Geoff Eigenmann says Dingdong Dantes is happy for his role as Fernando Jose in Rosalinda

IMAGE 0


"Si Dong naman, he's always there to support me. When he found out about Rosalinda, actually, sabi niya he's very happy for me. Happy siya na sa akin napunta, not to somebody else," says Geoff Eigenmann about Dingdong Dantes who is also managed by Perry Lansigan.


Isa raw si Dingdong Dantes sa unang bumati kay Geoff Eigenmann nang pormal na i-announce sa publiko last Sunday, June 7, na si Geoff na ang gaganap na Fernando Jose Altamirano sa upcoming Pinoy adaptation ng GMA-7 ng popular Mexican novela Rosalinda, opposite Carla Abellana, who plays the title role.

"Si Dong naman, he's always there to support me. When he found out about Rosalinda, actually, sabi niya he's very happy for me. Happy siya na sa akin napunta, not to somebody else. When he found out, parang, 'A, okay lang na kay Geoff ito napunta.' I am someone daw na can be trusted and can justify the role of Fernando Jose," wika ni Geoff nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon na ginanap sa GMA Annex Bldg. last Sunday, June 7, after niyang mag-guest sa Showbiz Central.

NO RIVALRY UNDER PERRY'S CARE. Sa mga hindi nakakaalam, good friends sina Geoff at Dingdong, bukod pa sa pagiging magkapatid sa talent manager na si Perry Lansigan. Si Perry rin ang nag-aalaga sa dalawa pang kabarkada nina Geoff at Dingdong na si Arthur Solinap at ang pinsan ni Geoff na si Gabby Eigenmann.

Ano naman ang sabi ni Gabby about his big project?

"Happy din siya siyempre," sambit ni Geoff. "Sana nga magkasama kami dito sa Rosalinda. Sana makasama siya sa cast. That's one thing that I look forward to, siyempre, yung magkasama kami sa work."

Never bang nagkaroon ng competition at inggitan sa kanilang mga alaga ni Perry?

"Wala!" tanggi ni Geoff. "Never kaming nagkaroon ng competition. Never kaming nagkaroon ng inggitan. Kung anumang project meron ang isa, happy kami na may ginagawa kami. Actually, kapag nagkakasama nga kami, especially now na we are all here in GMA, inaano namin na, 'O, kailan ba kami magsasama sa isang show?' We're all looking forward to that, kung puwedeng magsama-sama kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, si Dingdong I have never worked with him since before pa. Yun ang gusto namin, ang magsama-sama kami kahit nga sa isang guesting lang, e. Tapos magkukulitan lang kaming lahat. Masaya yun!"

Bilang magbabarkada, ano ang usual bonding nila?

"The usual lang, tambay to someone's house, movies, dine-out. Usually, magkakasama kami-kami nina Perry, lagi 'yan. And every year, kunwari during Christmas time or kung may birthday sa amin, kami-kami nagsasama, nagdi-dinner lang."

Kumusta namang manager si Perry?

"Okay naman. Happy ako, I'm very happy. Wala akong reklamo sa kanya. He's very hands-on. Wala sa aming pinapabayaan niya."

Wala bang favoritism si Perry?

"Wala, wala," sabi ni Geoff. "Lahat kami, ipinapakita niya sa amin na importante kaming lahat. He takes care of all of us. Walang mas special, kunwari si Dingdong, ako, wala, wala. At saka lahat naman kami, I guess we have our own specialties. May kanya-kanya kaming nag-e-excel kung saan man."

SHOWBIZ HEIRS. Excited na si Geoff sa pagtatambal nila ni Carla Abellana dahil matagal-tagal din silang magkakasama sa trabaho. During the story conference of Rosalinda, ipinaalam sa kanila na tatakbo ang Rosalinda from July 2009 to January 2010, meaning, two seasons itong mapapanood sa TV.

Kapwa third-generation actors na sina Geoff at Carla mula sa kani-kanilang showbiz clan. Si Geoff ay anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa; apo nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil; at pamangkin nina Cherie Gil at Mark Gil. Si Carla naman ay anak ng dating matinee idol na si Rey "PJ" Abellana.

Ano ang feeling ni Geoff about this?

"People are expecting a lot kasi nga we're both showbiz heirs, I guess. Pareho kaming excited. Kaya nga I can't wait for Carla to portray Rosalinda. Matagal-tagal din kaming magkakasama."

Na-meet na ba niya ang daddy ni Carla na si PJ Abellana?

"Hindi pa, kahit yung mom niya, hindi pa. Si Carla pa lang. Actually, kinakabahan ako but excited to meet them," nakangiting sabi ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN