John Estrada and Krista Ranillo pay tribute to Douglas Quijano

IMAGE 0


John Estrada (left) and Krista Ranillo (right) recall their fondest memories of their late manager, Douglas Quijano.


Dalawa pang alaga ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa burol nito sa Heritage Memorial Parkā€”sina John Estrada at Krista Ranillo.

Isa si John sa hindi umalis sa poder ng namayapang talent manager mula pa nang una siyang pumasok sa showbiz hanggang sa bumuo ng sarili niyang pangalan sa industriya. Sinariwa ng aktor ang magagandang alaala ni Tito Dougs.

"Mami-miss ko yung mga one-liner niya, yung mga tawag niya sa iyo na hindi pa tapos ang usapan ninyo, binababa na niya ang telepono," sabi ni John.

"As a manager," patuloy niya, "as we all know, he's kind of tough, lalo na nung kabataan niya. Pag ikaw nakipag-negotiate sa kanya, medyo alam mo na may kaunting nginig yun dahil very strong ang personality ni Dougs. But he's a sweet person inside. Pag kaibigan niya, kaibigan ka niya talaga. Ang maganda kay Dougs, kahit na mali ka, pagagalitan ka niya, pero alam mong sa iyo siya kakampi. Hindi lang siya manager namin, tatay siya at kaibigan."

Ayon kay John, sobra siyang na-shock nang makarating sa kanya ang balita na sumakabilang-buhay na ang kanyang manager, lalo't wala naman silang alam na malalang sakit itong pinagdaanan.

"Ang alam ko lang na sakit niya, ang parati niyang sinasabi sa amin, okey ang sugar [level] niya dahil may diabetes nga siya. So, yun lang ang alam namin. Wala naman siyang nararamdaman. Wala naman siyang sinasabi sa amin. Wala kaming balita na na-hospital siya. In shock kaming lahat.

"Medyo late ko nang nalaman. May trabaho kasi ako nung night before. Nagising ako medyo late na, mga quarter to 12. Nakita ko may 50 missed calls ako, tapos unang text na nakita ko, kay Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN executive], naisip ko baka may nangyari sa father or mother ko, huwag naman... Nung nabasa ko yung second message na hindi ko na matandaan king kanino, Douglas nga passed away, I was so shocked. Hindi kami makapaniwala hanggang sa nakita namin yung katawan niya. Dun kami bumalik sa realidad na talagang wala na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaming mga nagmamahal sa kanya, kaming lahat ng alaga niya, ako personally, I will always talk and pray for him. Basta sa akin lang, walang katapusang pasasalamat sa lahat-lahat," pahayag ni John.

KRISTA RANILLO. Kasama naman ni Krista ang buong pamilya niya nang gabing makita namin siya sa burol ni Tito Dougs. Ayon kay Krista, napakalaki ng utang ng loob niya sa namayapang talent manager dahil ito ang naging tulay kung bakit nakapasok siya sa mundo ng showbiz at naging artista.

"Alam mo si Tito Douglas, sobrang mahal ko 'yan. Kasi, di ba, usually yung mga manager tutulungan ka nila, pero business ang dealing pa rin? Si Tito Dougs, never 'yan kumuha ng commission sa akin, as in lahat ng tulong niya sa akin, all out of love.

"Ang pagtrato niya sa akin, parang anak talaga. Bata pa lang ako, Palibhasa Lalake pa lang ang pinakauna kong show, sa kanya na ako. Sa kanya na ako lumaki talaga. Siya ang talagang naka-discover sa akin.

"Gusto ko talagang mag-artista, but ayaw ng parents ko. Nung na-stroke siya dati, dinalaw siya ng daddy ko [Mat Ranillo III], sumama ako. Tapos nakita ko sila ni Tita Aiko [Melendez]. Sabi niya sa akin, mag-artista daw ako. Ang sagot ko, ayaw ng daddy ko. Sabi niya , hindi, siya raw ang magma-manage sa akin. Sabi daw ni Mother [Lily Monteverde], ganyan... Dun na nag-umpisa. It was five-six years ago, nag-semi-retire na siya kaya nalipat ako kay Tito Wyngard [Tracy]. But still I keep in touch with him, nagkukuwentihan pa rin kami," naiiyak na sabi ni Krista.

Tulad ng karamihan, nagulat din si Krista sa biglaang pagkamatay ni Tito Dougs.

"Ang tagal na siguro naming nagkita. Siguro last year pa, kasi medyo naging busy na rin ako. Pero still, nag-uusap kami tapos umuwi din siya ng province [Lucban, Quezon].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, hindi ko siya makakalimutan. Kung anuman ang mayroon ako or anuman ang work na nagawa ko, dahil sa kanya. Palagi ko ngang sinasabi sa kanya, 'Tatay Dougs, mahal kita.' Parang ang sad lang na hindi kami nagkita, tapos nakakagulat na ganito ang nangyari."

Ibinahagi rin ni Krista sa PEP ang ilang magaganda niyang alaala kay Tito Dougs.

"Marami... Favorite niya kasi yung adobo ng mommy ko. So, mahilig kaming kumain together. Hindi ko malilimutan yung mga advice niya sa akin. Sinasabi niya lagi, 'O, huwag titigas ang ulo mo, huwag kang magpapatawad, huwag kang magpapabarat.' Nakakatuwa siya kasi kung iisipin mo, yung mga advice na ibinibigay niya sa mga talents niya, totoo nga naman."

Mas naging emosyonal pa si Krista nang magbigay ito ng mensahe para sa itinuring niyang tatay-tatayan sa showbiz.

"Tito Dougs, mahal kita. I wish we had more time together. I'll always remember you, you're always be in my prayers."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN