero kung wala na siguro akong trabaho dito, magdya-Japanese citizen ako. Kasi I'm 20 years old na, hindi na ako puwedeng dual. Kapag dual ka kasi, puwede ka sa Pilipinas, puwede ka sa Japan.

"Twenty na ako, mamimili na ako kung Japan o Pilipinas. Kung nag-Japanese citizen ako, magbabayad ako ng tax dito, at kailangan kong umuwi ng Japan every now and then. E, ang hirap kaya kapag nawalan na lang ako raket."

If ever sa Japan siya mamamalagi, mag-aartista rin daw si Iwa doon.

"Madaming friends ang daddy ko sa Japan na producers. Gusto nga daw akong kunin dun. Pero mas masarap dito," sabi niya.

Sa ngayon, maganda ang takbo ng career ni Iwa. Kasali siya sa pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo, na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennica Garcia, at Dennis Trillo.

FULL SUPPORT FOR KATRINA. Todo naman ang suporta ni Iwa sa kapwa niya StarStruck alumna na si Katrina Halili, na may kinakaharap na unos ngayon kaugnay ng pagkalat ng sex video nila ni Dr. Hayden Kho..

"Oo naman!" bulalas niya. "Alam ko yung buong istorya, e, but I'd rather not comment about it. Pero yung support ko, ibibigay ko fully kay Katrina. Sabi ko nga sa kanya, kahit kailan niya ako kailangan, I'm just one text away.

"Nag-uusap kami. Bago pa lumabas yung video, nasa bahay niya ako, we were talking. Sinabi niya sa akin na nasa Quiapo na daw [yung sex video], nagpa-panic na daw siya, hindi na daw niya alam ang gagawin niya," kuwento ni Iwa.

Nakipag-away pa raw si Iwa sa Facebook para kay Katrina.

"Pag-chat ko, meron dun poll, 'Whose side are you on, Hayden Kho or Katrina Halili?' Aba, mas marami ang Hayden! Nag-reply talaga ako, sabi ko, 'Alam ninyo, hindi ninyo alam ang totoong story!' Talagang ginanun ko sila. Sabi ko sa kanila, 'Mga may nanay kayo, ano ang gagawin ninyo kung yung mga mahal ninyo sa buhay, nasa posisyon ni Katrina?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mali si Katrina, pumatol siya kay Hayden, na may GF si Hayden. Pero mali ba ang magmahal? Ang point dun, mali na ginawan siya ng sex video. Talagang galit na galit ako! Si Katrina, sabi naman niya, mahal niya si Hayden. Nung lumabas siya, umamin naman siya, nag-sorry naman siya, alam niya kasalanan niya and tinanggap niya naman.

"Pero hindi naman niya deserve na babuyin nang ganun, kaya sobrang nanggagalaiti ako, sobra! Kasi babae ako, e," pahayag ni Iwa.

Ano ag tingin ni Iwa kay Hayden ngayon?

"I think he's sick!" diretsahan niyang sabi. "Feeling ko may sakit na siya to do that kind of thing, he must be sick. Aminado naman siya na nagpapa-psychiatry siya."

Galit na galit si Iwa kay Hayden.

"Ako kasi, bilang kaibigan ni Katrina, isang suntok lang, okay na ako."

Kapag nakita niya si Hayden, susuntukin niya ba ito?

"Hindi din, hindi naman kami close! Ayokong ako ang gumawa ng action," sabi ni Iwa.

Positibo si Iwa na malalampasan ni Katrina ang krisis na ito sa buhay niya.

"Alam ko, maaayos naman yun, na hindi naman pinababayaan ang mga babae, yung mga rights nating mga girl. Alam kong may kaukulang parusa na yun kay Hayden. Ang kalaban niya lahat na ng babae, kaya good luck sa kanya!" pagtatapos ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN