Maxene Magalona says she will never accept sexy roles

IMAGE 0


Ayon kay Maxene Magalona, malapit sa puso niya ang susunod niyang GMA-7 teledrama na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. "Malapit talaga sa 'kin 'tong project na 'to, kasi my dad was part of the original movie. And also my mom was there. Nag-cameo siya. Special talaga 'to sa akin," sabi ng anak ni Master Rapper Francis M.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Maxene Magalona sa presscon ng bago niyang panghapong programa sa GMA-7, Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin, kagabi, June 17, sa 17th floor ng GMA Network Center. Dito ay mariin niyang sinabi na hindi siya kailanman magpapa-sexy.

"Never, never, never ever," sabi ni Maxene. "Kasi I come from a family of celebrities and I look up to my dad and also my grandparents... I'll go down my own path without having to do any of those things.

"Kasi like what my dad used to tell me,'yung lola ko, si Lola Tita [Duran], never niya rin ginawa yung mga ganun. Kasi almost all of the young actresses nowadays, talagang ginagawa nila yun. Ako naman, gusto ko maiba. Para lang maiba, para lang may variety. Para hindi lahat kami ganun," sabi ng magandang anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Ngunit hindi naman daw nagsasabi si Maxene ng masama laban sa mga katulad niyang young actresses na sumasabak sa sexy roles.

"No offense naman to the girls my age that are willing to do sexy roles, wala naman akong bias or prejudice against them. Ang gusto ko lang, I just want to be able to do my own thing without having to touch that kind of, parang 'yung pagiging sexy," sabi ni Maxene.

SINE NOVELA. Sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, gaganap si Maxene bilang Maureen, na unang ginampanan ni Sharon Cuneta sa movie version nito noong 1987.

Kinakabahan ba siya sa nasabing role?

"Doble ang pressure kasi this is a Sharon Cuneta role and mataas ang rating ng Dramarama [Sa Hapon]. So, gusto ko talaga, hindi ako maka-disappoint ng mga tao, ng mga big boss sa GMA. Gusto kong mapatunayan na kaya ko ang kahit na ninenerbiyos, itatago ko na lang yung pagkakanerbiyos ko," sabi ni Maxene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman ang dating 5 and Up host na nahihirapan siyang mag-drama, kahit na ito na ang kanyang pangalawang Sine Novela; matapos ang isa pang Sharon Cuneta film na Una Kang Naging Akin noong isang taon.

Nakatulong kaya ang pagpanaw ng kanyang ama upang mas mapabuti ang kanyang pag-arte?

"Siyempre ngayon, mas nakatulong, kasi mas madaling mag-emote. Iisipin ko lang si Papa, naiiyak na ako. Pero other than that, sana magawa ko nang mabuti every time na binibigyan ako ng dramatic show kasi nandun talaga yung pressure, kasi drama is one of the hardest na gawin," paliwanag niya.

Malapit sa kanyang puso ang Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin dahil nasa orihinal na cast ng movie version ang kanyang ama. Gumanap si Francis dito bilang secret boyfriend ng karakter ni Sharon. Ang Survivor castaway na si Jace Flores ang gaganap sa TV version nito.

Tinutulungan niya ba si Jace Flores sa pagganap sa role ng kanyang ama?

"Hindi ko na siya kailangang tulungan, ang galing niya, e. Magaling siya sa pag-play ng role na bad boy. Hanga ako sa kanya, I already saw him in one role and okay siya," sabi ni Maxene.

VILLAIN ROLE. Naikuwento rin ni Maxene na paborito niya ang comedy roles.

"Ironically, kahit na favorite ko ang comedy, my only comedy show was Daddy Di Do Du [sitcom with Vic Sotto]. And the rest dramatic, romantic. Gusto ko rin gawin yung ginagawa ni Glaiza [de Castro] ngayon na pagiging kontrabida, kasi mahirap yun. Pero gusto pa rin bumalik sa comedy," ayon sa Ako Mismo supporter.

Sino kayang kontrabida ang nais niyang tularan?

"Magaling si Ms. Jackie Lou [Blanco, na gumaganap bilang adoptive mother ni Maxene]. When I saw the original movie [Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin] magaling na magaling na magaling siya. Nung nakita ko talaga siya, natakot talaga ako sa kanya," saad ni Maxene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN