Marian Rivera enjoys extensive training for Darna

IMAGE 0


"Yung mga harness, medyo nae-enjoy ko siya. Parang hindi ko naisip na, 'Ay, kailangan kong gawin 'to para sa training.' Parang nae-enjoy ko lang siya habang tumatagal," says Marian Rivera about her training as Darna.


Puspusan na ang ginagawang pagsasanay ng aktres na si Marian Rivera para sa fight scenes at paglipad niya bilang bagong Darna sa telebisyon.

Ayon sa panayam ni Lhar Santiago kay Marian para sa 24 Oras ng GMA-7, wala na raw nararamdamang kaba ang aktres, lalo na ang paglipad sa tulong ng harness.

"Mahilig kasi akong sumakay sa mga rides, e. Yung mga harness, medyo nae-enjoy ko siya. Parang hindi ko naisip na, 'Ay, kailangan kong gawin 'to para sa training.' Parang nae-enjoy ko lang siya habang tumatagal," paliwanag ni Marian.

Nakadagdag din sa excitement ni Marian nang malaman niya kung gaano kaganda ang itatakbo ng Darna. Dito kasi muling mapapanood ang mga classic villains ni Darna; gaya ng Babaing Impakta, Babaing Lawin, Babaing Tuod, Babaing Linta, at ang Babaing Ahas na si Valentina.

Ang mga nabanggit na mga karakter ay nagampanan na noon ng ilan sa mga respetadong aktres gaya nina Gloria Romero (Babaing Impakta), Liz Lorena (Babaing Lawin), at Celia Rodriguez (Babaing Ahas) sa Lipad, Darna, Lipad ni Vilma Santos noong 1973.

Ayon kay Marian, "As in hanggang magsimula siyang mag-Darna, alam ko napakarami pang istoryang mangyayari at mga kanunu-nunuan pa kung saan nanggaling yung bato, alam ko, ilalatag din 'yan, e."

Pinupuri rin halos lahat ng makakita kay Marian sa training dahil sa husay ng kanyang kilos at ganda ng kanyang tindig.

"Kaya po nagte-training ako ng wushu para at least kahit action siya, may pagka-babae pa rin yung dating niya," sabi ng aktres.

Makakatambal ni Marian sa Darna ang isa sa top leading men ng Kapuso network na si Mark Anthony Fernandez, na gaganap bilang Efren. Samantalang magiging reunion naman ni Marian ito sa child aktor na si Robert "Buboy" Villar, na gaganap bilang sidekick ni Darna na si Ding. Unang nagkasama sina Marian at Buboy sa Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya excited din akong makasama kasi na-miss ko si Buboy, lalo na yung tandem naming dalawa," sambit ni Marian.

Si Marian ang pang-labing-isang aktres na gaganap na Darna sa isang full-length movie or TV series. Nauna na sa kanya sina Rosa del Rosario sa Darna (1951) at Darna at ang Babaing Lawin (1952); Liza Moreno sa Si Darna at ang Impakta (1963) at Isputnik vs. Darna (1963); Eva Montes sa Darna at ang Babaing Tuod (1965); Gina PareƱo sa Darna at ang Planetman (1969); Vilma Santos sa Lipad, Darna, Lipad! (1973), Darna and the Giants (1973), at Darna vs The Planet Women (1973), at Darna and Ding (1980); Lorna Tolentino sa Darna (TV series, 1977); Rio Locsin sa Bira, Darna, Bira (1979); Nanette Medved sa Darna (1991); Anjanette Abayari sa Darna, ang Pagbabalik (1994); at Angel Locsin sa Mars Ravelo's Darna (TV series, 2003).

Si Marian pa lang ang ikalawang aktres na makakaganap sa dalawang klasikong Pinoy comics characters na sina Dyesebel at Darna. Ang unang nakagawa nito ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN