John Lloyd Cruz complains he's on losing end regarding issue with Ruffa and Annabelle

IMAGE 0


"Kung ako ang tatanungin, parang dapat nga sumama pa yung loob ko. Kaya lang, para saan pa? Ayoko na lang talagang palakihin. May mga write-ups pa kasi na nabuhay tungkol sa akin na hindi naman nakakatulong. So, in a way, ayoko mang sabihin, sa lahat ng ito, parang talo pa ako, e. Alam mo yun? So, gusto ko lang matapos na,"says John Lloyd Cruz.


Umaliwalas na ng bahagya ang mukha ni John Lloyd Cruz nang humarap siya sa birthday presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic kahapon, June 17. John Lloyd will turn 26 on June 24, araw ni St. John the Baptist, kung saan kinuha ang first name ng aktor.

Hindi kaya may kinalaman ang pagbabati ni Ruffa Gutierrez, na nali-link kay John Lloyd, at ang ina nito na si Anabelle Rama sa paggaan ng pakiramdam ng aktor ngayon kumpara noong birthday presentation niya sa ASAP '09 last Sunday, June 14?

"Actually, masyado na ngang nadamay ang pangalan ko sa mga pangyayari. Parang ang pinagsimulan lang naman nito ay mga tuksuhan na parang nali-link nga kami ni Ruffa. Ngayon, umabot na sa hindi magagandang write-ups tungkol sa akin.

"Kung ako ang tatanungin, parang dapat nga sumama pa yung loob ko. Kaya lang, para saan pa? Ayoko na lang talagang palakihin. May mga write-ups pa kasi na nabuhay tungkol sa akin na hindi naman nakakatulong. So, in a way, ayoko mang sabihin, sa lahat ng ito, parang talo pa ako, e. Alam mo yun? So, gusto ko lang matapos na," himutok ni John Lloyd sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press.

Ano ang masasabi niya sa pagbabati nina Ruffa at Annabelle?

"Well, I am very happy na nagkaayos na sila," sambit niya. "Hanggang doon na lang muna yung masasabi ko. Kasi kung nagkaroon man sila ng samaan ng loob, nilinaw naman nila na wala po akong kinalaman doon. At alam ko sa sarili ko na hindi ako ang dahilan.

"I don't want to say more about it, kasi napaka-limited lang ng alam ko. Bilang kaibigan naman ni Ruffa, napag-usapan naman namin. Nagkita kasi kami nung [isa sa mga] birthday party niya. Marami siyang parties, pero hinati-hati niya. Tapos yung I Love Betty La Fea group, dun niya isinama sa party na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Annabelle na hindi naman daw siya tutol kay John Lloyd. Ang ayaw lang daw niya ay huwag itago o i-deny ang anak niya. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Ayoko lang magsalita na parang ilalagay ko pa yung sarili ko in great danger," maingat na sabi ng aktor. "Kay Tita Annabelle at sa kahit na sinong magulang for that matter, e, kailangan lumabas yung highest respect mo for people. I have the highest respect for Tita Annabelle. Hindi lang bilang siya sa industriyang ito, pero bilang nanay ng kaibigan ko. Kung may sasabihin man ako, huwag na lang, kasi nirerespeto ko si Tita Annabelle."

Pero giit ng marami, si John Lloyd daw talaga ang dahilan ng away ng mag-inang Ruffa at Annabelle.

"Hindi naman kasi ako puwedeng humingi sa inyo ng off the record," nakangiting sabi ng aktor. "Pero sige, para mas maintindihan ninyo... Kagaya nung sinabi niya [Annabelle] na, 'Magpakalalaki ka. Aminin mo at sabihin mo sa buong mundo na mahal mo si Ruffa.' Hindi naman nag-e-exist yung word na 'romantic love' between me and Ruffa. So, paano mo naman sasagutin yun? Ibig kong sabihin, ayoko naman siyang mapahiya.

"Ito nga, sinasagot ko na ngayon... Kaya lang, pasensiya na at kailangan kong sagutin dahil tinatanong n'yo ako. Pero hanggang dun lang. Kapag nagsalita ako, hindi ito matatapos, e. So, gusto ko itong matapos na may respeto sa isa't isa," pakiusap ni John Lloyd.

BEA ALONZO. Sa birthday presscon din ni John Lloyd, bumulaga sa kanya ang seksing picture ng ka-loveteam niyang si Bea Alonzo sa cover ng bagong isyu ng The Buzz magazine.

"Si Bea 'yan? Whoa!" bulalas ng aktor.

"Well, alam mo, masayang-masaya ako dito sa... Kasi marami na akong naririnig na magandang review about this movie [And I Love You So, Bea's movie with Sam Milby and Derek Ramsay]. I'm very happy, of course, for Bea. I'm very happy kasi produkto 'yan ng hard work ni Bea, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nasa States kami, grabe! Halos hindi siya kumain. Sobra siyang determined. Sobra siyang focused doon sa pelikula niya. And para sa akin, I can only be happy for her kasi lumalabas yung produkto nung paghihirap niya, e. And bukod pa doon, ang gaganda ng reviews ng pelikula nila. And I'm here all the way to support Bea, and Sam, and Derek."

Sa And I Love You So, may mainit na eksena si Bea with Sam. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"First time magpa-daring ni Bea? Hindi, e. Para sa akin kasi, kanya-kanya 'yan, e. Siguro sa ganyang paraan ang manifestation ng growth niya. Siguro ako, another step for me is this movie [In My Life, with Vilma Santos and Luis Manzano]... It's daring also. It's extremely daring na parang I've tried a role na hindi ko talaga...hindi maiisip ng karamihan na gagawin ko. So, kanya-kanya. And para sa akin, masaya ako para sa kanya."

Isang gay ang ginagampanang role ni John Lloyd sa In My Life.

SARAH GERONIMO. Nagkausap na ba sila ni Sarah Geronimo pagkatapos pumutok ng isyu sa kanila ni Ruffa? Sina Sarah at Ruffa kasi ang itinuturong dahilan ng breakup ni John Lloyd sa girlfriend nitong si Liz Uy.

"Yun nga yung sinasabi ko na nahihiya ako sa mga babae na ito na nadamay sa breakup namin [ni Liz]. Isa 'yan sa manifestation," sabi ni John Lloyd.

"Siyempre si Sarah, napaka-intact ng values niyan," patuloy niya. "Ayaw niyang ma-associate sa ganyang balita. So, kung gagawa pa siya ng production number with me on ASAP, parang hindi naman makakatulong. So, sabi ko sa kanya [pagkatapos ng duet nila sa ASAP last Sunday], 'Thank you for doing this.'

"Oo, nagkausap na kami. Okay naman. Yun nga lang talaga, kapag hindi nagkakasama, nababawasan yung closeness ninyo. Hindi kasi kami nagkikita, e. And siyempre, limited lang yung oras niya. Masyado siyang focused sa career niya. Hindi rin biro na parang every Sunday meron kang concert, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIZ UY. Tinanong din si John Lloyd kung handa na ba siya na pag-usapan ang breakup nila ni Liz.

"I think yun lang ang gusto kong maintindihan ng tao sa statement ko nung previous presscon. Kasi, di ba, ang hirap, e? Ang hirap to be that man na magsasalita. Parang ako ba as a man... I don't think I'm the one who is supposed to talk about it.

"But, in fact, baka magkita kami bago ako umalis [for U.S.]. Kasi, actually, hindi ko yun hinihingi para sa sarili ko. Yun yung mga bagay na... Kasi siyempre, hindi naman yung babae yung nai-interview, e. Ako yung nagko-conduct nung mga kagaya nito. Ako yung involved sa mga presscon. Ako yung humaharap sa mga press.

"So, parang yun ang sinasabi ko. Tulungan ninyo po sana ako na huwag ang maging impression sa akin na isang lalaki na nag-a-announce ng breakup sa buong mundo," pakiusap ni John Lloyd.

FACING THE INTRIGUES. Hiningan din ng mensahe si John Lloyd tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya ngayon.

"Well, ako, masasabi ko lang, marami akong friends sa press and marami akong... You know, hindi rin ako... Meron din, hindi nila ako gusto. At hindi ko yun mababago.

"Ang hihingiin ko lang, kasi masyado lang akong tinamaan nung ano, nung mga naglabasang write-up na parang, 'Saan nanggaling 'yan? Bakit nabuhay pa 'yan?' Parang, di ba?

"As years pass, sa career mo, sa buhay mo, you struggle to become a better person, e. These are things na napagdaanan mo na, these are things na nalampasan mo na. And in an instant, magsusulat sila ng isang bagay na makakasira sa akin. At sa ganung kadali maibabalik nila. Parang hindi nila alam yung hirap mo o how you struggle. Kung paano makabuo o makapag-establish ng isang pangalan na gusto mo naman na irespeto ng karamihan, especially ng mga kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ako, para doon sa mga hindi gaanong nakakakilala sa akin, or doon sa mga hindi masyadong nagbibigay ng chance sa akin, na at least man lang pakinggan ako bago magsulat ng isang write-up, na makakaapekto hindi lang sa akin kundi pati sa pamilya ko, e, wala na akong magagawa sa kanila.

"But I'm very happy na dito sa group na ito, alam ko naiintindihan ako. Alam ko nauunawaan ako. So, maraming salamat na lang doon sa mga nakakaunawa at sa mga nakakaintindi," pahayag ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN