Ruffa Gutierrez says there is nothing to admit about her and John Lloyd Cruz

IMAGE 0


"Hindi pa ako in love. Kay John Lloyd is just a fondness, is just a friendship. Hindi pa umaabot beyond that. We're getting to know each other. Huwag naman nilang sabihin na nagsisinungaling ako, kasi hindi naman ganoon ka-deep," says Ruffa Gutierrez about John Lloyd Cruz.


Tatlong araw ang magiging selebrasyon ni Ruffa Gutierrez para sa kanyang 35th birthday. Magsisimula ito sa June 22 hanggang sa June 24, na mismong araw ng kanyang kaarawan, sa morning show niya with Ai-Ai delas Alas na Ruffa and Ai.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kanyang birthday presentation sa Ruffa and Ai noong Lunes, June 15. Dito namin nalaman na bukod sa kapatid niyang si Richard Gutierrez at amang si Eddie Gutierrez, ang paboritong aktor ng panganay na anak ni Ruffa na si Lorin ay si John Lloyd Cruz. Kinilig naman si Venice, bunso ni Ruffa, nang mabanggit ang pangalan ng aktor, na nali-link ngayon sa TV host-actress.

Tinanong si Venice kung bakit niya paborito si John Lloyd at buong-ningning niyang sagot ay: "Because it's John Lloyd."

Paliwanag naman ni Ruffa, "Ang mga bata kasi, walang malisya 'yan. Nagsasabi talaga ng totoo kung sino ang paborito nila. Well, kasi dumadalaw sila sa set ng Betty La Fea. Kung sino ang mga paborito nila, yun naman ang sasabihin ng mga bata. Kasi hindi naman sila puwedeng turuan."

Bakit naman kinilig si Venice pagkarinig ang pangalan ni John Lloyd?

"Si Venice? Hindi, alam mo kasi si John Lloyd, pag nakikita ang mga bata, nakikipaglaro siya talaga. He is friendly towards kids. Hindi lang siguro sa mga anak ko, pero sa mga bata in general. Yung mga bata naman, the more na kinakausap mo, parang the more they get this fondness.

"At saka inaabangan talaga nila yung Kanto Boys [grupo ni John Lloyd sa ASAP '09, kasama sina Luis Manzano, Billy Crawford, at Vhong Navarro], kasi natatawa raw sila. Whenever he dances daw, he's funny. Siyempre, number one pa rin sa kanila si Tito Richard at saka si Lolo Eddie, hayan!"

NO SCORE. Iginiit ni Ruffa na walang namamagitan sa kanila ni John Lloyd, taliwas sa mga nababalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, there's no score talaga," diin ni Ruffa. "Actually, I don't wanna talk about it anymore kasi ang feeling ko, masyado nang lumalaki yung mga news. Masyado nang over, to think na magkabarkada talaga kami. Wala pa naman talagang dapat i-admit dahil hindi ganoon ka-deep yung friendship namin. Yun nga ang sayang dahil yun ang naudlot. Ang masakit niyan, at ayaw ko sanang mangyari na mawalan ako ng isang kaibigan dahil sa mga naglalabasang isyu and because of my mom's [Annabelle Rama] reaction.

"Alam n'yo naman si JL, tahimik na tao. Hindi naman niya sasagutin si Mommy. So, ako na lang ang sasagot na walang dapat aminin si John Lloyd dahil hindi nga umaabot sa pagmamahal ang aming friendship. Siguro pag-care bilang kaibigan, bilang kapatid, o bilang bagong kakilala.

"For now, hindi pa ako ready sa serious commitment. Kahit alam ko na maraming nae-excite, naku-curious, wala pa talaga. Huwag naman nating unahan. Masyado nang exciting ang aming lovelife sa diyaryo, pero sa totoong buhay ay napaka-boring. Wala namang nangyayaring exciting.

"Hindi pa ako luka-luka sa pag-ibig," patuloy niya. "I'm very mature. Hindi pa ako in love. Kay John Lloyd is just a fondness, is just a friendship. Hindi pa umaabot beyond that. We're getting to know each other. Huwag naman nilang sabihin na nagsisinungaling ako, kasi hindi naman ganoon ka-deep."

Nilinaw rin ni Ruffa na hindi lang naman daw si John Lloyd ang puwedeng i-link sa kanya.

"Execuse me, 'no! Marami rin naman akong admirers. Hindi lang naman isa...hello! Hindi n'yo lang nakikita. Huwag naman kayong mag-single out ng isa lang. Kawawa naman ako if I only have one admirer. Hindi lang sila nababalita!" natatawa niyang sabi.

PEOPLE ARE JUST CURIOUS. Ngayong bati na sila ng kanyang ina na si Annabelle, okey na rin ba si John Lloyd sa mommy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siya galit," sabi ni Ruffa. "I think sa simula, shocked siya sa mga naglalabasang balita. I don't blame her dahil hindi naman maganda yung mga lumalabas. Nagustuhan nila yung pagtatanggol na ginawa ni John Lloyd sa akin at yung mga sinabi niya about me.

"I think, just don't take what she says seriously. For me, it has nothing to do with John Lloyd as a person because she's done that to whoever was linked to me. Lahat naman 'yan nagdaan sa paninita ng mommy ko... Aga [Muhlach] experienced that, Zoren [Legaspi] experienced that. Now naman, they're all best friends. Naiisip ko lang, para akong nagde-debut ulit. Back to the '90s!" tawa niya.

Ano ang reaksiyon niya na bonggang-bongga ang birthday celebration niya samantalang malungkot naman ang kay John Lloyd? Sabay kasi ang birthday nila sa June 24.

"Alam mo, lahat naman ng tao, iba-iba magdala ng problema, e. Yung ibang tao, kaya nila. Yung ibang tao, hindi. Ako, kung anong problema ang dumating sa buhay ko, kakayanin ko 'cause I've seen the worst and I think now, it can only get better. For this is not even a problem. For me, this is just like people are curious to know if me and John Lloyd. Yun lang naman."

Bakit curious ang marami sa kanila ni John Lloyd?

"I think because we're two big names. Siguro kung ang nali-link sa akin hindi showbiz, hindi naman pag-uusapan dahil wala namang ganoong public interest," sagot niya.

JOHN LLOYD IS LIKEABLE. Pero magugustuhan ba niya si John Lloyd?

"He's likeable naman," sagot niya. "He's very talented, so wala namang question dun. Sanay naman ako na mas matangkad ako, e. Hoy, at least naman hindi starlet ang nali-link sa akin, in fairness! Eto lang ang masasabi ko, ang haba ng hair ko! Talbog silang lahat! Wala akong magawa, I'm cute! Hoy, isulat n'yo 'yan, ang haba ng hair ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga tao diyan na react nang react, wala akong magagawa, including my mom. Mom, ang message ko sa iyo, 'Hindi porke't dalawa na ang anak ko, wala nang magkakagusto sa akin. Wala akong magagawa na ang anak mo ay nagmana sa iyo na maganda kaya maraming nag-a-admire!" natatawang biro ni Ruffa.

Pero totoo bang nag-usap sila nang masinsinan ni John Lloyd sa yate ni Willie Revillame?

"Dysuko, nineteen kopong-kopong pa 'yan! At saka hindi naman kami nag-usap nang masinsinan. That was a cast party. Last day 'yan ng Betty La Fea. You know, lahat ng ini-insinuate nila, ginagawa kasi nila, tinatanggal nila yung sampung tao na kasama namin. Ang nakikita lang nila, kaming dalawa ni John Lloyd. Bakit ayaw nilang banggitin yung lahat ng taong kasama namin, di ba? Always in a big group pag magkasama kami," paliwanag niya.

May date bang naganap na silang dalawa lang?

"Hindi, lagi kaming may kasama. Pero yung mga kasama namin ay nasa tabi-tabi," tugon ni Ruffa.

May intriga rin na magkikita sila sa U.S. ni John Lloyd sa mismong birthday nila. Totoo ba ito?

"Naku, huwag n'yo nang intrigahin 'yan, ha! Mamaya si Yilmaz [Bektas, Ruffa's estranged husband] biglang lumipad dito, 'no! Hayaan mo na. I'll be there for my show. I'm leaving on the 25th. Basta ako, meron akong sariling lakad at gimik doon. Naka-set na ako sa aking mga friends sa L.A. Sa June 28 kasi meron akong fundraising event ng 4 p.m. sa CBS Studio," paglilinaw ni Ruffa.

Sabi ni John Lloyd, magkasukat daw sila ng paa ni Ruffa?

"Sinabi niya?" gulat na reaksiyon ni Ruffa. "Sinukat-sukat nga niya yung sapatos ko. Nakakaloka siya! Sinukat-sukat niya sa Betty."

May sagot din ang beauty queen-actress-tv host sa sinabi ni John Lloyd na hindi siya nag-e-expect ng regalo mula kay Ruffa. I-text lang siya at batiin sa mismong birthday niya ay masaya na raw ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana ako rin i-text niya," nakangiting sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN