ABS-CBN offers mass for Douglas Quijano

IMAGE 0


"Sa mga hindi po nakakaalam, malaking bahagi po si Tito Dougs sa tagumpay ng ABS-CBN. ABS-CBN was re-launched as Star Network noong 1987 [after it was closed down during Martial Law]. He was instrumental in the partnering of ABS-CBN and Regal. And the key person to convince Mother Lily to have a partnership with ABS-CBN is Tito Dougs," relates ABS-CBN President Charo Santos-Concio during the mass last night, June 13, for talent manager Douglas Quijano.


Ang mga Kapamilya ni Douglas Quijano sa ABS-CBN, sa pangunguna ng presidente nitong si Ms. Charo Santos-Concio, ang nag-offer ng misa para sa yumaong talent manager kagabi, June 15, sa Heritage Memorial Park, Taguig City, kung saan nakaburol ang mga labi nito.

Matatandaang noong June 13 nang bawian ng buhay dahil sa heart attack ang manager ng ilan sa pinakamalalaking artista sa Pilipinas; gaya nina Richard Gomez at asawa nitong si Lucy Torres-Gomez, John Estrada, Anjo Yllana, Jomari Yllana, Gelli de Belen, at marami pang-iba. Sa resthouse ni Tito Dougs sa Lucban, Quezon siya binawian ng buhay.

As expected, karamihan ng nagpunta kagabi sa misa para kay Tito Dougs ay mula sa Kapamilya network, sa pangunguna nga ni Ms. Charo Santos-Concio. Present din ang dating ABS-CBN president na si Mr. Freddie Garcia, at ang top executives na sina Ms. Cory Vidanes, Mr. Deo Endrinal, at Ms. Chit Guerrero; at mga production people at staff na karamihan ay nakasama ni Tito Dougs noong mga panahong aktibo pa siya sa paggawa ng shows sa ABS-CBN, tulad ng Palibhasa Lalake.

Ang partner ni Tito Dougs sa ilang events na si Marilen Nuñez, kasama ang mga alaga ni Tito Dougs na sina Janice at Gelli de Belen, John Estrada, Jomari Yllana, Jay Aquitania, Tyron Perez, ang ilan sa mga nasa Heritage at nag-aasikaso sa wake ng kanilang manager.

Nandoon din ang ilang managers na kasamahan ni Tito Dougs sa Philippine Artists Managers, Inc. (PAMI) tulad nina Shirley Kuan, Dolor Guevarra (kasama ang asawa nitong si Direk Boots Plata), at Ethel Ramos.

Si Fr. Tito Caluag ang nag-officiate ng mass, na siya ring nagkasal kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Hindi masyadong nagkaroon ng chance na magkakilala nang mas matagal at malalim sina Fr. Caluag at Tito Dougs, pero kung ang pagbabasehan daw ng pari ang mga pahayag na naririnig niya—especially from the people who had worked with Tito Dougs—iisa lang daw ang palagi niyang naririnig, na ang namayapa ay "mabait."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa sa mga talent ni Tito Dougs na nanatiling Kapamilya simula nang una itong lumabas sa Palibhasa Lalake, si John Estrada, ang isa sa nag-lead ng mass. Gayundin ang matagal na nakasama ni Tito Dougs na si Amy Perez, na kahit wala na raw silang taping ng Palibhasa Lalake ay nakaugalian na siyang tawaging "Amelia" ng manager.

MS. CHARO'S MESSAGE. Nagbigay naman ng kanyang salita ng pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Tito Dougs si Ms. Charo. Nagpasalamat din ang lady boss ng ABS-CBN sa mga nagawa ng talent manager sa network at sa personal niyang buhay.

"Sa mga hindi po nakakaalam, malaking bahagi po si Tito Dougs sa tagumpay ng ABS-CBN. ABS-CBN was re-launched as Star Network noong 1987 [after it was closed down during Martial Law]. He was instrumental in the partnering of ABS-CBN and Regal. And the key person to convince Mother Lily to have a partnership with ABS-CBN is Tito Dougs.

"Bakit ko po alam ito? Dahil nang mga panahon po na yun, ako po ay nagtatrabaho sa Regal Films. Kasama po ako ni Mother Lily and Douglas Quijano every night, talking to Mr. [Freddie] Garcia, Mr. Rolly Cruz then.

"Alam n'yo naman po minsan ang papalit-palit na pag-iisip ni Mother Lily, and it was Tito Dougs who put some sense and words in our meeting. At isang araw na kausap niya si Mr. Garcia—it was the eve of Chinese New Year—sinabi niya [Douglas] kay Mr. Garcia na, 'Bibigyan kita ng tip. Huwag mong sasabihin kay Mother para matuloy na lang itong deal na ito. Tutukan mo na lang ng camera, dalhin mo na ang kontrata. Tutukan mo at hindi na makakaurong 'yan.'

"And precisely, that's what Mr. Garcia did. And that started the Star Network, when all the stars in Regal Films have programs in ABS-CBN. At hindi namin makakalimutan ang labing-dalawang taon, to be exact, long years of partnership. At utang na loob po namin ito, kasama ko ngayon rito ang mga Kapamilya, and we will always remember the very kind, very generous, person."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakuha pang magbiro ni Ms. Charo kay John na huwag daw maging pasaway at maawa naman sa kanila. Ayon sa kanya, tuwing makikipag-usap sila kay John ay kasama si Tito Dougs kaya alam daw nilang kasama pa rin ito ni John.

Sinabi rin ni Ms. Charo sa naiwang kapatid ni Tito Dougs na si Mark Quijano na mami-miss nila ito.

"Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na isa siyang napakabuting tao. Sa akin naman po, hindi po kami yung friends na magkausap every day, pero siya po ang tao sa industriya who never failed to call me in my lowest moments. And my heart will always have a special part for him."

OTHER CELEBRITIES. Ilan pa sa mga namataan ng PEP sa ikalawang gabi ng burol ni Tito Dougs ay sina Mother Lily Monteverde, Lloyd Samartino at ang ina nitong si Carmen Soriano, Noel Trinidad, Jao Mapa, Lito Pimentel, Mat Ranillo III, Krista Ranillo, Vangie Labalan, Diether Ocampo, Agot Isidro, Wilma Doesnt, Direk Louie Ignacio, Jeremy Marquez, Pheomela Barranda, Snooky Serna, Candy Pangilinan with Direk GB Sampedro, Cherry Pie Picache, Eddie Gutierrez and wife Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Ana Capri, Direk Joey Reyes, Direk Maryo J. de los Reyes, Karla Estrada, Malou Choa-Fagar, at marami pang iba.

Nakausap ng PEP si Jao pagkatapos ng misa. Si Jao ang isa sa mga miyembro ng Guwapings, na binubuo rin noon nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at Eric Fructuoso.

Ayon kay Jao, umaga raw ng June 13 ay nag-text pa siya kay Tito Dougs dahil may isang bagay siya ikinokonsulta. Kaya pala wala na raw siyang response na nakuha from Tito Dougs ay wala na ito. A few minutes after siyang mag-text ay nakatanggap siya ng tawag na sumakabilang buhay na nga ang dating manager.

Halos gabi-gabi naman ay dumarating sa burol ni Tito Dougs ang mga magulang ni Lucy Torres at ang apo nilang si Juliana. Kaninang umaga dumating sina Lucy at Richard Gomez mula sa San Francisco, California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT WILL HAPPEN TO HIS TALENTS? Karamihan ay iisa ang tanong at naglalaro sa isipan ng mga tao: Ngayong wala na si Tito Dougs, sino na ang hahawak sa kanyang napakaraming talents?

Wala raw kasing assistant na masasabi si Tito Dougs sa pamamalakad ng career ng kanyang mga alaga dahil ito mismo ang direktang nakikipag-usap at nakikipag-negotiate kapag may mga projects para sa mga artista niyang hawak.

Sinubukang tanungin ng PEP si Jomari pagkatapos ng misa. Iling lang ang unang isinagot nito, which means hindi pa nila alam. Dahil ngayong araw lang dumating ang mag-asawang Richard at Lucy, hinihintay pa raw nila si Goma para makapag-meeting at makapag-usap-usap sila ng dapat gawin.

Ang sumunod naming tanong sa aktor ay kung posible bang magkahiwa-hiwalay na sila ng manager. Kilala kasi ang talents ni Tito Dougs na loyal dahil simula't sapul ng pagiging artista nila ay si Douglas lamang ang humawak sa kanila at parang iisang pamilya na ang turingan nila. Panibagong iling lang ang itinungo ni Jomari, which means hindi sila magkakawatak-watak kahit wala na ang tumatayong "tatay" nilang lahat.

MASS FOR TITO DOUGS. Mamayang gabi, June 16, ay napag-alaman ng PEP na ang Governor ng Lipa City at Star for All Seasons na si Vilma Santos naman ang mag-o-offer ng mass. Bukas, June 17, ang mga Kapuso naman ni Tito Dougs sa GMA-7 ang magpapa-misa para sa kanya; at sa Huwebes, June 18, ay ang mga kapatid ni Tito Dougs sa PAMI. Sa huling gabi, June 19, ang Bench naman ni Ben Chan ang mag-o-offer ng mass.

Sa Sabado, June 20, iki-cremate ang mga labi ni Tito Dougs at saka ilalagak sa Loyola Memorial Park sa Parañaque.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN