Lucy Torres-Gomez lost best friend in showbiz with Douglas Quijano's death

IMAGE 0


"Para siyang magulang talaga. Siya lang ang kaisa-isang tao na gini-greet ko both for Mother's day and Father's day," says Lucy Torres-Gomez about her talent manager and best friend in show business, Douglas Quijano. In this photo, the Shall We Dance host was busy posting images of Douglas Quijano, which were captured by her husband Richard Gomez in their trips together here and abroad.


"Douglas, the star builder, is now a star in heaven."

Ito ang naging mensahe ng misa para sa namayapang talent manager na si Douglas Quijano noong June 16 sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig City. Heart attack ang ikinamatay ng kilalang talent manager noong Sabado, June 13, sa kanyang rest house sa Lucban, Quezon.

Ayon sa sermon ng pari, "Ngayon, hindi na si Douglas ang tumitingala sa mga stars na nilagay niya sa langit. Siya na ngayon ang titingalain."

Isa sa sa mga celebrities na titingalain si Douglas ay ang TV host na si Lucy Torres-Gomez. Para kay Lucy, hindi lamang talent manager ang turing niya kay Tito Dougs kundi tumayo na rin ito bilang ama at best friend sa showbiz.

"He was my first real friend in showbiz and he eventually became my best friend because palagi ko siyang kausap," pahayag ni Lucy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ikatlong araw ng burol ni Tito Dougs.

Dagdag niya, "Siguro dahil hindi ako talaga laking-showbiz, hindi niya talaga ako iniwan. Lahat ng lakad ko, kasama siya. Kahit ano lang, pictorial, presscon, dumadaan siya sa taping, dumadating siya bigla sa bahay."

Tulad ng kanyang asawa na si Richard Gomez, hindi naging madali para kay Lucy na tanggapin ang pagpanaw ni Tito Dougs.

Sa katunayan, habang nasa San Francisco ang mag-asawa noong pumanaw si Tito Dougs, hindi nila lubos na mapaniwalaan ang balita hanggang sa araw na makabalik sila ng Pilipinas at madalaw ang mga labi ng yumaong talent manager.

Kuwento ni Lucy, "I remember walking there where the flowers are, it's just heavy. With every step, it's heavier and heavier. Then, when I saw his body, it's very real already. Then, it gets worse when you see familiar faces."

Nabigla raw talaga sina Lucy at Richard nang makarating sa kanila ang balita dahil noong araw na iyon ay napag-usapan pa nilang mag-asawa si Tito Dougs. Wala din umanong ininda sa kanila ang talent manager para maisip ang kanyang biglaang paglisan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Lucy, "Kasi si Tito Dougs never siyang naging needy, hindi siya nagpapaasikaso. He's very independent. Parang siya 'yong isang tao na iisipin mong mabubuhay forever, siguro aabutin ng 90."

FATHER IN SHOWBIZ. Nagsimula ang magandang relasyon nina Lucy at Tito Dougs nang maging asawa ng una si Richard Gomez, isa sa pinakamatagal na inalagaan ng talent manager.

Ayon kay Lucy, "Alam mo, hindi namin pinag-usapan, parang nangyari na lang na noong nag-asawa kami ni Richard, came all these offers. Being the proper man that he is, [Douglas] asked permission to me pa. Sabi niya, 'Lucy, am I authorized to represent you?' Kasi, marami nang tumatawag sa kanya, ayaw naman niyang maging presumido. So, sabi ko, 'Of course, Tito Dougs.'"

Paglalarawan pa niya kay Tito Dougs: "Para siyang magulang talaga. Siya lang ang kaisa-isang tao na gini-greet ko both for Mother's day and Father's day.

"Si Tito Dougs kasi, as a person kasi, talagang mahiyain siya, di ba? Gusto niya laging nasa sideline lang siya, sa gilid lang siya. Parang the only time I got to hug him... 'Yong mga boys, mas nayayakap siya kasi palagi silang, ano, para siyang teddy bear, dinadaan sa biro. Niyayakap siya, 'tapos hinahalik-halikan siya ng mga boys. Pero kapag kami, para siyang naiilang. Kasi alam niya siguro na 'yong babae, totoo talaga. The only time I got to hug him nang matagal was nang nakita ko na lang siya na ganyan, nakahiga na."

Ngayong wala na si Tito Dougs, labis na mami-miss ni Lucy ang araw-araw nilang pag-uusap sa telepono.

"Kapag may balita na gusto ko talagang malaman ang totoo. Kasi, siya alam niya talaga, may mga tatawagan siyang mga source. Walang araw na hindi kami nag-uusap, except when he's abroad or I'm abroad," sabi ni Lucy.

Gayundin ang mga payong nakuha niya mula sa kanyang talent manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tito Dougs always led by example, very consistent, mabilis mag-decide, kung ano ang napagkasunduan, ino-honor niya 'yon. He was a simple man, not complicated at all. Very, very easy to deal with, very straightforward, and very kind. Parang 'yong greatest joy niya talaga is 'yong magpasaya ng tao," ani Lucy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN