Gabby Eigenmann wouldn't mind showing his love in a sex video

IMAGE 0


The actor qualifies, however: "Kung tatanungin ninyo kung may video ako, wala akong video, pero given a chance gagawa ako ng video, oo! Gagawa ako ng video sa mahal ko pero I'll make it a point na it would be private, na it would be locked in my closet."


Malaki pala ang naging epekto kay Gabby Eigenmann ng Katrina Halili-Hayden Kho sex video scandal. Para kasi sa mga hindi pa nakakaalam, may pinagsamahan bilang magkaibigan sina Gabby at Katrina.

"Ayokong maging affected, pero since kilala mo ang involved, maapektuhan ka rin. Si Katrina kasi we worked together for so many projects... Marimar, Magdusa Ka... kahit sa set nga nagtatampuhan din kami minsan.

"Ganun kami naging ka-close. I'm a jolly person, e, medyo mapang-asar ako, siya naman medyo moody, sensitive, so there was a time na medyo napikon siya sa akin. May eksena kami na imbes na dadayain lang niya na sasampalin ako, tinotoo niya, so nagkatampuhan kami.

"There was a time na hindi kami nag-uusap sa set pero siyempre being a professional, ginagawa naman namin yung trabaho namin, pero pagdating sa personal... nag-apologize ako, nag-apologize din siya. Mga ganun, which is nakakataba ng puso kasi hindi naman porke't artista ka, pupunta ka lang sa taping, parang robot acting ka na lang, hindi. You should also have a personal communication with each other. So, since na kakilala ko, I don't think naman na magiging dedma lang ako sa nangyari.

"I feel affected, naawa ako sa kanya pero feeling ko kasi, kahit hindi ko naman siya suportahan, ang daming sumusuporta sa kanya. But she'll always get my support."

THE GUILTY HAVE TO PAY. "I think kung pag-uusapan natin ang sitwasyon, ang nangyari, I think kung sino ang talagang may kasalanan has to pay, yun lang yung sa akin.

"Pero siyempre do'n ako sa agrabyado, kasi it was an accident, e, siguro they both fell in love or whatever situation they are in, ke may gf si Hayden, ke minahal ni Katrina si Hayden o minahal ni Hayden si Katrina, kung for fun yun, I don't have any idea.

"Pero kasi kung ganun, sino ba namang babae na papayag nang ganun na hindi naman niya minahal, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napanood ni Gabby ang video nina Katrina at Hayden.

"I've seen a few snippets of the video, ayoko kasing panoorin nang buo dahil kakilala mo, e. Like si Hayden kakilala ko, nakatrabaho ko rin siya sa Marimar. Nakakapanghina, kasi you know these people and they did this and ang sa akin, yung puno't dulo talaga nito is bakit lumabas at sino naglabas, that's it."

KEEP IT PRIVATE. "Kasi they're both adults, e, it happens, like ako kung tatanungin ninyo kung may video ako, wala akong video, pero given a chance gagawa ako ng video, oo! Gagawa ako ng video sa mahal ko pero I'll make it a point na it would be private, na it would be locked in my closet.

"I'll show my love to my partner, it doesn't have to be lustfully in a video, oo, lustfully sige, pero in a video, not necessarily. Sa akin, hindi naman puwedeng maging necessity yun, e."

Pero bilang lalaki, nagalit ba si Gabby kay Hayden? "Hindi ko masabing nagalit ako, siguro masama ang loob dahil if you're gonna do a video make sure na alam din ng partner mo. Kasi it would be more artistic for the both of you, it's an adventure kumbaga. So kung maglalabas kayo ng video kailangan pareho kayong may consent para at least puwede ninyong artehan.

"Kung gusto ninyong maging porn na hindi nakakadiri, e di gawin ninyo. Pero kung isa lang ang nakakaalam, ang pangit. Ito ang pangit nang lumabas, they are both adults. Pangit lang na isa lang ang nakakaalam. Kung alam lang nilang dalawa at lumabas ito, wala nang issue, tapos na issue.

"It was an accident, it was an irresponsible move, na hindi naitago nang maayos. It was a price they have to pay since lumabas na. What's next, I'm sure alam na nila yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halimbawa makikipagtalik ka, let's say hindi mo alam na may sex video, hindi mo alam kung may kumukuha sa 'yo o wala, basta you're doing it out of love. Hindi mo naman kasalanan yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN