ABS-CBN issues official statement on why young actor Jiro Manio has been axed

IMAGE 0


ABS-CBN has run out of patience with Jiro Manio and has cut him loose, removing him not only from a top-rated primetime series but also from its roster of talents being handled by Star Magic. In a previous interview with an executive, he talked about Jiro's health problem.


Ilang linggo pagkatapos ng thanksgiving party ng Tayong Dalawa with the entertainment press, isang nakakalungkot na official press statement ang inilabas ng Corporate Communication ng ABS-CBN headed by Bong R. Osorio tungkol sa isa sa cast members ng top rating primetime teleserye ng Kapamilya network.

Kinumpirma ng ehekutibo ang pag-alis ng multi-awarded young actor na si Jiro Manio sa Tayong Dalawa. Sa nakaraang thanksgiving party ng Tayong Dalawa ay kalat na ang balitang nagkakaroon ng problema ang produksyon kay Jiro at di malayong tanggalin na sa soap opera.

Nagbigay naman agad ng pahayag ang Business Unit Head ng Tayong Dalawa na si Deo Endrinal sa mga isyung ikinakabit kay Jiro, kabilang na ang di niya paglitaw sa taping.

"Nung ano yun, hindi pa naman uso ang H1N1 virus. Hika ang number one na pinagsimulan. Dumating talaga sa point na hinihika talaga siya sa set. Nung unang dalawang araw talagang inatake siya ng hika at saksi talaga ang mga tao sa set na talagang major hika. So, kailangan namin siyang pauwiin.

"Tapos pangalawang beses hindi na naman namin siya mai-call dahil sa hika. So, pagkatapos noon kailangan naming patakbuhin yung kuwento. Kailangan na naming gumawa ng paraan dahil hindi makapag-commit ang bata at ang pamilya ng bata kung kailan nila puwedeng ipag-tape yung si Jiro. So, kailangan naming gumawa ng aksyon. Soap opera ito, e. Hindi naman tayo puwedeng maghintay sa isang character."

THE STORY MUST GO ON. "Hindi siya sumipot ng taping dahil may sakit siya. Oo, yun ang dahilan. Hindi naman namin alam yung... Attitude problem wala dahil bago naman siya nagkasakit, bago nangyari yung period na yun, anim na buwan namin siyang katrabaho at sumisipot siya. On time siya. Never siyang na-late. Happy kami sa delivery niya."

Bukod d'yan, may intriga rin na nagda-drugs raw si Jiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako makakapag-commit kasi hindi ko alam kung ano siya beyond sa programa. Normal siyang katrabaho. Napakagaling niyang artista. Actually, nahirapan kami kung paano i-exit ang character niya. Nahirapan kami. Ah, pero kinailangan naming gawin para tumakbo ang kuwento. Otherwise, kung maghihintay kami, walang mangyayari sa amin. Mabibitin kami at hindi rin tama dahil maraming ibang artista ang naaapektuhan 'pag nabitin.

"So, minabuti na lang namin na i-exit ang character ni Jiro tapos 'pag okey na siya ulit, yung trabaho kung sakit man yan, kung personal man 'yang problema, 'pag okey na siya ulit, may opportunity kami na ibalik siya. Pero hindi ko rin yun maipa-promise kasi istorya nga 'yan, kailangan 'yang tumakbo. Pero sa ngayon habang nag-uusap tayo hindi pa namin pinapatay ang character niya sa script.

"Hindi pa namin siya pinapatay [sa istorya]. Meaning sinasabi ko nga, gusto ko ipangako na aantayin namin siya. Pero kung kinakailangan na, kung sa iigting ng storytelling mo. Pero habang nag-uusap tayo ngayon, kahit ipabasa ko yung script na lumabas na hanggang bukas wala pang eksena na pinapatay siya," mga pahayag noon ni Deo kay Jiro.

ABS-CBN OFFICIAL STATEMENT. Narito naman ang nilalaman ng official press statement ng ABS-CBN sa pagkawala ni Jiro sa Tayong Dalawa at pati na rin sa nagha-handle ng career niya na Star Magic.

"Tinanggal na si Jiro Manio sa produksyon ng Tayong Dalawa, at hindi na rin siya iri-represent as 'talent' ng Star Magic.

"Narating ang desisyong ito matapos ang maraming pagkakataong ibinigay kay Jiro upang itama ang ilang maling gawi at bumalik ang kanyang interes na gampanan ang kanyang role sa nasabing teleserye.

"Nauna rito, nakausap si Jiro ng Star Magic upang pag-usapan ang problemang kanyang pinagdadaanan. Nangako siya na babalik sa pagtatrabaho. Ito ay hindi niya tinupad at patuloy ang hindi niya pagsipot sa kanyang taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahusay na artista si Jiro at nakapanghihinayang ang kanyang pagkawala sa Tayong Dalawa, pero kailangang bigyan ng tamang leksyon ang ganitong 'unprofessional at irresponsible behavior.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN