Sam Milby on ex-girlfriend Anne Curtis: "Lumagpas na yung awkward stage because we both have moved on."

IMAGE 0


"Wala akong girlfriend, but happy ako. It's not a bad thing to be single, I think it's good. It's bad to jump from a relationship to another relationship if you're not yet prepared. I'm ready to fall in love again," says Sam Milby.


May lumabas na report na masama raw ang loob ni Sam Milby sa ABS-CBN dahil mas maganda raw ang billing ng co-star niyang si Diether Ocampo sa primetime series na Only You, gayong magkasing-bigat naman daw ang roles nila.

Sa pagbisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Only You kahapon, June 8, sa Sct. Delgado, Quezon City, ay nilinaw naman agad ito ni Sam.

"Ako, I really look up to Diet, ang galing niya," sabi ni Sam. "I didn't watch, but ang daming nagsabi sa akin na may isang crying scene na sobrang galing niya. Ako, I don't have any problem with that. I'm happy with what I'm doing. It's a blessing to be part of the show, to be with Angel [Locsin] and Diet, and the show is doing well."

Sam expressed elation sa consistent high ratings ng Only You, base na rin sa overnight ratings ng Taylor Nelson Sofres (TNS) among national households.

"Sobrang happy kami sa ratings!" sambit niya. "Sa lahat ng sumusuporta, thank you, thank you so much. We're really working hard for this show and it's very nice to see na yung hard work namin is paying off."

SAM'S BELATED BIRTHDAY. Marami ang nagtaka kung bakit last Sunday, June 7, lang ipinagdiwang ang 25th birthday ni Sam samantalang noon pang May 23 ang birthday niya.

Paliwanag niya, "Dapat nag-birthday celebration ako nung May 18, sabay kami dapat ni Billy [Crawford]. Pero nagkaroon ako ng sakit nung time na yun, so hindi na ako pumasok sa ASAP. I went to the hospital, mataas ang lagnat ko and sumusuka ako, and hindi ko naman ko naman alam kung ano ang cause.

"Yung birthday ko, I just had dinner with my family, kasi dumating ang mga magulang ko. They're here for two weeks. But the only time that I spent with them was my birthday lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sam also admitted to PEP na may gift para sa kanya ang ex-girlfriend na si Anne Curtis. Masaya rin ang aktor na nabalik na yung friendship nila.

"We're friends, we're okay, friends again. Lumagpas na yung awkward stage because we both have moved on. We're both really okay now. Sabi niya, mayroon siyang gift for me, binili niya habang nagbabakasyon siya sa Europe. Hindi pa dumarating, naka-box daw," sabi ni Sam.

NOT LOOKING FOR LOVE. According to Sam, hindi niya hinahanap ang love, but he's open to falling in love again. Ngayon nga ay bali-balita na crush daw ni Sam si Sarah Geronimo.

"Wala akong girlfriend, but happy ako," sabi niya. "It's not a bad thing to be single, I think it's good. It's bad to jump from a relationship to another relationship if you're not yet prepared. I'm ready to fall in love again.

"Yung mga birthdays, New Year, Christmas, Valentine's, nakaka-miss yung sana may special someone ka. Mas masarap to be in love, but it's not something that I've been looking for. Kung mangyayari siya, mangyayari siya, hindi ko siya hinahanap.

"I do have crush for Sarah, I really admire her," pag-amin niya. "Maganda ang puso niya, she has a pure heart. Sobrang bait na anak, super talented. I call her nga 'Beyonce of the Philippines.' She's a total performer, ang galing-galing niya talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN