Glaiza de Castro says it's not yet time for her to fall in love

IMAGE 0


"Hindi naman sa takot, hindi lang siguro... Kapag kasi dumating naman yung tamang time sa 'yo na mai-in love ka, parang wala namang makakapigil nun, e. Parang hindi ko lang kontrolado yung mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon, lalung-lalo na pagdating sa love. Kasi ang dami ko pang inaasikaso at dapat unahin sa ngayon; like ang career ko, na priority ko ngayon, at ang pamilya ko," explains Glaiza de Castro about being not yet ready to fall in love.


Iginiit ng young actress na si Glaiza de Castro na wala talaga silang relasyon ni Patrick Garcia. Ayaw pa raw kasi niya na magka-boyfriend ngayon, maging si Patrick man o kahit na sinong lalake.

"Hindi pa po time," simpleng tugon ni Glaiza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin, ang Sine Novela na pinagbibidahan nila nina Maxene Magalona, Patrick Garcia, at JC Tiuseco.

Hindi raw isyu o problema kay Glaiza na unwed father si Patrick, bilang ama ng anak nito kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Ang iba kasi, ang iniiisip ay ayaw ni Glaiza kay Patrick dahil nga binatang ama ito.

"Hindi ko naman po masasabi yung ganun, e. Parang sino ba naman ako para magsalita ng tapos, di ba? Ngayon lang, hindi pa kasi time. Hindi pa talaga time," ulit niya.

Ayon naman sa iba, may relasyon na sila, pero inililihim lang daw nila ni Patrick.

"Wala po, wala talaga," tanggi ni Glaiza. "Kung meron, sana marami na ang nakahalata sa mga co-stars namin, sa mga kasamahan namin sa taping. Mapapatunayan naman nila na wala talaga."

May mga qualities naman daw si Patrick na magugustuhan ng isang babae.

"Attractive siya, oo, hindi naman siya ano... Okay naman siya, e, okay siya."

Naitanong ng PEP kay Glaiza kung close ba sila ng dating girlfriend ni Patrick na si Jennylyn.

"Hindi kami super-close, pero okay naman kami. Nagkakatrabaho kami dati."

During the time na nanliligaw si Patrick kay Glaiza, was there a time na nagkita sila ni Jennylyn? Nagkausap ba sila ni Jen?

"Opo, pero ano, we never talked about that issue. Parang ano, casual lang kami. Siguro hindi lang tama na pag-usapan yung ganun, hindi appropriate."

AFRAID TO FALL IN LOVE? Hindi pa nagkaka-boyfirend si Glaiza. Si Patrick nga ay huminto na ng panliligaw sa kanya at magkaibigan at co-stars na lamang sila ngayon. Hindi kaya intrigahin si Glaiza na isa siyang tomboy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natsitsismis na nga yata, e!" natatawang reaksiyon ni Glaiza.

Takot ba siyang ma-in love?

"Hindi naman sa takot, hindi lang siguro... Kapag kasi dumating naman yung tamang time sa 'yo na mai-in love ka, parang wala namang makakapigil nun, e. Parang hindi ko lang kontrolado yung mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon, lalung-lalo na pagdating sa love. Kasi ang dami ko pang inaasikaso at dapat unahin sa ngayon; like ang career ko, na priority ko ngayon, at ang pamilya ko," paliwanag niya.

Biro ng iba, si Glaiza lang yata ang nakaligtas sa charms ni Patrick.

"Nakaligtas talaga? Bakit, nasa panganib ba ako? Nanganganib ba ako?" tawa niya.

"Ano nga lang kasi," patuloy ni Glaiza, "hindi lang kasi ako naka-focus sa ganyang bagay. And yung pamilya ko naman, very supportive. Nandiyan sila palagi para magpaalala. So, wala akong dapat ikatakot pagdating sa ganyan dahil lagi silang nandiyan para sa akin."

Wala naman pala siyang dapat ikatakot, bakit ayaw pa niyang magmahal?

"Hindi pa po kasi talaga dumadating, e," sagot niya.

Sa palagay ni Glaiza, kailan siya magiging handa para umibig?

"Hindi ko masabi sa ngayon. Ayokong magsalita ng tapos, ayokong pangunahan talaga. Hindi ko masabi sa ngayon. Ayokong pangunahan yung mga ganyang bagay pagdating sa love. Kapag dumating yun, yun na yun. Pero sa ngayon, wala pa, hindi pa talaga dumarating."

Mapapanood na simula sa Lunes, June 22, ang Kung Aagawin Mo Ang lahat Sa Akin sa Dramarama Sa Hapon ng GMA 7. Mula sa direksiyon ni Topel Lee, tampok din dito sina Jackie Lou Blanco, Nonie Buencamino, Emilio Garcia, Joanne Quintas, Jackie Rice, Rich Asuncion, Jace Flores, at Lovely Rivero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN