Alleged body of Rochelle Barrameda's missing sister found inside a steel case

IMAGE 0


The body of a woman believed to be Ruby Rose Jimenez (inset), missing sister af actress Rochelle Barrameda (main photo), was found earlier today in the Navotas river.


Naniniwala ang mga imbestigador ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na natagpuan na nila ang nawawalang bangkay ni Ruby Rose Jimenez, ang kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.

Malaking palaisipan sa pamilya ni Rochelle ang pagkawala ni Ruby noong March 14, 2007. Hindi na nakita si Ruby pagkatapos nitong umalis sa kanilang bahay sa Moonwalk Village, Las PiƱas City para magdeposito ng pera sa bangko. Hindi rin natupad ang plano niya na dalawin ang dalawang anak na nasa pangangalaga ng kanyang estranged husband na si Manny Jimenez III.

Nilibot noon ni Rochelle ang lahat ng mga programa sa TV para manawagan sa kanyang kapatid, na ayon sa kanya ay isang battered wife. Naglaho si Ruby matapos nitong sampahan ng kaso (Anti-Violence Against Women and Their Children) ang kanyang asawa.

Nag-alok noon ng P500,000 reward si Rochelle at ang pamilya nito sa sinuman na makapagtuturo sa kinaroroonan ni Ruby.

Ibinalita kanina, June 10, sa 24 Oras ang pagkakatuklas ng investigating team ng NCRPO sa drum na itinapon sa Navotas river at naglalaman sa bangkay ng isang babae. Natukoy ang kinaroroonan ng drum dahil sa phone call na natanggap ng mga imbestigador ng kaso.

Isinilid ang katawan ng babae sa loob ng drum at binuhusan ito ng semento. Inilagay ang drum sa isang steel box na binuhusan uli ng semento at saka ito inihulog sa ilog ng Navotas.

Sa interbyu ng 24 Oras, umiiyak na kinondena ni Rochelle ang tao na pinaghihinalaan niyang pumatay sa kanyang kapatid. Humihingi si Rochelle ng katarungan sa pagpatay kay Ruby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN